CHAPTER 18:

157 25 4
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 18:

*Pakkk!*

Sinampal ni Kaiden si Hanamichi.

Natigilan si Hanamichi sa ginawa niya, tinignan niya ng direkta sa mga mata ang dalaga kasabay nun ang paglabas ng isang butil ng luha.

"S-Sakuragi..." Akmang lalapit si Kaiden nang lumayo si Hanamichi.

Hinawakan ni Hanamichi ang pisngi niyang namanhid. Sinampal siya ni Kaiden, kung ganoon.

Ay talagang ayaw nga nito sa kanya.

Ngayon tanggap na niya na ang lahat, wala nga siyang pag-asa sa babaeng nasa harapan niya. Sobrang nasaktan ang puso niya, parang gusto niya nang magpalibing ng buhay.

"S-Sakuragi, kasi---"

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa, ngayon... Alam ko na, Kaiden." Hindi maiwasan ni Hanamichi ang mapaluha.

Kumunot ang noo ni Kaiden sa reaksyon niya.

"Alam kong hindi ka talaga interesado sa'kin. Minsan may mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit dahil sa dulo, ikaw lang din naman ang masasaktan." Makatwirang wika ni Hanamichi.

Niyukom ni Kaiden ang kamao niya, hindi siya nakapagtimpi sa kaartehan niya. "MAY LAMOK SA MUKHA MO! ANO BANG PINAGSASABI MO DYAN, HA!" singhal niya saka tinadyakan si Hanamichi.

*BLAAG!*

Napahawak si Hanamichi sa binti niya dahil sa sakit, pero agad nawala ang sakit na 'yun nang maintindihan niya ang sinabi ni Kaiden.

"Ano?"

"May lamok sa mukha mo, gunggong." Napahilot si Kaiden sa ulo. "Hayyy nako, hindi ko akalain na grabe pala ang ka-OA-han mo. Ka lalakeng tao ee."

"P-pasensya na, akala ko kase---"

"Akala mo ano? Na ayaw ko sa'yo? Bakit, may sinabi ba ako?"

Tila muling lumiwanag ang mukha ni Hanamichi nang sabihin 'yun ni Kaiden, parang gusto niyang tumambling sa sobrang tuwa.

Kung ganoon,

May posibilidad na mayroon siyang pag-asa,

Sa dalagang tinitingala niya.

Pinigilan ni Hanamichi ang ngiti niya, ayaw niyang magmukhang katawa-tawa ulit sa harapan ni Kaiden. "A-ahh, 'ganun ba? Sorry naman, honey. Ehem." Pormal tono niyang wika.

Lihim namang natawa si Kaiden sa kanya. Iniisip niya yung nakakatawang reaksyon ni Hanamichi kanina, kahit siguro siya matatawa sa sarili niya.

***

Alas nuwebe ng gabi nang makauwi si Kaiden sa bahay nila. Sa saktong pagpasok niya sa pintuan ay sinalubong siya ni Saiga na nakadekwatro ang paa tila kanina pa siya hinihintay.

"Ginabi ka ata?" Tanong ng kapatid.

Nakaramdam naman ng kaba si Kaiden, hindi niya alam kung ano ang isasagot. "Kasi--- Kuya. Ano... Pumunta ako sa carnival para salubungin ang pista ng mga bituin." Sagot niya.

"Talaga? Sa carnival? Bago kalang lumipat dito sa Shohoku Region ah, mabuti at hindi ka naligaw?" Tanong uli ng kapatid. "Ang kyut ng teddy bear na 'yan ah? Niregalo sa'yo, sa pagkakaalam ko hindi ka engaged sa mga ball sports?"

Natigilan si Kaiden doon. Paano 'yun nalaman ng Kuya niya na mula sa ball games 'tong teddy bear. "Paano mo nalaman, Kuya?"

"Sus, ako pa ba? Dalawang gabi na akong gumagala sa doon Carnival at talagang nakakaagaw atensyon yang teddy bear na 'yan. Kaso mahirap panalunan kasi hindi naman ako basketball player." Sagot niya. Napalunok naman si Kaiden nang sumeryoso ang mukha ng Kuya niya. "Magsabi ka ng totoo sa'kin, Kaikai. Nagdidate kayo ng Sakuragi'ng 'yon ano?"

Umiwas agad ng tingin si Kaiden sa tanong niya at hinawakang mabuti ang teddy bear na bigay ni Hanamichi. "Ee ano ngayon Kuya kung nagdidate kami?"

"Ano?" Saiga

"K-Kase diba? Tulad ng pinaplano na'tin sa kanya, kailangan ko siyang pakisamahan at kapag nahulog siya ng tuluyan ay saka ko naman sasaktan ang damdamin niya?" Ngumisi agad si Kaiden nang maalala niya ang plano nila ng Kuya niya.

Napangisi rin si Saiga sa sinabi niya at tumango.

"Unti-unti nang natutupad ang plano na'ting pagwasak sa puso niya. Saka mo magagawa ang tunay mong binabalak, Kuya." Hindi parin maalis sa mukha ni Kaiden ang ngisi. "Hindi ba maganda 'yun, Kuya?"

Pumalakpak si Saiga sa sinabi niya. "Mahusay, Kaikai. Pinapabilib mo'ko, manang-mana ka nga sa'kin." Puri niya.

Pinakita naman ni Kaiden ang hawak niyang teddy bear. "Ang bagay na'to ang nagpapatunay na nahuhulog na ang loob ni Sakuragi sa'kin. Sa oras na mahal na mahal niya ako, saka ko siya sasaktan na ikakasira niya ng bait."

Mas lalong sumaya si Saiga sa sinabi niya. "HAHAHAHA ang galing mo talaga, Kaikai. Oh siya, maglinis kana ng katawan ko at matulog kana. Kung sakaling nagugutom ka, nagluto ako ng paborito mong Yakisoba." Tumayo si Saiga at ginulo ang buhok ng kapatid.

Tumango si Kaiden sa kanya saka tumungo sa kwarto.

Pagkarating niya sa kanyang kwarto,

Ay siya namang pagbuhos ng mga luha ni Kaiden.

Hindi niya mapigilan.

Humagulhol siya ng iyak.

Naaalala niya ang mukha ni Hanamichi,

Ang mga tingin nito na seryosong interesado sa kanya.

Saksi rin siya kung anong klaseng lalake si Hanamichi, masidhi kung magmahal at grabe kung masaktan.

Para sa kanya ay mabuting tao si Hanamichi.

Hindi niya kayang saktan ang damdamin nito lalo na't mabuti ang pinapakita at pinaparamdam sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ang Kuya niya kung kaya pati ang emosyon ay idadamay.

Kahit si Hanamichi ay walang naalalang may nakalaban na sanhi ng pagkabulag.

"Kailangan kong imbestigahin ang nangyari ng gabing 'yon. Sana talaga ay walang kinalaman si Sakuragi doon. Sana... Sana wala talaga." Napayakap na lang si Kaiden sa teddy bear na hawak niya.

"Sakuragi... Patawad." Kaiden

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon