CHAPTER 2:

523 37 15
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 2:

Sa 2nd year building section 10, sa loob ng classroom ay nakaupo si Hanamichi. Sa kabilang linya ng kanyang upuan ay katabi si Mito. Ang babaeng nakita niya kanina ay hindi niya muling nakita pa.

Hindi niya maiwasan ang mapamangha sa angking galing to sa bakbakan. Kababeng tao, ang galing-galing sa bardagulan.

Sa kakaisip ni Hanamichi ay hindi niya namalayan na pumasok na pala ang magiging class Adviser nila.

Bumati ito sa kanilang lahat at nagpakilala sa harapan.

"Good morning, 2nd years. Ako si Professor Hagi Tatsumori ang magiging Adviser niyo sa school year na'to. At lahat sa kayo ay dito tumuntong ng first year high school, kaya aasahan ko nang magkakilala na kayong lahat." Sabi nito.

"Oo, Sir!"

"Opo!"

Sagot ng mga kaklase niya.

"Mabuti naman kung ganun. Sa unang araw ng inyong klase ay magkakaroon ng maagang dismissal. Maraming freshmen ang nag-enroll dito ngayon sa Shohoku. Panigurado, naghahanap yun ng mga club na sasalihan. Total lahat naman kayo dito ay purong mga atleta. Maghanda na kayo para sa recruitments." Sabi pa ng Class Adviser nila.

"YES SIR!" Sagot nilang lahat.

***

Nang nadismiss ang klase nina Hanamichi, ay sabay silang lumabas ni Mito upang sunduin ang tatlo pa nilang kaibigan na sina Takamiya, Ohkusu at Noma.

Nang masundo ito ay nagtungo sila sa gymnasium.

Pagkarating nila sa gymnasium ay nakita nila ang ibang myembro na naglilinis ng court para simulan ang ensayo at ang namumuno ay si Miyagi.

Naninibago si Hanamichi sa mga oras na ito, hindi pa siya nasasanay na wala na si Akagi, Kogure at Mitsui sa Team. Ang tatlong senior ay pareho nang gumraduate at kasalukuyan ngayong tumuntong sa unang taon sa kolehiyo.

"Oh, Hanamichi. Nandito kana pala." Bati ni Miyagi sa kanya.

"Opkors, henyo ata 'to." Ngising sagot niya.

Ngumuso naman si Rukawa habang nanglalampaso. "Late ka."

"Heh! Lakampake! Ganun talaga pag bida, nagpapahuli." Sabi ni Hanamichi sa kanya.

"Gunggong."

"Ano ba! Pers day na pers day pinapakulo mo agad ang ulo ko, Rukawa! Ano, gusto mo ng away? Ano! Sagot!" Akmang sisigurin nito si Rukawa nang hilahin siya ni Ayako sabay sapok ng papel sa ulo.

*POK!*

"Hanamichi Sakuragi, first day of school dapat behave ka!" Saway nito sa kanya.

Nang tignan siya ni Hanamichi ay nagtaka ito. Nakasuot parin ng uniporme si Ayako. Nagtaka naman siya kung anong meron kay Ayako.

"Ayako? Ayos na ayos ka ata sa sarili mo? Anong meron?" Tanong ni Hanamichi sa kanya.

Tumawa naman ito bago sumagot. "Ahh, plano ko kaseng maghanap ng bagong Manager na hahalili sakin. Since... Wala na si Haruko dito sa Shohoku." Sagot nito.

Nakaramdam naman ng kalungkutan sa loob ni Hanamichi.

Naalala niya, nagtransfer si Haruko sa ibang school kung saan malapit din ito sa kolehiyong pinapasukan ng Kuya niya. Tinotoo pala talaga ni Haruko ang pag-alis niya sa Shohoku.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon