CHAPTER 28:

146 16 2
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 28:

"Ang tagal ata nung dalawang 'yon?" Takang tanong ni Hanamichi.

"Hindi mo ba napansin kanina? Halatang may pagtingin si Rukawa-senpai kay Honoka." Sagot ni Kaiden.

Sa isang mesa ay silang dalawa na lang ang naiwan samantala sa kabilang mesa naman ay ang apat na ungas na hinahabhab ang mga pagkain. Ganun din sina Ayako, Miyagi at ang iba pang miyembro ng basketball club.

Naalala naman ni Hanamichi nung sinagot sa kanya ni Rukawa dati na 'Meron na.' kung ganun--- "Aha! Now I know. Ngieee, Rukawa. Tirador din pala ng first year." Bungisngis niya.

"Nang-asar kapa e pareho lang naman kayo." Bara ni Kaiden saka uminom ng soda.

"Honey naman, parang hindi ako lab." Kunwaring naging malungkot siya. Sinipa ni Kaiden ang paa niya dahil sa kaartehan.

"Tumigil ka nga."

Tumawa naman si Hanamichi hanggang sa may naalala siya tungkol kanina. "Oo nga pala, Honey. Bakit kaba natagalan sa locker kanina?" Natigil sa pag-inom si Kaiden sa kanyang tanong.

Binaba niya ang kanyang ininom at nag-isip ng dahilan.

Naalala niya na naman ang ginawa sa kaniya ni Yugo.

Kung paano siya pinuwersa at sinaktan nito.

"Honey?" Pukaw muli ni Hanamichi.

"A-ah kase ano--- pumunta pa ako sa classroom ko kase may kinuha ako sa bag." Agad naman 'yung naintindihan ni Hanamichi dahil kita naman sa kanyang hitsura. Nakaipit ang buhok at nakalipstick pa.

"Kaya pala." Ngumiti si Hanamichi sa kanya. "Sabay tayo umuwi mamaya, Honey."

"Palagi naman." Sagot ni Kaiden.

***

Alas otso ng gabi nang makauwi si Kaiden sa kanilang tahanan. Naabutan niya ang kanyang katatandang kapatid na saktong naghahanda ng magiging hapunan.

"Nandito na ako, Kuya." Bati niya.

"Mabuti naman, Kaikai. Sumabay kana sa'kin." Sagot nito habang naghahandang kumain. Natigilan ito sandali nang maalala niyang may event pala sa Shohoku kaya siguradong busog na ang kapatid niya. "Pwede 'ring hindi na, baka busog kapa."

"Sasamahan kita, Kuya. Mukhang masarap kasi ang luto mo." Nakangiting sagot niya.

"Oh siya, magbihis kana nang makakain na tayo."

"Opo." Sagot ni Kaiden saka dumiretso ng kwarto.

Ilang sandaling pagbibihis ay lumabas na siya at sinabayan ang kapatid sa hapag kainan.

"Kamusta ang araw, Kaikai? Balita ko maraming activities ang naganap." Tanong ng kapatid.

"Medyo nakakapagod, Kuya. Pero ayos lang naman." Sagot niya habang pilit na pinaliban ang nangyaring ingkwentrong kay Yugo. Napatingin naman si Kaiden sa Kuya niya nang mahuling nakatitig ito. "Bakit, Kuya Saiga?"

"Pasa ba 'yang nasa ibabang labi mo?"

"H-Ha?" Hinawakan niya ang kanyang labi. "P-Pasa ba?"

Tinaasan naman siya ng kilay ni Saiga. "Hoy, Kaikai... 'Wag mong sabihin kayo ng walanghiyang Sakuragi'ng 'yon---" agad winasiwas ni Kaiden ang kamay niya sa mukha ng kapatid.

"Ano ka ba naman, Kuya! Madiri ka nga sa sinasabi mo!" Tila nabilaukan siya kahit walang kinakain. "Hindi 'yun ganoon, jusko ka naman." Naalala na naman ni Kaiden kung paano niya nakuha ang pasang 'to. Lihim siyang napayukom ng kamao. "Kuya, may tanong ako."

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon