CHAPTER 51

106 7 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 51

LUMIPAS ang ilang araw, kahit marami ang nangyari sa buong maghapon sa eskwelahan, naroon pa rin ang pag-iisip ng malalim ni Kaiden dahil sa sinabi ni Mr. Kosaka, ang taong direktong sumusunod sa utos ng Yakuza Leader.

Kahit ang dalawang kaibigan nitong sina Mayo at Reiku ay nag-aalala na sa kaniya, palaging malalim ang inisip at baka kung ano na ang problema nito.

"Mauna na ako sa inyo." Tumayo si Kaiden at dinala ang gamit.

"Hindi ka ba magtitraining ngayon?" Tanong ni Mayo sa kaniya.

"Wala ako sa mood."

"Palagi ka na lang ganiyan, Kaiden. Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa amin e." Nag-aalalang wika naman ni Reiku.

Umiling si Kaiden, hindi maaaring malaman ng mga kaibigan niya ang tungkol sa problema niya. Ayaw niyang madamay ang mga ito.

"Salamat, pero ayos lang ako." Ngumiti si Kaiden. "Mauna na ako." Paalam niya at naglakad palabas.

Kahit sa pagbaba ng hagdan ay lutang paring bumababa si Kaiden. Ni hindi niya namalayang nadaanan niya lang si Honoka mula sa unang palapag ng hagdan. Tatawagin sana siya nito pero hindi natuloy dahil nakaliko na agad si Kaiden.

Napakamot na lang sa pisngi si Honoka. "Ang lalim ng iniisip ng isang iyon ah? Hindi man lang ako napansin."

***

SA LOOB ng Judo Club, sandaling natigil sa pagpupunas ng pawis si Freya nang malaman niyang umuwi na naman ng maaga si Kaiden.

"Hindi na naman siya nagtraining?" Tanong niya sa dalawang kaibigan ni Kaiden na sina Mayo at Reiku. "Halos mag-iisang linggo na."

"Ewan na'min sa kaniya, Ate Freya. Hindi rin naman siya nagsasalita sa pinag-iisip niya ngayon e." Maktol ni Reiku.

"Kaya pumunta kami sa'yo baka sakaling may alam ka, Ate Freya." Wika naman ni Mayo.

Huminga ng malalim si Freya, "Sige, ako na ang bahala roon. Baka may pinagdadaan lang silang magkapatid."

Tumango ang dalawa sa kaniya at yumuko saka ito nagpaalam umalis. Nang makaalis sila ay napaisip agad si Freya, napatingin siya ng seryoso sa kawalan at niyukom ang hawak na bimpo.

"Sigurado akong mabigat ang problema nila ngayon... Bakit wala kang sinasabi sa'kin, Saiga?"

Dinismiss ni Freya ang Judo Practice at sinabi sa mga lowerclassmen nito na may emergency siya. Agad siyang umalis sa Judo Club Room.

***

SUMABLAY ang dunk ni Hanamichi nang marinig niya mula sa apat na ungas na nauna na namang umuwi si Kaiden sa kaniya.

"Ano? Na naman?" Naniningkit na tanong ni Hanamichi.

"Hala ka, baka may ginawa ka, Hanamichi?" Pang-uumay ni Takamiya sa kaniya.

"Siraulo, wala kaya!"

"Ano kaya ang problema noon?" Noma

"Baka naman hinigpitan na naman siya ni Kuya One-eye?" Ohkusu

"Aba, napakaloko-loko naman kung ganoon." Agad sumungit ang mukha ni Hanamichi.

Lumapit naman si Honoka sa kanila. "Mukhang hindi ganoon. Nakita ko si Kaiden kanina at parang malalim ang iniisip niya. Mukhang may pinagdadaanan siya ngayon." Sabi nito sa kanila.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon