CHAPTER 27:

155 19 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 27:

Nagtapos ang High School Week na hakot parangal ang Red Team, ang pumangalawa naman ay ang Yellow Team, 3rd Green Team at 4th Blue Team. Nag diwang ang buong Red Team sa nangyari.

Kinagabihan ay nagkaroon ng High School Night kung saan magtitipon ang buong estudyante ng Shohoku sa selebrasyon, lahat sila nakasuot ng uniporme.

"Grabe, parang mabibingi ako sa lakas ng music." Mito

"Oo nga, ee wala namang ganito last year ah?" Takamiya

Sumagot naman si Ayako sa kanyang tanong. "Ee kasi, dinadaos ang High School Week alternative year. Next year wala na namang ganito, next next year na naman." Paliwanag niya.

"Ahh, 'ganun pala 'yon!" Ohkusu

"Kung ganoon walang ganito next year. Kung sa bagay, 3rd year na tayo niyan." Noma

Samantala, sa mesa nina Hanamichi. Hindi parin maalis ang kanyang tingin sa hitsura ng dalaga kung gaano ito kaganda.

"Hindi kaya matunaw ako niyan sa kakatitig mo?" Tanong ni Kaiden habang nakapukos ng atensyon sa kinakaing pagkain.

Natawa naman si Hanamichi. "Kase naman, Honey. Eto ang unang beses na makita kitang nakapony tail at nakalipstick. Ang ganda mo kase." Napaismid si Kaiden sa winika niya.

"Espesyal ang araw na'to kaya dapat lang na asikasuhin ko ang sarili ko." Sagot niya.

Humirit naman si Honoka. "Ah ganun? Edi sana inartehan ko rin ang sarili ko? Pahingi nga ng lipstick!" Nilahad niya ang kamay niya.

Pero binaba 'yun ni Rukawa saka siya inilingan. "Hindi na kailangan, maganda kana." Wika niya.

Napakurap si Honoka sa sinabi ni Rukawa. "A-anong sabi mo?"

"Maganda kana." Sagot ulit ni Rukawa.

"Inulit pa niya talaga, grabe ka Rukawa! Ang lakas talaga ng loob ng pagmumukha mo!" Ngiwing sabi ni Hanamichi saka sinundot siya.

"Tumigil ka." Inirapan siya ni Rukawa.

Sa sobrang hiya ni Honoka ay tumayo siya at tumakbo palayo. Natigilan si Rukawa doon. "Honoka!" Habol niya.

Dali-daling lumabas ng covered court si Honoka, liliko na sana siya nang hawakan ni Rukawa ang braso niya.

"Sandali." Pigil niya.

"B-Bakit, Kuya Rukawa?" Gulat na tanong ni Honoka.

"Huwag mo'kong tawaging 'Kuya'."

"H-Ha? Ee ano pala? Rukawa-senpai? Ganun pa rin 'yun." Katwiran ni Honoka.

"Basta 'wag." Maktol pa nito.

Napatitig na lang si Honoka sa binata. "Bakit ba?" Tanong niya.

Sandaling nag-isip si Rukawa sa isasagot niya. "Ano..."

Tinaasan siya ng kilay ng dalaga. "Anong ano?"

"Ano... Honoka. May nais lang akong ipagtapat sa'yo." Panimula ni Rukawa.

Nagkaroon naman ng interesanteng anyo ang namuo sa mukha ni Honoka. "Ipagtatapat?"

"Oo." Hinawakan ni Rukawa ang kamay niya.

Nagulat si Honoka sa ginawa niya.

"R-Rukawa---"

"Honoka... Gusto kita." Pag-amin niya.

Hindi nakapagsalita si Honoka, mas lalo siyang nagulat sa sinabi nito. "K-Kailan pa, Rukawa?"

"Kailan? Simula nung dumating ka sa Team namin. Walang pagkakataon na hindi ako nakatingin sa'yo. Sa tuwing nagtatagpo ang ating mga mata, may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Hindi ko naman alam na paghanga na pala 'to." Muling pag-amin ni Rukawa.

Nakatingin lang sakanya si Honoka. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Maraming babaeng nag-aasam sa'kin dito sa school pero niisa sa kanila wala akong natipuhan o nakitang kakaiba sa kanila... Kundi sayo lang, Honoka." Hinawakan ni Rukawa ang kamay niya ng mahigpit. "Honoka Senji... Sana bigyan mo ako ng permiso na ipahayag ko ang nararamdaman ko sa'yo."

Ngumiti si Honoka sa kanyang pahayag na pag-ibig.

Pero nawala ang ngiting 'yun.

Inalis niya ang kamay ni Rukawa na nakahawak sa kanya at siya na mismo ang humawak. "Rukawa..." Panimula ng dalaga ng may ngiti sa mukha ngunit may pag-aalangan. "Rukawa, pasensya." Sagot niya.

Tila nabawasan ang lakas ni Rukawa sa sinagot niya.

"Patawarin mo'ko, Rukawa. At salamat, salamat sa paghanga mo para sa'kin. Pero, ang hinihingi mo... Patawad, hindi ko 'yun kayang ibigay sa'yo." Hinaplos ni Honoka ang mukha ni Rukawa. "Hindi ako karapat-dapat sa'yo, deserve mo ang babaeng mas better sa'kin at karapat-dapat sa pagmamahal mo." Binaba niya ang kamay niya at umatras kay Rukawa. "Pasensya na talaga, Rukawa. Patawad." Aalis na sana si Honoka nang pigilan siya ng binata.

"Bakit, Honoka? Ayaw mo ba sa'kin?" Rukawa

"Hindi naman sa ganun, Rukawa."

"Bakit nga? Hindi ko maintindihan." Hahawakan sana ulit ni Rukawa ang kamay ni Honoka nang iniwas niya 'to. "Anong rason, Honoka?" Sumamo niya sa dalaga.

Napayuko si Honoka sa kanyang tanong. "Dahil..."

"Dahil ano?" Rukawa

"Dahil... Dahil may iba akong gusto, Rukawa." Natigilan si Rukawa sa sinagot niya. "May iba akong gusto at siya parin ang hinahanap-hanap ko. Oo nga't naging iba ang pagkatao niya ngayon, pero umaasa ako na babalik siya sa dating lalake na minahal ko. At nangako kami na pipiliin namin ang isa't-isa kahit ano man ang mangyari." Makatwirang sagot ni Honoka na tuluyang ikinatikom ni Rukawa. "Patawad, Rukawa. Sana naintindihan mo ang nararamdaman ko bilang babae na umaasa sa dating pag-ibig." Tanging dagdag nito saka tuluyang lumisan si Honoka sa lugar na 'yun.

Naiwang nakatayo si Rukawa habang tinatanaw ang kanyang gawi.

Hindi niya mapigilan ang butil ng luhang tumulo sa kanyang mata.

"Ganito pala ang pakiramdam kapag binasted. Isang beses palang pero masakit na." Mahinang natawa si Rukawa at pumasok sa kanyang isipan si Hanamichi. "Ang tibay ng puso mo, Sakuragi." Bulalas niya at naglakad pabalik sa loob ng covered court.

Samantala sa hindi kalayuan ay nakamasid si Yugo sa kanila. Hindi niya narinig ang pinag-usapan ni Honoka at Rukawa.

Palagi siyang nasasaktan sa tuwing magkalapit ang dalawa. "Pagkatao lang nagbago sa'kin. Ngunit hindi ang pagmamahal ko sa'yo, Honoka."

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon