CHAPTER 50

108 7 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 50

ALAS SYETE ng gabi nang pauwi na si Kaiden sa bahay nila. Tatlong kanto na lang bago sila makarating sa tahanan. Pero bago sila dumating sa unang kanto ay nagkasalubong ang dalawang magkasintahan na sina Hanamichi at Kaiden, at Saiga at Freya. Pareho silang nagulat nang magkita sila.

"Uy si One-Eye!" Hanamichi

"Hoy! Saan kayo galing?!" Bulyaw na tanong ni Saiga sa kanila, agad namang tinapik ni Freya ang bisig niya.

"Hinatid niya lang ang kapatid mo." Freya

Nang makita ni Kaiden ang kapatid ay agad siyang tumakbo palapit at niyakap ito. "Kuya!"

Sa yakap ni Kaiden, ramdam ni Saiga ang panglalamig nito. Tiningnan niya ang kapatid pero tangin hikbi lang ang naririnig niya. Naalala niyang batid na ni Kaiden ang nangyayari kaya siguradong nag-alala ito ng sobra.

Hinagod niya ang buhok ng kapatid at ngumiti. "Huwag ka nang mag-alala, ayos lang ako, Kaikai."

"K-Kuya..." Naiiyak pa ring sambit ni Kaiden.

Nakatingin lang si Freya sa kanilang dalawa habang si Hanamichi naman ay nagtataka.

"Anong meron? Para kayong hindi nagkita ng ilang taon sa ginagawa niyong iyan ah?" Maktol niya.

"Hayaan mo na sila, Sakuragi." Saway ni Freya.

"Pero, Ate Freya— ganyan ba sila lagi magbatian?"

"Sadyang mahal lang nila ang isa't-isa."

"Akala ko ba ako ang mahal ni Kaiden? Hindi ka ba nagseselos?"

"Sira-ulo." Napahilot na lang ng tenga si Freya sa kababawan ni Hanamichi. "Mukhang hanggang dito na lang, Saiga."

Agad napatingin si Saiga sa kaniya na may kaba sa mukha. "Hanggang dito na lang? Hihiwalayan mo na ako?"

Napasapo na lang ng noo si Freya. "Isa pa 'to..."

Humalakhak naman si Hanamichi saka tinuro si Saiga. "HAHAHAHA bano ka rin pala One-eye eh!"

"Tumahimik ka!" Bulyaw agad ni Saiga pero nagpatuloy lang si Hanamichi sa katatawa.

"Mauna na ako sainyo." Paalam ni Freya sa kanila.

"Mag-iingat ka." Wika ni Saiga. Ngumiti lang si Freya at muling tinapik ang bisig niya.

"Tara na Sakuragi." Tawag ni Freya kinabigla ni Hanamichi.

"Ha? Ako?" Turo niya sa sarili.

"Sino pa ba? Tara na."

Tumango si Hanamichi at nagpaalam na kay Kaiden. "Mauna na ako sa'yo, goodnight." Akmang hahalikan ni Hanamichi si Kaiden sa noo nang agad hinarang ni Saiga ang palad niya sakop sa kabuuan ng mukha nito. "One-eye ipokrito! Para 'yon lang!"

"Umalis ka na, ang landi mo!"

"Heh!" Tumakbo na palapit si Hanamichi kay Freya. "Bye, honey! Mahal kita palagi! Muwaaaah!" Flying kiss pa nito.

Nandiri naman si Saiga sa ginawa niya habang si Kaiden naman ay kinikilig.

"Mag-iingat kayo." Paalam ni Kaiden sa kanila habang kumakaway-kaway.

***

PABALIK na sina Hanamichi at Freya sa ruta kung saan pauwi sa lugar nila. Nasa unahan si Freya habang si Hanamichi ay busangot na nakasunod sa likuran niya.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon