SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 6:
Kinabukasan ay muling pumasok sa klase si Kaiden, dala niya parin ang pinag-usapan ng kanyang Kuya kahapon tungkol sa kanilang plano. Hindi niya alam kung kaya niya yon, pero kakayanin na lang alang-alang na maiganti ang kapatid. Mahal na mahal niya ang kanyang Kuya kaya gagawin niya ang kahit ano, mapabuti o mapasama man.
"HONEEEEEEEEY!"
Biglang natigil sa paglalakad si Kaiden nang marinig niya yon. Kilala na niya agad kung sino yun.
"Good morning, Honey! Ang ganda mo ngayon." Nakangiting bati sa kanya ni Sakuragi. Agad naman siyang umiwas ng tingin dahil naiilang siya.
"P-pwede ba, Sakuragi. Tigilan mo yan--- nakakahiya." Sagot niya.
Mahina namang natawa si Sakuragi. "Ayieee nahihiya ang Honey ko. Totoo naman ang sinasabi ko ee. Ang ganda mo." Wika niya ulit.
Mas lalong nahiya si Kaiden sa kanya, hindi siya sanay sa ganitong compliment. "Sige, may pasok pa ako." Iniwan niya si Sakuragi.
"Teka, sandali!--- sandali lang, Honey!" Agad namang sumunod si Sakuragi dahil ang bilis niya maglakad.
Habang naglalakad silang dalawa ay panay ang tingin ng ibang estudyante sa kanila ang iba ay nagtitilian pa.
"Sandali lang... Nagdedate ba ang dalawang yan? Diba Sophomore si Sakuragi at freshmen naman si Kaiden?" Tanong ni Reiku habang nakatingin sa gawi ng dalawa.
"Huh? Pwede ba yon? Sophomore at Freshmen?" Inosenteng tanong ni Mayo.
"Gaga, pwede yon noh. Age doesn't matter kaya." Reiku
"Awitt nakakakilig naman kapag ganun!" Mayo
Sa usapan nina Kaiden at Sakuragi ay hinahaluan ito ng mga biro. Si Kaiden naman ay natatawa dahil sa kakornihan niya, dahil si Sakuragi rin ang tumatawa sa sariling jokes niya.
"Anong tawag sa nagpapatawang isda?" Tanong ulit ni Sakuragi.
"Huh? Meron ba nun?" Kaiden
"Oo, meron!" Sakuragi
"Huh? Ano?" Kaiden
"Edi... CLOWN FISH! HAHAHAHAHA!" muling humalakhak si Sakuragi. "Diba CLOWN ay mga payaso na nagpapatawa? Tapos FISH ay isda? Edi CLOWN FISH!"
Napahilamos na lang ng mukha si Kaiden sa kakornihan niya. "Ewan ko sayo, ikaw lang ang nakakaintindi sa jokes mo."
"Ang totoo niyan, gusto kase kita makitang tumawa kaya ginagawa ko ang lahat para makita yon." Natigil sa paglalakad si Kaiden nang sabihin yon ni Sakuragi. Tinignan niya ito.
"At kapag tumatawa ka, napaisip ako kung totoo ba yan o hindi. Mababaw kase akong lalake, hindi napapansin ang tunay at peke. Pero, pagdating sayo. Nararamdaman kong totoo ang mga tawa mo." Ngumiti si Sakuragi saka inilapit niya ang kanyang kamay sa bandang tenga ni Kaiden para ayusin ang buhok nito.
"Matamis na ngiti mo lamang ang aking masaksihan ay maligaya na ang araw ko... Kaiden." Dagdag pa niya saka ngumisi ng matamis.Hindi nakasagot si Kaiden sa kanya. Sa pagsambit pa lang ng kanyang pangalan ay alam niyang seryoso ito.
"Sakuragi!"
Sabay napalingon si Sakuragi at Kaiden nang may tumawag. Isang babae na palapit sa kanilang gawi. Nang makarating ito sa kanilang harapan ay normal itong nakatingin kay Kaiden, ngunit paglipat ng tingin kay Sakuragi ay napalitan yun ng ngiti.
Napaismid si Kaiden sa isipan niya at nagsalita. "Bakit nandito ang babaeng ito?"
"Uyyy Honoka ikaw pala!" Nakaramdam naman ng inis si Kaiden dahil ang ngisi ni Sakuragi ay mas malaki at malapad pa kumpara sa pangiti nito sa kanya.
"Bwisit." Bulong ulit ni Kaiden.
"Sakuragi, kanina pa kita hinahanap. Ang totoo may kailangan ako sayo." Hinawakan ni Honoka ang kamay ni Sakuragi. "Kailangan mong sumunod sakin." Akmang hihilain niya ito nang umawat agad si Kaiden. Hawak niya din ang isang kamay ni Sakuragi.
"Excuse me miss? Hindi mo ba nakita na nag-uusap pa kami?" Simpleng tanong ni Kaiden.
"Excuse me too miss? I don't know who you are, could you just get off your hands to him?" Simpleng tanong rin pabalik ni Honoka. Pero ang tensyon nilang dalawa sa pagitan ni Kaiden animo'y parang may kuryente dumadaloy.
Napangisi si Kaiden sa englishan niya, syempre hindi siya magpapatalo. Ayaw nyang mapahiya sa harapan ni Sakuragi.
"How absurd you are, don't you? We are in a middle of conversation and you just show up out of nowhere?" Sa pagkakataong ito ay hindi mapigilan ni Kaiden ang mapataray.
Samantala sa gitna, si Sakuragi ay pabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa at wala siyang naiintindihan sa inglesan nito.
Napaisip sandali si Honoka sa inaasta niya. Kilala niya si Kaiden, taga kabilang classroom ito, siguro hindi pa napansin nito na magkatabi lang sila ng classroom.
"Sabihin mo nga... May gusto kaba kay Sakuragi?" Direktang tanong ni Honoka na ikinabigla ni Kaiden.
Hindi agad ito nakasagot. Pati si Sakuragi ay natigilan. Hinihintay niya ang sagot ni Kaiden.
"See? Wala kang gusto. Kaya wag kang umasta na hawak mo ang oras niya. You are not even his girlfriend." Hinila ni Honoka si Sakuragi dahilan para nabitawan siya ni Kaiden saka naglakad na sila paalis.
Nang makalayo ang dalawa ay nakatingin lang si Kaiden sa gawi nila. "May oras ka rin sakin mamaya, babae ka."
***
Samantala, habang magkasabay na naglalakad si Honoka at Sakuragi ay humingi ito ng paumanhin sa pang-iistorbo nito.
"Pasensya ka na talaga sa ginawa ko, Sakuragi. Ang totoo kase nyan ay pinapatawag ka ni Captian Miyagi dahil may meeting daw kayo para paparating na Match. Pasensya na talaga ah?" Nakapakmot na lang sa pisnge si Honoka.
"Hehehehe nako ayos lang yun! Walang kaso, mabuti na lang at tinawag mo'ko. Baka makutusan pa ako ni Kulot kapag nahuli ako sa meeting. Yari na naman ako sa flying kick niya." Natatawang sagot ni Sakuragi.
Tinignan niya naman ang isang kamay niya kung saan nakahawak kanina si Kaiden. Nakita niyang namumula ito at parang magiging pasa na.
Hindi niya akalain na ganito kapwersa si Kaiden, lalo na sa mga oras na yon.
Napangiti na lang si Sakuragi sa naiisip niya. "Hindi kaya nagseselos siya?"
Si Honoka naman na nasa tabi niya ay nakatingin lang sa kanya at naging seryoso ang mukha nito.
KnightAncient | Henyong Si Sakuragi
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...