CHAPTER 17:

181 27 5
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 17:

Si Hanamichi at Kaiden, ang dalawa ay magkasamang inaliw ang carnival. Kahit saan magpunta si Kaiden ay laging nakasunod sa kanya si Hanamichi, ito ang unang beses na nakapunta ang dalaga ng carnival kaya natatakot itong maligaw lalo na't hindi pa niya kabisado ang Shohoku Region.

Kahit saan sila magpunta ay hawak-hawak parin ni Kaiden ang kamay ni Hanamichi.

Maraming laro ang kanilang sinubukan,

Iba't-ibang klaseng pagkain,

At mga nakakaaliw na dula sa entablado.

Ang huling laro na pinuntahan nila ay ang basketball, merong maliit na ring at ang bola naman ay yari sa goma.

"Manong Vendor, maglalaro po ako." Sabi ni Hanamichi sa Carnival Vendor.

"Sige, Hijo. 500 yen sampung bola." Sagot ng Vendor.

"Gawin mo pong trentang bola, Manong." Hanamichi

"Sige, Hijo."

"Maglalaro ka dito, Sakuragi?" Tanong ni Kaiden sa kanya.

"Oo naman, tignan mo 'yung prize oh." Tinuro ni Hanamichi ang isang human size na Teddy Bear na nakasuot ng red jersey.

Nahumaling si Kaiden sa disenyo ng stuff toy.

"Ang kyut naman, kaso..." Tinignan ni Kaiden kung ilang shot ang kailangan para makuha 'yon. "Dapat straight 30 shots ang kailangan para mapalunan, imposibleng makuha na'tin 'yan." Dagdag pa niya.

"Kapag hindi basketbolista, talagang imposible mong makuha 'yan." Nakaismid na wika ni Hanamichi na may halong kayabangan.

May napagtanto naman si Kaiden sa sinabi niyang 'yon. Oo nga noh? Kung sa bagay, basketball player 'tong si Sakuragi. Siguro, kaya niya naman 'to? Pero imposible parin 'yung 30 shots na tuloy-tuloy.

"Sigurado ka bang kaya mo 'yan, Sakuragi?" Tanong niya ulit.

"Aba naman, syempre. Henyo ata 'to ng basketball." Sagot ni Hanamichi.

"P-pero... Paano kung---"

"Gagawin ko ang lahat, Honey. Makukuha ko ang Teddy Bear na 'yan at ibibigay ko sa'yo bilang regalo ko, pangako 'yan." Ngumiti si Hanamichi sa kanya.

Hindi nakapagsalita si Kaiden sa winika niya. Masyadong maeffort na tao si Hanamichi, talagang gagawin niya.

"S-sige, magch-cheer ako sa'yo." Nahihiya niyang turan.

Nabuhayan naman si Hanamichi sa kanyang sinabi. Hindi siya makapaniwala, ito ang unahang beses na magch-cheer si Kaiden sa kanya. Kung gagawin niya nga 'yon. "Ayy aba, talaga naman oh! Daig ko pa ang nanalo ng lotto sa sobrang saya!"

"Nakahanda na, Hijo. Pwede mo nang simulan." Sabi ng Vendor sa kanya, at sa harapan ay nakahanda na ang tatlumpong bola para sa laro.

"Trentang sunod-sunod na shots lang di'ba ang kailangan, Manong?" Tanong uli ni Hanamichi.

"Oo, Hijo. Pero kahit sampung sunod-sunod na shots lang ay may premyo ka parin. Pili ka lang dito." Tinuro ng Vendor ang ibang stuff toys na small size.

Magaganda naman ang mga small stuff toys pero ang gusto ni Hanamichi ay yung human size, gustong-gusto niya 'yong makuha para kay Kaiden.

"Oh, sige Manong! Maglalaro na ako!" Hanamichi

"Galingan mo, Sakuragi!" Cheer ni Kaiden na ikinakulay ng mundo ni Hanamichi.

"Talaga naman oh! Pwede na akong sumakabilang-buhay!" Wika ni Hanamichi sa kanyang isipan.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon