SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 10:
Kinabukasan, sa gate pa lang ng Shohoku High School ay nakita ni Kaiden si Hanamichi tila may hinihintay. Nang magtagpo ang kanilang mga tingin ay ngumiti si Hanamichi sa kanya at kumaway. Lumapit si Kaiden sa kanya.
"Sakuragi... Yung tungkol kagabi. Maraming salamat pala." Wika niya.
Nakaramdam naman si Hanamichi ng pang-iinit sa mukha. Hindi niya inasahan na magfifirst-move si Kaiden sa kanya sa unang pagkakataon, umagang-umaga ay kinikilig na siya. Hula niya ay baka buhay palagi ang dugo niya buong araw.
"Ahhh--- hehehe, wala yun Honey." Sagot niya habang nakakamot sa ulo, pero agad siyang sumeryoso. "Basta para sa kapakanan at kaligtasan mo, gagawin ko kahit ano." Dagdag pa niya.
Ngumiti si Kaiden sa kanya at inaya siya nitong sabay pumasok sa loob.
Habang naglalakad silang dalawa ni Hanamichi ay may napansin siya kay Kaiden. Pansing niyang maganda ang mood nito lalo na ang pag first move sa usapan. "Ahhh, Honey. Mukhang masaya ka ata ngayon?" Wala sa desisyong tanong ni Hanamichi.
Tumingin si Kaiden sa kanya. "Masaya lang ako, bawal ba?"
"Ha? Hindi naman, nakapagtataka lang kase--- palagi ka kayang seryoso at pikon."
Mahinang natawa ang dalaga sa sinabi nito. "Patawa ka talaga, alam mo--- lahat ng tao may character development. Hindi pwedeng manatili ka sa negative attitude kase alam mo na--- nakakapagod kaya." Sagot ni Kaiden.
Napakamot si Hanamichi sa batok. "Kinikilabutan lang kase ako, Honey. Sa pinapakita mong mood ngayon ay parang mamamatay kana kinabukasan---" hindi natapos si Hanamichi sa sinasabi nang sikuhin ni Kaiden ang kanyang tagiliran. "Aray naman, Honey! Para saan naman 'yon?"
"Baliw ka talaga! Parang mas gusto mo ata ang pagiging suplada ko kaysa ganito!"
"Ano bang sinasabi mo dyan, Honey? Wala akong ibang gusto kundi IKAW!" Kunwaring nasaktan si Hanamichi sa pagsiko nito. "Ang sakit ng tagiliran ko--- umaakyat pataas sa puso ko, ouch!"
Bumalik ang mood ni Kaiden sa pagiging suplada at inirapan si Hanamichi. "Ewan ko sa'yo." Inunahan niya si Hanamichi sa paglakad. Ngunit bago siya tuluyang nakalayo ay huminto muna ito at binalikan ng tingin si Hanamichi. "Sabay tayong kumain mamayang lunch, kaya 'wag kang late, okay?" Sabi niya at umalis.
Natameme si Hanamichi sa huling winika nito. Hindi siya makapaniwala. "Totoo ba'to? Nag-aya sa'kin si Honey na sabay kaming kakain mamaya? O diyosmeyo marimar! Panaginip ba'to?" Naiwang may malaking ngiti sa labi si Hanamichi bago ito pa talon-talong tumungo sa kanyang classroom.
Samantala si Kaiden ay nagtatago lang pala sa likod ng pader na may seryosong mukha. Napaismid siya dahil hindi niya akalain na ganito kadaling utuin si Hanamichi. Ang pagpapanggap na ito ay ginagawa niya para makaganti sa nangyari noon sa kanyang Kuya na si Saiga. Pumikit na lamang siya saka huminga ng malalim.
"Ang babaw talaga ng kaligayahan niya, ang daling utuin." Nagsimulang maglakad si Kaiden nang makasalubong niya si Honoka. Nahinto siya.
Pero nilagpasan lang siya ni Honoka at hindi pinansin. Tumaas ang isang kilay ni Kaiden dahil doon.
"Lalagpas ka lang na parang walang nangyare kagabi?" Tanong nito sa kanya.
Hinarap siya ni Honoka. "Kung sa tingin mo ay magiging magkaibigan tayo--- pwes nagkakamali ka. Hindi ko maaaring kaibiganin ang isang manlilinlang na katulad mo, Sazuno." Seryosong wika nito. "Kung balak mo lang saktan ang damdamin ni Sakuragi--- ipaubaya mo na lang siya sa'kin." Dagdag pa nito saka tuluyang iniwan si Kaiden.
Napayukom ng kamao si Kaiden sa kanyang mga tinuran. Hindi niya nagustuhan ang mga ibig nito. "As if naman at gawin ko 'yun, pakealamera."
***
Sa loob ng classroom ay ngiting nakamasid sa bintana si Hanamichi, si Mito naman ay may hinala na nagkaroon ito ng magandang umaga.
"Hoy, Hanamichi. Inlababo kang nakatulala dyan ah? May good happenings ba kanina?" Nakangising tanong ni Mito.
Bumuga lang ng hangin si Hanamichi at muli napangiti. "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa'yo, Mito. Inaya ba naman ako ni Honey na sabay kaming kakain mamayang tanghali." Sagot niya na may tono ng kayabangan.
Natawa si Mito sa kanya. "Aba wow naman, kung sinuswerte ka nga naman." Lumapit sa kanya si Mito at inupuan ang mesa ni Hanamichi. "Pero payo ko lang, Hanamichi. Kontrolin mo yang nararamdaman mo. Hindi naman sa sinasabi kong bantog ka sa mga babae--- sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan mo at mabilis kang mahuhulog. Sa kaso natin kay Kaiden, dahan-dahan lang muna, Hanamichi." Makatwirang wika ni Mito sa kaibigan.
Umiba naman ang mood ni Hanamichi nang maintindihan niya ang mga tinuran ni Mito. Muling bumalik sa kanyang isipan ang babaeng minsan niyang minahal, si Haruko. Minamahal niyang tunay si Haruko subalit hindi sinuklian ang kanyang pagmamahal dahil umiibig ito sa iba at yun ay si Rukawa.
"Sigurado na ako dito, Mito. Sigurado na ako kay Kaiden na mamahalin ko ng totoo. Umalis si Haruko at hinayaan lamang na durog ang puso ko. Pero nung makita ko at masilayan si Kaiden sa unang pagkakataon. Siya lamang ang katangi-tanging babae na may angking tapang at totoo sa sarili. Itataga ko sa bato ang pagmamahal ko sa kanya." Matalinghagang wika ni Hanamichi na ikinanuot ng noo ni Mito.
"Masyado ka nang makata, Hanamichi. Iba talaga pag side-effects HAHAHAHA. Basta, dahan-dahan lang, ayaw ka pa naman namin makitang iiyak na naman. Minus points yun sa grupo natin, Hanamichi." Natatawang sabi ni Mito at tinapik ang balikat ng kabigan saka bumalik sa pagkakaupo.
Muling binalingan ng tingin ni Hanamichi ang tanawin sa bintana. Seryoso ang kanyang nararamdaman kay Kaiden. Pero may punto ang lahat ng sinabi sa kanya ni Mito na dapat ay dahan-dahan lang siya sa kanyang nararamdaman.
"Basta, handa na akong sumugal. Kung hindi niya susuklian ang feelings ko, edi... Ipilit natin. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako basta-bastang susuko o aatras. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sayo... Kaiden!" Hanamichi
KnightAncient | Henyong Si Sakuragi
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...