CHAPTER 7:

305 29 10
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 7:

Sa loob ng gymnasium ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga players ng Shohoku Team. Ang agenda ng kanilang pinag-usapan ay tungkol sa paparating na match sa Distrito ng Kanagawa.

"Nung nakaraang taon ay naghari ulit ang kuponan ng Kainan sa Distrito ng Kanagawa at pumangalawa naman ang Shohoku Team. Pasok parin sa Best 4 ng Kanagawa ang Team ng Shoyo at Ryonan kaya sa taong ito ay hindi malayong nakaharap natin muli ang mga kuponang nabanggit." Wika sa kanila ni Miyagi habang sina Hanamichi at ng iba pa ay nakakikinig sa kanya.

Si Honoka naman ay panay parin ang masid kay Hanamichi dahil kung titignan ay parang nakikinig ito kay Miyagi ngunit kung susuriing maigi ay nakatulala ito sa kawalan.

Napaisip si Honoka at may hula siya kung sino ang iniisip nito.

Oo... SINO.

Lumipas pa ang ilang oras ng pagpupulong ay tinapos na ni Miyagi ang usapan. Ang masama nito ay niisang sinabi at pinaliwanag ni Miyagi ay walang naintindihan si Hanamichi. Lumapit si Honoka sa kanya nang hindi napapansin.

"Sakuragi!" Pukaw ni Honoka sa kanya na kinapitlag ni Hanamichi.

"H-Ha? Ano yun?" Tanong nito.

Mahinang natawa si Honoka sa kanya. "Kanina kapa nakatulala dyan." Sabi nito.

Bahagyang napakamot ng pisngi si Hanamichi at tumawa ng mahina. "Hehehehe, pasensya na. Tapos na pala si Kulot sa meeting?"

Napasapo ng noo si Honoka sa tanong niya. Buong meeting nga itong wala sa sarili. "Ayan kase, Sakuragi. Buong oras ng meeting wala ka sa wisyo at dismissal ni Captain Miyagi hindi mo napansin. Malala kana HAHAHAHAHA!"

Sa tawang yun ni Honoka ay napatitig si Hanamichi sa kanya.

Yung tawa ni Honoka, kung titingnan ni Hanamichi ay parang anghel ito ay kumikinang pa.

Nagagandahan siya sa babaeng ito.

Napakaganda.

Agad umiwas ng tingin si Hanamichi dahil sa napapansin niya. Hinawakan niya ang kanyang dibdib na parang kinakabahan.

"Nako, hindi pwede 'to. Si Kaiden ang natitipuhan ko--- pero bakit pagdating dito kay Honoka nakakaramdam na ako ng hiya? Aaaarghh~ hindi pwede!" Sinabunutan ni Hanamichi ang sarili niya. "Walanghiya ka, Hanamichi! Timer ka!" Bulong pa niya sa sarili. "Ano na lang ang sasabihin ni Kaiden? Siguradong magagalit yun!--- ayy hindi pala, hindi pa kumpirmado kung may gusto rin sakin yun, maldita kase ee. Pero, Honey ko siya. Paano kung mas lalo siyang umayaw sakin?--- WhaaaAaaaAAaAAh!"

Kumunot ang noo ni Honoka sa weirdong kilos ni Hanamichi. "Okay ka lang? Para kang sira-ulo dyan ah?" Tanong nito.

"Ahh--- Honoka." Tinignan siya ni Hanamichi ng direkta sa mata.

"Bakit?" Sagot nito. Tinignan naman ni Hanamichi ang malaking wall clock sa gymnasium. Mag-aalas syete na pala ng gabi.

"Sino kasama mong umuwi mamaya?" Hanamichi

Medyo nagulat si Honoka sa kanyang tinanong. "H-Ha? Ano?"

Napakamot si Hanamichi sa pisngi niya. Simpleng babae lang itong si Honoka at maganda pa. Mahirap na baka mapagtripan ng kalalakihan sa kanto at kung ano pa ang masamang mangyari.

Hindi katulad ni Kaiden na kayang-kaya ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan nitong nakakamatay na taekwondo na kahit siya kayang pataobin.

"Natanong ko lang, baka wala kang kasama umuwi mamaya. Madilim na ang paligid, baka mapagtripan ka sa mga sangganong lalake. Mahirap na." Sunod-sunod na sagot ni Hanamichi sa kanya.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon