SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 26:
Naghanda na ang apat na team sa lane na binubuo ng tiglilimang miyembro. Sa pangkat ng Red Team ang unang hahawak ng baton ay si Miyagi sunod naman si Rukawa. Puno ng ingay at sigawan ang buong sports complex dahil sa mga estudyanteng nagchicheer para sa kanilang Team.
Ang tatlong extra naman na sina Takamiya, Ohkusu at Noma ay kanya-kanyang hampas sa hawak nilang plastik bottles habang sinisigaw ang myembro ng Red Team.
"Sigurado na ang panalo na'tin dito. Kina Miyagi, Rukawa at Hanamichi Sakuragi palang taob na ang kalaban kung pabilisan ng takbo ang pag-uusapan." Ngising wika ni Ayako.
"Ang laki naman ng kumpyansa mo dito, Ate Ayako." Honoka
"Aba syempre naman. Proven and tested na kaya." Ayako
Si Hanamichi naman ay muling binalingan ng tingin ang audience area at siya'y nabuhayan nang makita si Kaiden na nakatingin din sa kanyang gawi.
"Si Honey, ang ganda niya!" Tila naging hugis puso ang mga mata ni Hanamichi nang makita niya ang hitsura ng dalaga. Nakapony tail at may konting lipstick. Talagang napakaganda!
Hindi niya napansin ang kamay ni Yugo na kumaway-kaway sa mukha niya. "Yuhooo, Sakuragi. Tulala ka na naman sa laloves mo. Focus ka kaya sa larp na'tin ano?" Sarkastikong wika ni Yugo habang nakangisi.
Natauhan naman si Hanamichi at umiling. "Ikaw talagang bantot ka. Panira ng moment."
"Maghanda na!" Napatingin ang lahat ng participants sa In-charge Teacher ng activity na may hawak na Starting Pistol.
Pumesto na si Miyagi, nasa linya siya ng numero kwatro. Nakatayo sa linya si Rukawa dahil siya ang susunod na pupwesto sa oras nakatapos ng lap si Miyagi.
"Handa..." Itinaas ng Teacher ang Starting Pistol at...
*BANG!*
Naghiyawan ang buong estudyante sa palibot ng Sports Complex sa pagsimula ng paligsahan. Pero mas malakas ang sigawan ng Red Team dahil sa bilis at tulin ng takbo ni Miyagi, nadaig pa nito ang mga baseball player.
"Go, Ryota!" Cheer ni Ayako. "Pumwesto kana, Rukawa!" Utos niya. Sumunod naman ito.
Nakatayo na si Rukawa sa linya ng kwatro at hinihintay na lang si Miyagi na makalap at iabot ang baton.
"Rukawa!" Sigaw ni Miyagi hanggang siya'y tuluyang nakalapit.
Dahan-dahang tumakbo si Rukawa para makondisyon ang katawan sa pagtakbo.
"Ikaw naman!" Binigay ni Miyagi sa kanya ang baton.
Nang matanggap ni Rukawa ay mabilis din itong tumakbo.
"Whaaaaaaahh! Ang bilis niya!" Sigaw ng tatlong extra.
"RUKAWA! RUKAWA!
L-O-V-E
RUKAWA!" Cheer ng mga Jologs niya.
Namangha naman si Honoka sa bilis ng takbo nito. "Rukawa... Galingan mo!" Sigaw niya.
Lihim na napangiti sa isipan si Rukawa nang marinig niya ang sigaw na 'yun.
"Tssk." Napairap sa kawalan si Yugo.
"Rukawa-senpai!" Sigaw uli ni Honoka.
Pumwesto naman si Mito sa linya ng kwatro dahil siya ang susunod na tatakbo.
"Mito maghanda kana, palapit na si Rukawa!" Ayako
"Oo, Ate Ayako!" Sagot ni Mito.
Pagkalapit ni Rukawa, pinasa niya agad ang baton. "Ikaw naman."
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...