CHAPTER 38:

232 23 4
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 38:

Kinabukasan sa Shohoku High School ay pinagtitinginan ng mga estudyante si Hanamichi at Kaiden na magkasamang naglalakad sa hallway habang nakahawak sa braso ng binata ang dalaga. Sa hagdan naman ng entrance ng building ay nakatayo sina Yugo at Honoka na tila may hinihintay. Nang makita sila nito ay kumaway sila sa dalawa na palapit sa kanilang kinaroroonan.

"Sakuragi! Kaiden!" Tawag ni Honoka sa kanila.

"Halatang masaya ang dalawa porket legal na." Ngiwing bulong ni Yugo, siniko naman siya ni Honoka.

"Huwag ka ngang ganyan, suportahan na lang na'tin sila." Honoka

"May sinabi ba akong hindi ko sila susuportahan?" Ngusong tanong ni Yugo.

Ngumiti ng palihim si Kaiden dahil sa sayang nararamdaman. Sa wakas at naisaayos niya na ang lahat ang tungkol sa kanila ni Hanamichi at magkasundo na rin silang tatlo nina Saiga at Yugo. Sobrang saya niya dahil wala na siyang rason para itago pa ang kung anong meron sa kanila ni Hanamichi ngayon.

"Ah, Honey..." Pukaw ni Hanamichi sa kanya.

"Bakit?" Sagot ni Kaiden.

"Ah, kase ano--- napag-isipan ko lang kase na..."

"Na ano?"

"Na ano... Kung kailan mo'ko sasagutin." Agad tiningnan ni Hanamichi si Kaiden. "Hindi naman sa minamadali kita, Honey. Ee kase naman diba? Mutual na tayo at may suporta na rin yung One-eye--- este yung Kuya mo. Hindi ba?"

Mahinang natawa si Kaiden sa kanya bago sumagot. "Hindi naman porket boto na si Kuya sa atin ay magiging madali na ang lahat, Sakuragi."

Natigilan si Hanamichi doon. "A-anong ibig mong sabihin, Honey?" Kinakabahang tanong nito.

Ngumiti si Kaiden sa kanya. "Ligawan mo muna ako."

Napakurap sandali si Hanamichi. "Ha? Hindi ba nanliligaw na ako sayo dati pa?"

"Iba kase 'yun, gusto ko 'yung manligaw ka ulit. Yung totoohanan na talaga, kase yung nararamdaman ko para sayo ay tunay na." Pinigilan ni Hanamichi ang sarili niya na kiligin dahil siguradong magmumukha siyang katawa-tawa.

"H-Honey, total mutual na tayo. Siguro naman, hindi tatagal at sasagutin mo agad ako?"

"Huwag ka ngang over confident diyan porket mutual tayo. Kailangan mo parin akong ligawan noh. Gusto ko kasing maranasan ang maligawan, ikaw kase ang magiging first love ko Sakuragi kaya ganun." Kindatan ni Kaiden si Hanamichi.

Natameme si Hanamichi sa sobrang kilig. "Hayup ka Hanamichi Sakuragi, kalalake mong tao para kang makahiya pagdating sa babae." Saway niya sa kanyang sarili.

"Hoy, Sakuragi. Tara muna sa gymnasium, may sandaling meeting daw tayo sabi ni Ate Ayako!" Remind ni Honoka sa kanya na ikinabalik ni Hanamichi sa sarili.

"A-ahh, sige! Pupunta na ako!" Sagot nito.

Nagpaalam si Honoka kay Yugo na dadalo muna sila sa pagtitipon. Naiwan naman sa hagdan sina Yugo at Kaiden na kumaway-kaway sa kanila habang paalis. Nang mawala na sa kanilang paningin ay agad naging normal ang mood ni Yugo at Kaiden.

"Alam mo naman kung anong meron bukas, hindi ba Kaiden?" Tanong ni Yugo.

"Oo, may riot na naghihintay sa'tin bukas at kailangan na'tin silang labanan nang sa ganun ay hindi na nila tayo gambalain." Sagot ni Kaiden.

"Sa pagkakataong 'yan ay hindi sasali si Sakuragi." Napatingin si Kaiden sa kanya na tila batid na ang dahilan. "May laro si Sakuragi bukas sa basketball kalaban ang ikatlong pinakamalakas na kuponan dito sa Kanagawa, ang kuponan ng Ryonan. Paniguradong mahalaga 'yun para sa kanya lalo na't isa siya sa mga starting five ng Team nila."

Tumango si Kaiden sa kanyang tinuran. "Tama ka, ngunit ayos lang. Kaya naman na'ting labanan ang Gang na 'yun. May sariling laban si Sakuragi bukas at ganun din tayo. Lahat ng laban na makakaharap na'tin bukas ay dapat na maipanalo." Kaiden

"Tama ka, at nakahanda na ang pangkat ko para sa riot na magaganap bukas. Nakahanda na rin ang mga pangkat ni Saiga tulad ng sinabi niya. Lalaban kami bukas para sa inyo ni Honoka. Hindi namin palalagpasin ang ginawa nila sa inyo." Tinaasan naman ng kilay ni Kaiden si Yugo.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ba kasasabi ko lang na may 'Kaya na'ting labanan'? Ibig sabihin sasama kami ni Honoka. Gaganti rin kami sa mga ulupong na 'yun. Kaya lang naman nila nagawa sa'kin 'yun dahil wala ako sa emosyonal kong kondisyon, pero bukas makasisiguro akong iisa-isahin ko sila." Ngumisi si Kaiden.

Wala nang nagawa si Yugo para pigilan siya at bumuntong hininga na lang. "Pareho talaga kayo ni Saiga." Bulong nito.

***

Paglipas ng ilang oras ay nagsimula na ang klase hanggang sa natapos. Sa Gymnasium ay naging mahigpit si Miyagi sa kanilang training dahil sa paghaharap nila sa kuponan ng Ryonan bukas.

"Sige! Bilisan niyo pa! Kung ganyan lang ang kaya niyo siguradong malulusutan kayo ni Sendoh!" Lintya niya.

Sumunod naman ang mga team members niya at inintindi ang pagiging istrikto ni Miyagi dahil para naman ito sa kapakanan ng Team.

"Takbo pa! Kayo naman dyan Rukawa at Sakuragi! Tama nang bangayan dyan, magpapraktis pa tayo ng matibay na opensa!" Sigaw niya sa dalawa na nagtatadyakan dahil parehong napikon sa asaran.

"Inggit-pikit, Rukawa! Hindi pala lahat ng babae gusto ka!" Hanamichi

"Gunggong!"

"Buti nga sayo binasted ka! Ang sama kase ng ugali mo!"

"Mayabang na gunggong!"

"Inggit ka lang!" Hanamichi

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon