SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 57
PARANG mabingi si Kaiden mula sa boses na nasa kabilang linya. Pagkatapos niyang magbihis kanina ay tinawagan siya ng nakatatandang kapatid. Sobrang nag-alala at tinanong nito kung bakit hindi ito nakauwi kagabi.
"Kuya, ayos lang ako. Nagpalipas lang ako ng gabi sa kakilala ko."
["Jusko naman, Kaikai. Sa panahon ngayon mag-ingat kana— lalo na mamaya!"] Saiga
"Oo, Kuya. Alam ko." Seryosong sagot ni Kaiden. "Sige na, ibababa ko na ang tawag. Papasok pa ako sa eskwela."
["Mag-iingat ka kapatid ko."] Saiga
Binaba na ni Kaiden ang tawag. Napatingin siya sa pintuan nang makita niya si Rukawa na nakasandal doon.
"Iyong uniporme mo basa pa. Ibabalik ko na lang sa'yo kapag tuyo na." Wika nito.
Bigla namang natauhan si Kaiden nang mapagtanto niya ang suot kanina paggising niya.
"O-Oo nga pala! R-Rukawa, ikaw ba... Ikaw— bakit iba na ang damit ko kanina paggising? Paano nahubad ang uniporme ko?" Tamemeng tanong ni Kaiden sabay kaba.
"Kanina kapa gising ngayon mo lang natanong?" Rukawa
"S-Sinong nagpalit ng damit sa'kin?" Napayakap si Kaiden sa katawan habang tinatanong iyon. "I-Ikaw ba ha?"
"Ano ngayon?" Rukawa
Parang nalaglag ang panga ni Kaiden sa sinagot niya. "A-Ano ngayon?... Baliw ka ba?" Napasabunot na lang siya ng buhok. "H-Hindi maaari... Nakita niya ang lahat!"
Parang maiiyak siya sa tuwing iniisip niya kung paano siya pinalitan ng damit ni Rukawa habang walang malay.
"Magkakasakit ka kung hindi ko pinalitan ang damit mo."
"Hoy— Rukawa! Baka naman may ginawa kang kahalayan habang wala akong malay?"
"Paranoid... Hindi kita type."
Natikom ang bibig ni Kaiden sa sinabi niya. "K-Kung ganoon... nakita mo nga ang lahat?" Hindi niya maiwasan ang mamula sa tanong niya.
"Oo..." Sagot nito.
Mas lalong uminit ang mukha niya sa sobrang hiya.
"Marami kang pasa sa katawan... lalo na sa likuran."
Natigilan si Kaiden sa huling sinabi niya. Tiningnan niya ng direkta sa mata. "Kung ganoon nakita mo iyon?" Seryosong tanong niya.
Seryoso ring nakatingin si Rukawa. "Oo... Noong nakita ko iyon— parang ramdam ko rin iyong sakit kung paano iyon iminarka sa'yo."
Hindi pa rin inaalis ni Kaiden ang tingin niya kay Rukawa.
"Sa ekspresiyon mo ngayon, mukhang matindi ang paghihirap ang pinagdaanan mo dahil doon."
"Oo, sobrang hirap... Sobrang hirap na halos balatan ko na ang katawan ko para matanggal lang iyon. At muling kikirot ang sugat na iyon dahil magpapakita ako mamaya sa mga taong may kagagawan noon."
Kumunot ang noo ni Rukawa sa sinabi niya. "Mamaya?"
Huminga ng malalim si Kaiden bago sumagot. "Total alam mo na kung ano ako, Rukawa... Kaya sasabihin ko. Mamayang gabi ang nakatakdang oras para magpakita sa impyernong organisasyon na iyon, at kapag hindi ako pumunta. Hindi malayong uulitin na naman nila ang ginawa sa amin ni Haruko."
Inayos ni Kaiden ang sarili saka kinuha ang bag.
"Kahit alam mo na kung anong mayroon sa'kin, Rukawa. Hangga't hindi nila alam na malalim ang koneksiyon na'tin, hindi ka naman nila pag-iinteresan... Siguro." Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...