CHAPTER 4:

329 32 10
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 4:

Habang nasa taekwondo training si Kaiden ay mainit parin ang dugo niya dahil sa sinabi ni Mito sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano dahil wala namang kabuluhan ang sinasabi nito.

Selos? Imposibleng maramdaman niya yun sa isang sangganong lalake tulad ni Sakuragi. Patawa.

"Kaiden, maghanda kana. Ikaw na ang susunod na lalaban." Paalala sa kanya ng Trainor.

"Opo." Sagot ni Kaiden at inayos ang sarili.

Naglakad siya sa gitna, hinarap niya ang kanyang kalaban. Agad naman nawalan ng gana si Kaiden dahil babae na naman ang kalaban niya subalit hindi niya pinapahalata sa kanyang hitsura. Ang tipong kalaban niya sana ay yung mga matitikas tulad ni Sakuragi.

"Aishhhh! Bakit ko ba iniisip ang lalakeng yun... bwisit siya." Bulong niya.

"Okay! Handa..." Paghahanda sa kanila ng Trainor. Nagpose naman si Kaiden para sa gagawing atake niya. "LABAN!"

Pagkasabi pa lang ng Trainor ay isang sipa lang ni Kaiden sa dibdib ng kalaban ay natumba na ito.

*BLAAAAAAAAAAAG!*

"Magaling, Kaiden!" Sabi ng Trainor.

Nilapitan naman ni Kaiden ang kalaban niyang babae saka ito inalalayang tumayo. "Ayos ka lang?" Tanong nito.

"Oo, grabe ang lakas mo talaga. Sa ganyang abilidad mo, wala nang rason para kaming mga babae ang kalaban mo." Sabi nito sa kanya.

Tumawa naman si Kaiden. Buti alam ng babaeng ito, sa totoo lang nakakawalang gana sila kalaban para kay Kaiden.

"Hahahaha ano bang sinasabi mo? Chamba lang yung ginawa ko." Kunwari ni Kaiden sa kanya.

Paglipas ng ilang oras ay natapos ang kanilang taekwondo training. Pagkatapos magbihis ni Kaiden ay nagpaaalam na siya sa mga kasamahan niya sa club.

Nang makababa siya sa building ng 1st year, pagkalabas niya ng main gate ay nakita niya si Hanamichi na nakatayo tila may hinihintay. Natigilan siya dahil doon. Agad siyang tumalikod upang hindi siya mapansin, akmang lalakad pabalik sa building nang tawagin siya nito.

"HONEEEEEEEEY!" Ngising tawag sa kanya ni Sakuragi.

Napatingin naman ang ibang estudyante sa kanila at ang iba pa ay nagbulungan pa.

"Honey, mabuti tapos na ang training mo. Napagod kaba, Honey--- huh?" Natigil si Sakuragi sa mga salita niya nang hindi siya pansinin ni Kaiden at dumaan lang ito sa harapan niya. "Bakit, Honey?"

"Pwede ba 'wag mo'kong tawaging 'Honey' hindi kita kilala, hindi tayo close! Kaya huwag kang feelingero!" Bulyaw ni Kaiden sa kanya saka naglakad ng mabilis.

Medyo nagulat si Sakuragi sa inasta niya pero kalaunan ay ngumisi ito. Ganitong klaseng babae ang mga gusto ni Sakuragi, yung tipong machachallenge siya.

"Honey, sandali!" Hinabol niya si Kaiden.

Patuloy parin sa paglalakad si Kaiden nang bigla siyang hablutin ni Sakuragi palapit sa kanya. Ang mukha nilang dalawa ay masyadong malapit, naiilang na nakatingin si Kaiden sa kanya habang si Sakuragi ay nakangiti.

"May nagawa ba akong kasalanan, Honey? Kung meron man pasensya na ah?" Sabi nito habang nakangiti.

Hindi makapagsalita si Kaiden sa ginawa niya, masyadong malambing si Sakuragi. Ibang-iba sa inasta nito kahapon.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon