CHAPTER 35:

172 23 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 35:

Isang linggo ang lumipas ay nagsimula na ang High School Divisional Elimination Matches sa Shohoku Division. Kahit apektado si Hanamichi sa kanyang dahil sa nangyari sa kanila ni Kaiden ay mas pinili niyang ayusin ang lahat para hindi maapektuhan ang kanilang laban.

Parehong kalagayan sila ni Rukawa, subalit hindi nila maaaring idamay ang kanilang personal na nararamdaman sa labanang kinakaharap nila.

Sa unang laban nila ay nanalo sila sa Takezono, sa pangalawa naman ay nanalo ulit sila laban sa Shoyo.

Ngayon ay haharapin ulit nila bukas sa ikalawang pagkakataon ang defending champion, ang kuponan ng Kainan.

Kasalukuyang nag-eensayo ang lahat sa gymnasium ng Shohoku upang paghandaan ang kanilang muling paghaharap sa Kainan Team. Nagti-3 on 3 sila ngayon gamit ang dalawang court na nasa loob ng gymnasium.

Sa kaliwang court at nandoon si Hanamichi habang sa kanan naman ay si Rukawa.

"Sakuragi, salo!" Pasa ni Yasuda sa kanya.

*Pass!*

Pagkasalo ni Hanamichi ay saktong patungo siya sa center zone ng half court.

Nanumbalik sa isipan niya yung nahuling usapan ni Kaiden at Saiga. Kumulo na naman ang dugo niya.

Sumigaw siya ng malakas at pwersang dinakdak ang bola sa ring.

*DUNKKKKK!*

Tila yumanig ang buong court. Ganun din si Rukawa sa kabila.

"Oh siya! Magpahinga muna kayo, Hanamichi at Rukawa!" Ang Team Captain naman na si Miyagi ay nagtataka sa inaasta ng dalawa. Parang may lamat na nangyayari sa kanila. Nais niya sanang itanong kay Honoka ang nangyari sa dalawang 'to kaso isang linggo na 'tong hindi nagpapakita sa gymnasium. Nag-aalala na rin si Ayako sa kanya na baka kung ano na ang nangyari.

Hindi namalayan ni Miyagi na nasa tabi niya na pala si Yasuda. "May napansin ka rin sa dalawang 'yan ano?"

"Akala ko ako lang, haysss... Ano bang nangyari sa dalawang mokong na 'yan? Nung nagsimula ang match ay naging agresibo ang dalawang 'yan. Tungkol ba 'yan sa personal nilang issue?" Tanong niya.

"Hindi ko alam, wala naman akong balita sa personal nilang buhay ee." Walang ideyang sagot ni Yasuda.

"Ang alam ko ay nagkaroon ng gulo last week sa building ng first year kung saan sangkot si Hanamichi Sakuragi at si Yugo Asamiya." Napatingin sila pareho sa sinagot ni Ayako. "Malakas ang kutob ko na issue sa pagitan nilang dalawa. Kasali na ang dalawang first year na si Kaiden at Honoka." Dagdag pa niya.

"Ano naman ang kinalaman ng dalawang first year?" Takang tanong ni Miyagi.

"Ang alam ko ay nililigawan ni Hanamichi Sakuragi 'yung first year na si Kaiden Sazuno at ayon naman sa nasagap kong chismis, si Honoka at Yugo Asamiya naman ay magkasintahan." Sagot ulit ni Ayako.

"Ano? Si Honoka at Yugo? Akala ko ba--- ngayon alam ko na kung bakit wala sa mood si Rukawa, si Hanamichi naman iritable." Huminga ng malalim si Miyagi at muling tiningnan ang dalawa na nagbabangayan.

"Tumahimik ka dyan, Rukawa! Sa basketball ang dali mong makapuntos, pero sa babae sablay ka!"

"Atleast hindi pinaglaruan." Rukawa

"Shattap!"

"Tama na 'yan, baka magalit si Miyagi." Awat sa kanila ni Toki Kawata.

"Wala akong pakealam!!" Sabay sagot ng dalawa.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon