CHAPTER 21:

171 22 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 21:

Masayang umuwi sina Hanamichi at busog dahil sa libre ni Yugo. Habang nasa ramen resto sila ay marami silang bagay-bagay na pinag-usapan. Si Kaiden at Hanamichi naman ay napansing buong oras ng gala ay tahimik lang si Honoka tila malalim ang iniisip. Hindi nila batid kung ano 'yun.

"Maraming salamat sa libre, Yugo!" Paalam ni Hanamichi.

"Mag-iingat kayo!" Paalam din nito.

"Ikaw din." Paalam ng Apat na Ungas.

Magkaibang direksyong inuwian si Yugo. Sina Hanamichi, Kaiden, ang Apat na Ungas at si Honoka ay magkasabay na umuwi.

Habang naglalakad sila sa kanilang puuwian ay tinanong ni Hanamichi si Honoka. "Ang tahimik mo ata simula kanina, may problema ba?"

"Oo nga, buong gala kang tahimik. Hindi kaya..." Ngumisi si Kaiden kay Honoka at tinuro ito. "Nahihiya ka sa 2nd year na si Yugo noh?" Pang-aasar niya.

Nagkaroon naman ng deniable sa mukha ni Honoka. "A-ano bang sinasabi mo--- hindi noh."

"Aysusss, bago tayo lumabas sa Shohoku Campus kayo ang magkasabay ni Yugo. Oh ano? Pinupormahan ka ba?" Ngising tanong ni Kaiden pero inirapan lang siya ni Honoka.

Naaawa si Honoka sa kawalang-alam ni Kaiden tungkol sa dating relasyon nila ni Yugo, mahal pa ni Honoka si Yugo ngunit hindi niya matanggap ang nararamdamang 'yon dahil sa kasalukuyang pagkatao nito. Gusto man niyang sabihin ang katotohanan subalit natatakot siya sa maaaring gawin ni Yugo sa kanila. Kahit si Sakuragi, hindi pwedeng mapahamak.

"Yieee, iniisip niya si Yugo." Sinundot siya ni Kaiden pero tinampal ni Honoka ang kamay niya.

"Hindi nga, baliw! Ewan ko sa inyo." Masungit niyang sagot at naunang naglakad. Tumingin siya ng seryoso sa kawalan. "Kailangan ko silang bantayan."

***

Ilang minutong lumipas sa paglalakad ay nahatid nila si Honoka sa tahanan nito, sina Mito naman at ang tatlong extra ay nag-iba ng daang uuwian. Alam kase nila na gustong solohin ni Hanamichi si Kaiden kaya todo suporta ang apat.

Medyo malayo pa ang lalakarin bago marating ang bahay nina Kaiden. "Sakuragi, hanggang doon ka lang ulit ah? Mahirap na kapag nakita ka ni Kuya." Paalala niya.

Mahinang natawa si Hanamichi. "Hindi ako natatakot sa Kuya mo, ni hindi ko pa nga nakikilala sa personal ee."

Nagkaroon ng taka sa mukha ni Kaiden pero hindi niya pinahalata. "Seryoso? Hindi mo pa nakikita ang Kuya ko?"

"Oo, saan ba 'dun?"

"Seryoso talaga? Ee pareho kayong nanggaling sa Waku Junior High?"

"Ikaw nga rin Honey na galing din sa Waku Junior High nakita ba kita?" Pabirong tanong ni Hanamichi.

Hinawakan ni Kaiden ang baba niya parang nag-iisip. Kung ganoon, kung hindi pa nakikita ni Sakuragi ang kapatid niya. Ee paano nabulag ang mata ni Saiga kung saksi nito na ang lalakeng may pulang buhok na si Hanamichi Sakuragi ang kagagawan?

"Basagulero ka kase kaya hindi mo'ko nakita." Sagot ni Kaiden.

Natawa ulit si Hanamichi nang maalala niya ang kanyang mga araw nung nasa Junior High pa siya. "Hehehe, aminado naman ako na basaglero ako nung nasa Junior pa ako. Hindi naman maiiwasan 'yun dahil maraming mga siga, sanggano at mayabang na estudyante 'dun. Lalo na sa mga Senior Students na binubully lagi kaming mga 2nd year. Yung iba nabubully nila, pero kami nina Mito hindi nila nadadali. Lumalaban kasi kami kaysa maapi." Sagot niya.

Tahimik lang na nakikinig si Kaiden sa kanya. "Naaalala mo pa ba ang mga laban mo noon? Like, yung mga binugbog mo?" Gusto niyang imbestigahan ang nangyari noon, kung may kinalaman nga 'tong si Hanamichi sa nangyari sa Kuya niya.

Napaisip si Hanamichi sa kanyang tanong. "Hmm... Hindi ee."

"Ee yung kakilala mo--- yung berde ang buhok? Si Yugo Asamiya, paano kayo nagkakilala?" Kaiden

"Ah, si Yugo? School mate na'tin siya nung Junior High. Siya yung palaging pinagtitripan ng mga Seniors kasi bukod sa mayaman, lampa pa." Hanamichi

"Close kayo nung mga panahong 'yun?" Kaiden

"Hindi ko alam, basta simula nung tinulungan namin siya nang gabing 'yun ay palagi niya na kaming binabati. Mabait talaga ang taong 'yun, kaso ngayon mukhang chickboy. HAHAHAHA!" Tawa ni Hanamichi.

"Nung gabing 'yun? Bakit, sino ba ang mga bumully sa kanya?"

"Mga 3rd year, lalo na 'yung bakulaw na boksingero." Biglang nahinto sa paglalakad si Kaiden nang marinig niya 'yun.

Bakulaw na boksingero.

Hindi kaya ang Kuya niyang Muay Thai na si Saiga ang tinutukoy ni Hanamichi? "S-sabihin mo, Sakuragi... Anong hitsura nung boksingerong bakulaw na tinutukoy mo?"

"Huh? 'Yon? Para siyang si Gori kalaki pero mestizo at nakasuot ng salamin." Parang nanghina ang buong sistema ni Kaiden nang marinig niya 'yon.

Kung ganoon, ang Kuya niya ang dating nakalaban ni Hanamichi nung gabing 'yun. Nung nasa Junior High pa si Saiga ay nakasuot ito ng salamin dahil malabo ang paningin nito, pero ngayon nagcocontact lense na lang dahil sa pagiging Muay Thai athlete nito.

Yumukom ng kamao si Kaiden.

"May problema ba, Honey?" Tanong ni Hanamichi.

"Paano mo binugbog ang taong 'yun?" Tanong agad ni Kaiden habang nakatingin sa kawalan.

"H-Ha? Bakit parang---"

"Sagutin mo na lang!" Hindi mapigilan ni Kaiden ang mapataas ng boses dahil sa nararamdaman niya ngayon.

"A-Ano... Yung literal na bugbog. Pinagsusuntok, tinadyakan--- sparing 'ganun! Teka nga, Honey. May problema ba?" Hinarap siya ni Kaiden, napatikom si Hanamichi nang makita niya ang mga butil ng luha sa mga mata ng dalagang kaharap niya.

"Hindi mo binulag? O tinamaan ang mata?" Naluluhang tanong ni Kaiden.

Hindi siya maintindihan ni Hanamichi, biglaan ang mga reaksyon niya. "Teka lang, Honey. Huwag mong sabihin na mas naa-awa ka sa mga binugbog ko kaysa sa mga binubully?" Pakiramdam ni Hanamichi parang ganoon ang pagkakaintindi niya.

"Sagutin mo ang tanong ko! May mga binulag ka ba?!" Pasigaw ulit nitong tanong.

Hindi niya akalain na napakaemosyonal pala ni Kaiden, napilitan siyang sumagot ulit. "Honey, katulad ng sinabi ko sayo. Basagulero lang ako pero hindi ako masamang tao. Katawan lang ang ginagamit ko sa bugbogan at hindi gumagamit ng patalim o ano pa man na posibleng magreresulta ng kapansanan sa tao. Hindi ako ganun." Paliwanag ulit ni Hanamichi.

Naalala naman ni Kaiden nung pina-ospital nila ang Kuya niya dahil dumudugo ang kaliwang mata nito. Sinabi ng doktor na malabong bumalik sa dating paningin ang isang mata ni Saiga dahil sa malala na pagtama nito.

Tinanong ng doktor kung anong matigas na bagay ang tumama sa mata niya at nalaman nilang lahat na mula sa isang baseball bat.

Hindi namalayan ni Kaiden na malapit na sila sa bahay nila. "Hanggang dito na lang, Sakuragi. Bukas na lang." Walang ganang paalam ni Kaiden at nagtuloy-tuloy sa paglakad.

Naiwang walang ideya si Hanamichi kung ano ang nangyayari sa kanya, biglaan ang pagiging bipolar niya.

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon