CHAPTER 48

108 8 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 48

KINABUKASAN ay hindi pa rin pinansin ni Kaiden si Hanamichi. Aminado si Kaiden na may kasalanan siya sa sumbatang iyon, sadyang hindi niya lang masabi dahil umiinit lang ang kaniyang ulo sa tuwing naaalala niya ang ginawang paghatid ni Sakuragi kay Haruko sa tahanan nito.

Kasalukuyang nasa loob ng classroom si Kaiden habang nakatuon nilalaro ang kaniyang paningin sa labas ng bintana.

"Huy Kaiden, pansinin mo na kaya si Sakuragi? Baka totoo ang sinabi niya na magkaibigan lang sila ni Ms. Haruko." Pukaw ni Mayo sa kaniya.

"Oo nga naman, wala ka bang tiwala sa kaniya? Halata namang walang motibo si Sakuragi roon." Wika naman ni Reiku.

Hindi sinagot ni Kaiden ang pinagsasabi nila. Nanatili ang kaniyang tingin sa bintana. "Pwede ba, hayaan niyo muna ako. Medyo hindi rin kasi maganda ang sagutan na'min ni Hanamichi kagabi. Mahirap makipagbati agad."

Nagtinginan si Mayo at Reiku, may namuong interesante sa mga mukha nila. Umupo sila sa harapan ng desk ni Kaiden.

"Ano bang nangyari kagabi? Down na down ka ngayon e." Reiku

"Kontrobersyal ba masyado ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Ms. Haruko, Kaiden?" Mayo

Umiling si Kaiden sa kanila. "Ang totoo kasi... Yung nangyari kagabi. Tinanong niya kung bakit kasama ko si Rukawa kahapon, ang tono niya... pa galit."

"Ano, galit siya 'nong tinanong niya iyon? Ang babaw naman ata para magalit siya?" Takang tanong ni Mayo.

"Girl, hindi mo ata alam na mainit ang mata ni Sakuragi pagdating kay Rukawa noon pa man. Magkaribal na sila dati pa. Hindi ko alam kung sa laro lang." Opinyon naman ni Reiku.

Muling nagsalita si Kaiden. "Tama ka, Reiku. Mainit nga ang mata ni Hanamichi kay Rukawa dati pa. Sa pagkakaalam ko, paano ko ba 'to sasabihin..." Napayukom ng parehong kamao si Kaiden sa totoong punot-dulo ng galit ni Hanamichi kay Rukawa. "May haka-haka na minsan nang naging magkaribal ang dalawang 'yan kay Ms. Haruko."

Bakas sa mukha ng kaniyang mga kaibigan ang gulat. Hindi sila makapaniwala.

"Hoy, Kaiden! Baka naman hindi 'yan totoo?" Alarmang tanong ni Reiku.

"Haka-haka, wala namang katotohanan iyan." Mayo

"Sana nga hindi totoo... Lalo na't malapit sila ngayon sa mga oras na ito." Parang maiiyak si Kaiden sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon.

"Kaiden, relax. Imposible 'yang nasa isip mo. Malapit silang magkaibigan dahil dati siyang Manager ng Shohoku Boys Basketball Team na'tin. Kung totoo man 'yon, edi sana dinaldal na 'yan nina Mito sa'yo o kahit sino pang miyembro ng club nila." Napatingin na lang si Kaiden sa kaibigang si Reiku. "Uso na kaya ang boy-girl best friends ngayon."

Huminga ng malalim si Kaiden at tumango. "Salamat, iyan ang paniniwalaan ko."

"KAIDEN! MAY NAGHAHANAP SA'YO!"

Agad bumaling ng tingin si Kaiden sa pintuan ng kanilang classroom. Namuo ang tilian ng kababaihan nang makita niya si Yugo na nakatayo habang nakapamulsa ang kaniyang prosthetic hand.

"O m g, girl! Si Yugo Asamiya ng Class 2 narito!" Mayo

"Ang gwapo niya!" Reiku

"Kulay pula ba 'yang bagong tubo niyang buhok? Nagmumukhang siyang manok dahil sa sa berde niyang buhok." Barat ng isang lalake dahil sa inggit. Tiningnan naman siya ng masama ng kababaihan.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon