SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 22:
Kinabukasan ay naghanda na ang lahat ng estudyante sa Shohoku High para sa pagsisimula ng kanilang High School week. Mayroong apat na pangkat na magkaiba ang kulay, ang Red Team, Blue Team, Green Team at Yellow Team.
Ang unang patimpalak sa High School week ay ang mga physical activities katulad ng Taekwondo, Judo, Sumo at Hand Wrestling.
Sa Hand Wrestling, si Hanamichi ang ginawang representative dahil sa malakas na pwersang tinataglay nito. Siya lang ang bukod tanging 2nd year representative dahil ang mga kalaban nito ay puro mga 3rd years mula sa ibang team. Ngunit kahit gaano pa katikas ang kanilang mga katawan, lahat sila ay natalo ni Hanamichi kaya ang Red Team ang unang nakasungit ng panalo.
"Yahooooooo!
Ang galing mo Sakuragi!
Grabe ang lakas niya!
Lakas ng braso mo prehh!" Cheer ng mga kateammates niya.
Sunod naman ay ang Sumo. Sa Red Team ay si Takamiya lang ang tanging mataba na kwalipikado sa Sumo. Ang makakalaban niya ay ang mga Sumo Athlete mula sa 3rd year level, kailangan sa larong ito ang dalawang miyembro. Kaya muling ipinasok si Hanamichi kasama si Takamiya.
"Ano? Ipapasok niyo na naman si Sakuragi? Ang laki ng mga kalaban!" Gulat na wika ni Kaiden.
Ngumisi naman si Ayako. "Sa maniwala ka't sa hindi. Balewala lang kay Hanamichi Sakuragi ang mga 'yan." Kinindatan niya si Kaiden.
Tameme lang si Kaiden at tumingin sa gawi ni Hanamichi. Sa mga match laban sa Blue at Green Team ay nanalo sina Hanamichi at Takamiya. Ngayon labanan na sa Win to Win, haharapin nila ang mga matabang higanteng 3rd Year ng Yellow Team. Sa unang round ay natalo si Takamiya dala ng kapaguran, subalit si Hamamichi ay pinamukha niya sa lahat na walang makakatalo sa kanya.
"GrrrAaAAaaaHhHHHH!" Tumba ni Hanamichi sa unang higante at,
"GrrAAaAaaHHHHHH!" Tumba niya rin sa pangalawa.
Nagsihiyawan ang buong Red Team sa ipinamalas na lakas ni Hanamichi, manghang-mangha sila.
"Grabe! Ang lakas talaga ni Sakuragi!
Pinatumba niya lahat!
Ang husay!
Sayang graduate na si Akagi, siya lang naman ang kayang warsakin si Sakuragi." Ingay ng mga estudyante.
Wala nang pakealam si Hanamichi sa pinagsasabi nila at tinamasa na lamang ang tagumpay. Ang Red Team ulit ang nagwagi. Nang makabalik si Hanamichi sa kanyang teammates ay nakipag-apiran ang mga 'to.
"Nice play, Sakuragi! Ikaw din Takamiya." Puri ni Ayako sa kanila.
"S-salamat." Pagod na sagot ni Takamiya.
"Ang galing mo, Sakuragi." Bati ni Kaiden.
"Salamat, Honey."
"Ang lakas mo parin talaga, Sakuragi." Bati rin ni Yugo sa kanya.
Ngumisi naman si Hanamichi at tinuro ang sarili. "Aba naman, syempre! Henyo---"
"'Henyo ata 'to!', psshh. Walang bago." Bulong ni Rukawa pero rinig na rinig ni Hanamichi.
"Rukawa, walanghiya ka talaga!" Sigaw niya pero inirapan lang siya. "Dukutin ko 'yang mata mo ee!"
"Gunggong." Tanging sagot ni Rukawa.
Siniko naman siya ni Honoka at sinenyasan na tumigil na. "Shuusssh!"
"Sori." Sagot ni Rukawa.
Samantala si Miyagi nakikinig lang sa kanila. Ito 'yung unang beses na humingi ng 'sori' si Rukawa sa isang babae. "Waw ha, character development 'yan?" Tanong niya sa isipan.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...