CHAPTER 5:

335 31 8
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 5:

Lumipas ang sandali ng klase subalit si Kaiden ay hindi maalis sa kanyang isipan ang kaninang ngiti ni Sakuragi. Gusto man nyang isipin na totoo ang mga ngiti na yon, pero nararamdaman nyang may mali doon.

Hindi yun ang ngiti ni Sakuragi na madalas pinapakita sa kanya. Ibang-iba ang ngiting yon.

Nang winika ni Sakuragi sa kanya na mahal siya nito ay hindi niya yun inasahan, iniisip niyang bahagi yon ng kalokohan. Ang nasa kokote niya ay imposibleng mahulog agad ang loob ng isang sangganong lalake tulad niya sa napakaiksing panahon lamang.

Imposibleng malambot ang puso nito kaya ganun kadaling mainlove.

"Kaiden, may laro ngayon ang Shohoku Basketball Team ngayon laban sa ibang school. Hindi kaba manonood?" Tanong ng kaibigan nitong si Reiku.

"Oo nga, balita ko. Yung Hanamichi Sakuragi na namulabog nung first day of school dito sa classroom natin ay kasali sa club na yon." Wika rin ni Mayo na tila nais panoorin ang laban.

Ngunit hindi pa nakapag-isip si Kaiden kung manonood ba siya o hindi. Kung manonood siya, iisipin ni Sakuragi na may gusto na rin siya sa kanya. Kapag hindi naman, iisipin ni Sakuragi na guilty siya kanina sa biglaang pag-amin nito.

"Bwisit lang! Sino ba siya sa akala niya para panoorin ko ang laban niya? Wala akong pakealam. Maglaro sila dyan." Sumandal sa upuan si Kaiden animo'y walang balak na pumunta sa gymnasium.

Nagtinginan na lang ang dalawang kaibigan niya dahil wala silang ideya sa paiba-ibang mood niya.

***

SA GYMNASIUM ay naghanda na ang Shohoku Team para sa mangyayaring labanan. Ang kuponan na maka practice game ngayon ay ang kuponan ng Tsubakihara ng sakop ng Kanagawa Prefecture. Sandaling minuto na lang at magsisimula na ang laban.

Ang Team Captain na si Miyagi ay napansing kanina pang linga ng linga si Sakuragi tila ba may hinahanap. Nilapitan niya ito.

"Hoy Hanamichi, kanina kapa lumilinga. May hinahanap ka ba?" Tanong nito.

"Wala naman, iniistretch ko lang yung leeg ko, Kulot." Sagot ni Hanamichi.

Pero duda si Miyagi sa kanyang sagot. Unang-una, anong kinalaman ng neck stretching sa basketball? Ayos sana kung judo.

"Nagpapalusot na nga, palpak pa." Bulong ni Rukawa.

"Binubulong-bulong mo diyan, Rukawa?" Tinignan siya ng masama ni Sakuragi.

"Gunggong."

"Shattap!"

Naubos na ang bakanteng oras, pumito na ang estudyante bilang Referee sa laban nila. Maraming estudyanteng nanood, halos lahat ng baitang sa Shohoku High School ay manonood ng laro.

Hanggang sa nagsimula na nga ang laban ngunit si Sakuragi ang hinahanap ng kanyang mata ay si Kaiden. Inasahan na niyang hindi ito sisipot.

"Sakuragi, magsisimula na ang laban. May problema ba?" Tanong sa kanya ni Honoka.

Umiling naman si Sakuragi. "Wala, Honoka. Excited na nga ako sa laro ee."

Ngumiti si Honoka sa kanya. "Ganyang mood ang gusto kong masilayan sayo, Sakuragi. Galingan mo sa laro, nandito lang ako nakasuporta sayo-- i mean, sa inyo. Hahahaha." Napakamot na lang sa pisnge si Honoka dahil muntikan na siya sa sinabi niya.

Tumango si Hanamichi sa kanya saka ito luminya kasama ang ibang starting players ng Shohoku Team. Ang kasama niya sa line-up ay sina Miyagi, Yasuda, Kakuta at Rukawa.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon