CHAPTER 24:

131 16 0
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 24:

Nagsimula na ang Judo Face-off sa patimpalak na'to ay naging madali para kay Honoka na talunin ang mga minor athlete, ganun din si Freya. Mga basic techniques ng Judo ang mga ginamit ni Honoka sa mga kalaban nito katulad ng 'Harai Goshi Gaeshi' at 'Osoto Otoshi'.

Nakatingin lang si Freya kay Honoka kung paano nito pinagtutumba ang mga kalaban.

"Basic techniques ng Jiu Jutsu lang ang ginamit niya pero mahusay siyang magdala." Bulalas niya sa isipan.

Hinuli ni Honoka ang pulsuhan ng kalaban saka niya inikot at binalibag sa sahig.

*BLAAG!*

"Ayos! Ang galing mo Honoka!" Cheer ni Ayako.

"Oww ang sakit nun ah?" Yugo

Napawow si Hanamichi. "Waw, Honoka! Hindi ko alam marunong ka pala nung sport ni Judoy!" Masayang cheer ni Hanamichi.

Tumawa naman si Ayako nang maalala niya ang pangyayaring 'yun. "Nakakatawa ka talaga Hanamichi Sakuragi, naalala ko tuloy kung paano ka niya pinilit at blinockmail para lang sumali ka sa Judo!" Natatawang wika nito.

"Bakit? Anong dahilan?" Tanong ni Kaiden.

"Kase naman, mataas kasi ang reflexes ni Hanamichi Sakuragi. Malaki ang katawan niya, macho, mabilis kumilos at tumakbo at talagang malakas. Kahit sinong kalaban o player natutumba niya pagdating sa pisikalan. Kaya maraming mga club recruiter na gusto siyang kunin dahil sa lakas niya." Mahabang sagot ni Ayako.

"Buti na lang talaga tinigilan na ako ni Judoy, lalo na ngayon dahil graduation na. Kahit papaano nakakamiss si Judoy. HAHAHAHA!" Tawang wika ni Hanamichi.

"Judoy? Ang baduy ng pangalan." Bulalas ni Kaiden.

"Shush tama na 'yan, win to win face-off na." Pukaw ni Ayako, binalingan nila muli ng atensyon ang center kung saan magkaharap sa win to win battle sina Honoka at Freya.

Nakaismid lang na nanonood si Yugo.

Sinusing mabuti ni Honoka ang parte ni Freya kung saan makakita siya ng bukas na target point sa kanyang binabalak na vital striking.

"Ang paa niya." Sabi sa isipan niya saka agad na inabante ang kanang paa patama sa kaliwang paa ni Freya.

Pero naiwasan 'yun ni Freya ngunit nahuli naman ni Honoka ang braso niya at mabilis na binalibag pabagsak sa sahig.

*BLAAG!*

Naghiyawan ang buong Red Team sa ginawa ni Honoka.

"Waw! Ang galing!" Puri ni Hanamichi. "'Yan din dati yung ginawa sa'kin ni Judoy!"

Natulala naman si Kaiden. "A-ang galing, ang bilis ng atake!"

Humanga naman si Yugo kay Honoka. "Seryoso nga siya sa sinabi niya."

"Okay lang 'yan, Freya! Isang puntos palang 'yan!

Oo nga, bawi tayo!" Cheer ng Yellow Team.

Bumangon si Freya sa pagkahiga at muling tinignan ng seryoso si Honoka.

"Hindi ako magpapatalo sayo, Ate Freya." Wika ni Honoka. Umismid lang ito sa kanya.

Muling naglaban ang dalawa, sa pagkakataong ito ay naging mabilis na ang kilos ni Freya. Binangga niya ang binti ni Honoka kaya nawalan ito ng balanse saka inistrike ang leeg ni Honoka pabagsak sa sahig.

*BLAAAG!*

Naghiyawan ang buong Yellow Team dahil nakapuntos si Freya.

"Freya!

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon