CHAPTER 49

92 9 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 49

HABANG sabay naglalakad pauwi ang dalawa. Nanatiling nakatingin si Hanamichi sa balisang mukha ni Kaiden na kanina niya pa napansin simula noong umalis sila sa campus.

Nakatingin si Kaiden sa daan na walang kahit anong salita. Kahit-anong oras, anong sandali, umaalerto agad ang sarili niya. Hindi mahulaan kung kailan magpapakita ang lalakeng nakamatyag sa kaniya kanina sa harapan ng eskwelahan.

"Honey, kanina ko pa napapansing balisa ka. Ayos ka lang?" Pukaw ni Hanamichi sa kaniyang atensiyon.

Hindi agad sumagot si Kaiden, ayaw niyang sabihin kay Hanamichi na may nagmamatyag sa kaniya. Ayaw niyang malaman ng binata at baka madamay pa.

Ngumiti na lang si Hanamichi sa hindi pagpansin sa kaniya ng kasintahan. "Alam kong galit ka pa rin sa akin sa nangyari noong nakaraang gabi, patawad. Nadala lang ako sa emosiyon ko kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon at nagkataon pang si Rukawa ang lalakeng iyon. Sa totoo lang, hindi naman ako galit kay Rukawa. Sadyang naiinis lang, alam mo na— karibal ko na siya sa mga bagay-bagay noon pa man."

Tahimik na nakikinig sa kaniya si Kaiden. Hindi naman siya galit kay Hanamichi, naimbyerna lang siya sa nangyari lalo na't may hinatid na ibang babae.

"Gusto ko lang sana klaruhin ang tungkol sa amin ni Haruko. Honey... Si Haruko ay isang mabuting kaibigan, magkaibigan na kami since first year pa, siya rin ang nagpakilala sa akin sa basketball. Bukod sa akin, kaibigan din siya ng lahat ng miyembro ng Shohoku Basketball Team. At isa pa, natatakot ako para sa kaniya kapag umuuwi siyang mag-isa lalo na't kagagraduate lang ng Kuya niya sa Shohoku."

Napatingin habang nakataas ng isang kilay si Kaiden sa sinabi niya. "Ano? Natatakot ka para sa kaniya?" Masungit na tono niyang tanong.

"Uy, teka lang, teka lang, Honey... Huwag ka naman agad magalit." Nakataas kamay na sabi ni Hanamichi. "Alam mo naman ang panahon ngayon, marami nang grupo ng mga sanggano ang pakalat-kalat dito. Kung uuwi mag-isa 'yon baka matripan kawawa naman."

Nakataas pa rin ang isang kilay ni Kaiden. "Ha...?" Sabay taas ng kamao.

"Hindi kasi siya tulad mo na malakas, Honey. Hindi siya katulad mo na kayang makipaglaban, kayang magpataob ng mga nagdadamulagang kalaban. Sanay ka sa labanan— kayo ng Kuya mong si One-Eye, sanay na sanay sa bakbakan." Paliwanag agad ni Hanamichi na siya namang kinabago ng awra ni Kaiden. "Sanay kayo sa bakbakan, pero silang magkapatid sanay lang sa basketball... Yun ang pinagkaiba niyo."

Muling ibinalik ni Kaiden ang kaniyang paningin sa daan. "Ee ano ngayon kung sanay ako sa bakbakan— ihahatid mo na lang siya palagi, ganoon?" Tanong niya sa kaniyang isipan.

"Mahinang babae si Haruko, hindi katulad mo na malakas, Honey. Kaya nga hangang-hanga ako sa'yo. Dahil sa katangian mong 'yan kaya nahulog ang loob ko..."

Nagulat si Kaiden nang hawakan ni Hanamichi ang kamay niya.

"Pareho tayo ng katangian, Kaiden. Bihirang katangian na makikita ko sa isang babae, kaya alam kong maiintindihan na'tin ang isa't-isa. Kaya naman... Agad kitang minahal."

Nakaramdam ng pang-iinit sa mukha si Kaiden nang marinig niya ang mga salitang iyon, namumula siya. "H-Huwag nga ako! Alam kong sinusuyo mo lang ako para hindi na ako magalit sa'yo!" Namumulang sabi niya.

Tumawa naman si Hanamichi. "Alangan namang pabayaan kita? Ayoko nga, dapat masaya ka palagi sa akin." Nakangiting sagot nito sabay kindat.

Mas lalong namula si Kaiden. Pinindot lang ni Hanamichi ang dulo ng kaniyang ilong at inilapit ang mukha niya sa dalaga. Hindi makakibo si Kaiden sa sobrang lapit ng mukha ng binata, para siyang hahalikan nito.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon