CHAPTER 56

138 6 4
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 56

MARAHANG minulat ni Kaiden ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang pangingirot ng braso na nakuha niya mula kay Hanamichi.

Nang tuluyang magising ay hindi niya makilala kung saang kuwarto siya. Wala siya sa bahay niya.

Agad napabangon si Kaiden. "Na saan ako?" Takang tanong niya sa sarili.

"Sa bahay ko."

Muntik nang atakihin sa puso si Kaiden nang sumagot ang pamilyar na lalake na nakatayo at nakasandal sa pintuan ng kwartong kasalukuyang tinutulugan ngayon. Nakasuot lang ito ng itim na tshirt at pajamang puti.

Nanlaki ang mga mata ni Kaiden nang makilala kung sino ang lalakeng iyon.

"R-Rukawa?" Gulat niyang tawag.

"Yo." Simpleng sagot nito.

Agad napailing si Kaiden, naguguluhan pa rin siya. "T-Teka... Paano ako napunta rito?" Tanong niya at napahawak na lang sa ulo.

"Dinala kita."

"Obvious naman... Ang ibig kong sabihin, paano? A-anong nangyari?" Kaiden

Sandali siyang tiningnan ni Rukawa bago sumagot. "Nakita kitang walang malay sa kalsada at basang-basa dahil sa lakas ng ulan. Akala ko patay ka na."

Nang marinig ni Kaiden ang sagot ni Rukawa ay tumingin na lang siya sa kawalan. Muli na niya namang naalala ang nangyari.

"May dugo ang uniporme mo, may pasa ka rin sa kaliwang braso mo. Sinalvage ka ba?" Tanong pa ng binata at naglakad papasok.

Umupo siya sa upuan malapit sa hinihigaan ni Kaiden.

"Hindi biro ang nangyari sa'yo. Alam na ba 'to ni Sakuragi?" Dagdag niya pang tanong.

Hindi agad nasagot ni Kaiden ang tanong niya. Umiwas ito ng tingin.

"Kapag nalaman ni Sakuragi ang nangyari sa'yo, hindi iyon magdadalawang isip na sulungin ang may gawa niyan sa'yo. Lalo na't may pasa ka pa."

Napakagat na lang ng ibabang labi si Kaiden para pigilan ang paghikbi. Hinawakan niya ang kaniyang kaliwang braso kung saan naroroon ang pasa.

"H-Hindi mangyayari iyan..." Mahinang sagot niya.

"Bakit hindi?" Rukawa

"S-Si Sakuragi... A-Ang pasa na'to..." Mas lalong hinigpitan ni Kaiden ang pagkakahawak niya sa braso dahil sa muling pagbigat ng nararamdaman niya. "S-Siya ang may gawa ng pasa na'to."

Natigilan si Rukawa sa sinabi niya. "Ano?"

Hindi na sumagot si Kaiden at umiwas na lang ng tingin.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Hindi nananakit ng babae ang gunggong na iyon kahit basagulero."

Niyukom ni Kaiden ang isang kamay niya kasabay ang pagpatak ng luha niya. "I-Iyon rin ang akala ko... H-halos hindi ko siya makilala kagabi."

Naguguluhan si Rukawa, hindi niya alam kung totoo ba ang narinig niya. Nagbago ba si Sakuragi o sadyang hindi niya lang kilala ang buong pagkatao nito?

"Ang lalim ata ng galit ni Sakuragi para gawin niya iyan sa'yo?" Tanong ni Rukawa habang nakatingin sa lumuluhang si Kaiden.

Napaisip si Kaiden sa isasagot niya. Ayaw niya nang magtago ng dahilan, kailangan niya nang sabihin ang buong kwento para hindi na siya muling husgahan.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon