CHAPTER 20:

186 22 6
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 20:

Pagkatapos ng klase sa afternoon period ay nagpaalam na si Honoka sa mga kaklase niya na mauna na'tong umalis dahil may meeting pa sila sa Basketball Club, late na siya, nag-aalala siya baka masermonan ni Ayako kapag nalate siya. Nang makalabas ay hindi parin maalis sa kanyang isipan sa mga added name list na binigay ni Rukawa sa kanya.

"Anong ginagawa niya dito sa Shohoku?" Tanong niya habang naglalakad.

Nagulat na lang siya nang may biglang humawak sa braso niya at marahas na hinila sa gilid ng hallway. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino 'yun.

"Y-Yugo?" Gulat niyang sambit.

"Long time no see, Babe." Ngising sagot ni Yugo.

"B-Bitawan mo nga ako..." Padabog na inalis ni Honoka ang kamay ni Yugo na nakahawak sa kanya. "Ano ginagawa mo dito?"

"Anong ginagawa ko? Syempre nag-aaral." Akmang hahawakan ni Yugo ang mukha ni Honoka nang tampalin 'yun ng dalaga. "Namiss talaga kita, Babe."

"Tumahimik ka, Yugo. Matagal nang walang tayo." Direktang sagot ni Honoka habang nakatingin ng masama.

Mahinang tumawa si Yugo sa kanya. "Sa pagkaalala ko ikaw lang ang bumitaw sa'ting dalawa. Kaya ako... Hindi kita bibitawan." Muling hinawakan ni Yugo si Honoka.

"A-Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kailangan kong umalis---"

"Tapos ano? Makikipagkita ka sa kapreng 2nd year na pumunta sa'yo dito kanina? Siya ba ang ipinalit mo sa'kin, ha Honoka!"

"Tama na, Yugo... N-nasasaktan ak---" agad napatakip ng bibig si Honoka nang makita niya si Yugo na tumilapon sa pader. Tinignan niya kung sino ang may gawa 'non at nakita niya si Rukawa galit na nakatingin sa walang malay na si Yugo. "R-Rukawa..." Hinila siya ni Rukawa paalis sa lugar na 'yon.

"Kaya pala ang tagal mo." Nakahilang wika ni Rukawa.

Yumuko na lang si Honoka. "S-Sorry..."

"Kilala mo ang lalakeng 'yon?" Rukawa

Nagdadalawang-isip si Honoka na sagutin 'yon. "H-Hindi... Hindi ko siya kilala." Pagsisinungaling niya.

"Mamayang uwian, sumabay ka kina Sakuragi." Rukawa

"Palagi naman." Sagot ni Honoka.

*** Gymnasium ***

"Ate Ayako, sorry po talaga kung ngayon lang ako." Paghuhuminging tawad ni Honoka sa kanya.

Ngumiti lang si Ayako sa kanya at tinapik ang balikat nito. "Ayos lang, Honoka. Hindi big deal atleast nandito kana." Binalingan niya naman ng tingin si Rukawa. "Salamat sa pagsundo sa kanya, Rukawa."

Tumango lang ito sa kaniya bilang sagot.

Si Kaiden naman at ang apat na ungas ay nasa railings nanonood sa kanila.

Sa pagtitipong naganap ay inopen ni Ayako ang pagsisimula ng High School Week bukas. Sinabi niya rin ang tungkol sa ibang representative ng ibang activities. "Tungkol sa girls Taekwondo... Ms. Sazuno ikaw ang lalahok, tama?" Natameme si Kaiden sa sinabi niya.

"Ha? May sinabi ba ako?" Takang tanong niya.

Tumawa naman si Honoka na parang may kalokohang binabalak. "Bakit kailangan pang magsabi ee doon ka magaling, Kaiden?" Ngising sabi niya.

"Paladesisyon ka rin ee noh?" Bara ni Kaiden.

"Magaling ka sa Taekwondo, anong masama 'don?" Honoka

"Edi sumali ka 'din sa Taekwondo o Judo!" Kaiden

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon