SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 23:
Ang sumunod na activity ay ang Taekwondo para sa mga female participants, isang representative lang ang kailangan kaya si Kaiden ang isinabak. Nagsicheer sa kanya ang buong Red Team lalo na si Hanamichi, ang Apat na Ungas at Honoka.
"Gooooo Kaiden!" Cheer nina Ayako.
Ang Representatives ng Blue at Green Team ay natalo ni Kaiden. Ang sunod niyang haharapin ngayon ay ang Representatives ng Yellow Team. Natigilan si Kaiden sa kanya dahil isang 3rd Year Athlete ang kaharap niya. Nakaramdam ng kakaiba si Honoka sa representative ng Yellow Team.
"Si Freya." Bulalas ni Yugo. Narinig naman 'yun nina Hanamichi at Honoka.
"Freya?" Tanong ni Hanamichi.
"Siya si Freya Chou, malakas ang isang 'yan." Sagot ni Yugo.
"Kilala mo?" Tanong din ni Mito.
"Oo, isa siyang Black Belt Martial Artist at hindi lang Taekwondo ang pineperform niya. Magaling din siya sa Judo at Chinese Kenpo." Sagot ni Yugo.
"Waw, martial artist! Meron palang ganyan dito sa Shohoku?" Manghang tanong ni Hanamichi.
"Dito ka nag first year hindi mo alam? Jusmeyo, Sakuragi." Natatawang bulalas ni Yugo pero inakbayan lang siya ni Hanamichi at ginulo ang buhok niya. "Mapapasubo si Sazuno kay Freya."
Nagharap sa center si Kaiden at Freya.
"3 points lang at Red Team ulit ang mananalo." Wika ni Kaiden, pero seryoso lang nakatingin sa kanya si Freya.
Pumosisyon sila at unang umatake si Kaiden gamit ang straight down kick pero napigilan 'yun ni Freya gamit din ang paa. Nahirapan si Kaiden sa kanya dahil masyadong matangkad si Freya.
"A-ang tangkad niya..." Bulalas sa isip ni Kaiden. "Napakaflexible rin ng mga binti niya, sobra na sa ordinary split ang pigil niya." Nahirapan si Kaiden na alisin ang paa niya.
Pero bago niya gawin 'yun ay mabilis na umikot si Freya at paikot na sinipa ang likuran ni Kaiden.
*BLAAAAG!*
Nadapa sa sahig si Kaiden sa lakas nun.
Naghiyawan ang buong Yellow Team sa nangyari, napunta sa kanila ang unang puntos.
"Freya!
Freya!
Freya!"
"Kaya mo 'yan, Honey! Laban lang!" Cheer ni Hanamichi.
"Nice defense, Kaiden! Laban!" Ayako
Tumayo si Kaiden at nirestrain ang sarili. "Ang lakas niya."
Seryoso paring nakatingin si Freya sa kanya at hinamon ulit si Kaiden na unang umatake. Nainsulto naman ang dalaga sa ginawa niya, nayayabangan siya. Tumakbo palapit sa kanya si Kaiden at hinanda ang matinding sipa pero...
*BLAAAG!*
Hindi napansin ni Kaiden ang paa ni Freya na nakatunong sa kanyang dibdib dahilan para mapahiga siya sa sahig.
Muling naghiyawan ang Yellow Team. "Ang galing mo talaga Freya! 2 points na tayo!
Isang punto na lang, panalo na ang Yellow Team!
Hindi niya kaya si Freya, Taekwondo Champion 'yan at Black Belt Martial Artist." Natigilan si Kaiden sa mga narinig niya.
Kung ganun, ang babaeng kaharap niya ngayon ay mas superior sa kanya. Hindi lang pala sa taekwondo ito bihasa kundi sa iba pang martial arts. "Kaya pala hindi nagyayabang, napakadisiplinado niya." Salita ni Kaiden sa kanyang isipan. "Ganunpaman ay hindi ako magpapatalo!" Muling inatake ni Kaiden si Freya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...