SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 12:
"A-ano? Ano bang sinasabi mo dyan, Sakuragi. Hindi kaya masyado kang nagmamadali sa nararamdaman mo?" Naiilang wika ni Kaiden habang umiiwas ng tingin.
"Huwag kang mag-aalala, Honey. Hindi naman kita minamadaling magdesisyon. Ang sa akin lang ay naipahayag ko ang nararamdaman ko sa'yo. Nasa sa'yo na 'yan kung tatanggapin mo o hindi--- pero sana talaga tanggapin mo." Yumuko si Hanamichi sa kanya.
"Galingan mo sa klase, Honey. Babalik na ako sa building namin." Dagdag pa nito saka umalis.
Naiwang nakatayo si Kaiden sa kanyang gawi at sinambit ang salitang. "Patay..."
Habang naglalakad siya patungong classroom nila ay hindi parin maalis sa kanyang isip ang ginawang confession ni Hanamichi.
"Lagot, nag confess na siya... Kuya, anong gagawin ko?!" Halos sabunutan niya na ang kanyang sarili.
Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa classroom niya. Sinalubong siya ng kaibigan nitong si Mayo at Reiku.
"Oh anong mukha yan, Kaiden?" Natatawang sabi ni Mayo.
"Paranoid ba yan o overthink? Ayos ka lang?" Parehong reaksyon ni Reiku.
Hindi sila sinagot ni Kaiden sa halip ay pumasok na lang ito.
Habang naglelecture ang kanilang propesor sa harapan, si Kaiden naman ay nakatunganga ang sarili sa bintana. Palagi niyang naiisip yung inaming pag-ibig ni Hanamichi. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya ng mga oras na 'yon kaya ganun na lamang ang lumabas sa kanyang bibig
Naguguluhan siya kung anong tawag dito, sagabal o problema.
"Haysss..." Dumuka si Kaiden sa kanyang mesa at pumikit. "Kasalanan mo'to, Kuya." Bulong niya.
Samantala ang kanyang dalawang kaibigan na sina Mayo at Reiku ay nag-aalala na sa kanya.
Nang matapos ang afternoon period ay nagsiuwian na ang mga estudyante, kasali na doon si Kaiden.
Si Hanamichi naman ay nagtungo agad sa gymnasium nang matapos ang kanilang klase, hindi niya na kailangang magpa-alam kay Kaiden dahil batid nito na may pagtitipong mangyayare sa pagitan ng dalawang kuponan.
Pagkarating ni Hanamichi sa gymnasium ay sinalubong siya ng ngiti si Sendoh.
"Yohooo, Sakuragi! Long time no see!" Tila bata si Sendoh nang sabihin niya 'yon.
Nginiwian siya ni Hanamichi dahil 'don. "Anong meron? Bakit kayo nandito?" Tanong niya at naglakad sa loob. Nakita niyang hindi lang pala si Sendoh ang nandito kundi pati sina Fukuda, Koshino, Uekusa at Hikoichi. Napunta ang kanyang tingin kay Rukawa na nakatayo lang sa tabi ni Miyagi at parehong nakaekis ang kamay.
"Anong tiningin-tingin mo dyan, Rukawa? Ano? Gusto mo nang away? Tara pagbibigyan kita!---" hindi natapos sa kada-dada si Hanamichi nang hampasin siya ni Ayako ng papel sa ulo.
"Hanamichi Sakuragi, behave ka lang! Kararating mo pa lang ee." Saway nito.
"Gunggong." Bulong ni Rukawa.
Si Honoka naman sa gilid ay natawa na lang sa kakulitan ni Hanamichi.
Ang pagdating ng Ryonan Team sa gymnasium ng Shohoku ay isa palang pagbisita at hindi game practice. Pakiramdam ni Rukawa ay parang nasasayang ang kanyang oras sa bagay na'to kaya binabalak niya ng umalis.
Pero bago siya tumayo ay binuksan ni Sendoh ang usapan tungkol sa papalapit na Division Tournament. Ang labanan ng mga Best 4.
"Ano? Best 4?" Tanong ni Honoka.
"Best 4, Honoka. Sila yung Team na representative sa bawat division ng Kanagawa. At ang kasalukuyang Best 4 na yun ay pinangungunahan ng kuponan ng Kainan Team, pangalawa ang school natin, pangatlo naman ang Ryonan Team at pang-apat ang Shoyo Team." Paliwanag ni Ayako sa kanya.
"Ahhh, kung ganun. Ang kuponan na 'yan ang maglalaban sa palapit na tournament?" Tanong ulit nito.
"Oo, nagsimula na kase ang Elimination Matches at lahat ng kuponan na hinarap sa'min ay lahat tinalo na. Ngayon, ang Shohoku Team ulit ang magiging Representative sa Shohoku Division at lalaban ulit sa ibang Division." Paliwanag ulit ni Ayako.
"Ahhh, ganun pala 'yon." Ngumiti na lang si Honoka dahil kahit papaano ay may nalalaman na siya tungkol sa basketball.
Napansin naman ni Honoka na kanina pa tingin ng tingin si Sendoh sa kanya, napansin din ni Hanamichi ang pagiging hindi kumportable ni Honoka.
"Huyyy, may problema ba?" Tanong ni Hanamichi sa kanya.
"K-kase, Sakuragi. Yung mamang 'yon, kanina pa tumitingin sa'kin. Nakakikilabot lalo na 'yung tinik niyang buhok." Namumutlang sagot niya habang nakaturo kay Sendoh.
Tinignan naman ng masama ni Hanamichi si Sendoh. "HOY SENDOH! HUWAG KA NGANG TINGIN NG TINGIN SA MANAGER NAMIN!"
Nagulat si Sendoh sa sinabi niya. "H-huh?"
"Alam kong naiinggit ka lang dahil ang Ryonan Team ay walang manager na babae, nauunawaan ko ang inggit mo iyon. Pero huwag naman yung halos hubaran mo ng tingin yung precious Manager naming si Honoka. NAINTINDIHAN MO BA HAH SENDOH!" Bulyaw pa ni Hanamichi.
Parang nabingi si Sendoh sa huling sinabi niya. "Bakit ka nagagalit? Ee hindi naman yan ang ibig kong sabihin." Naiiyak niyang sabi.
"Bakit mo kase tinitignan, anong meron?" Iritang tanong ni Koshino sa kanya.
"Pamilyar kase siya." Tinignan ulit ni Sendoh si Honoka. "Uyyy Miss, pamilyar ka sakin. Saang Junior High ka galing?" Tanong niya.
Naiilang namang tumingin si Honoka sa kanya. "S-sa... Kitagawa Daichi Junior High." Sagot niya.
Biglang sumigla ang mukha ni Sendoh sa kanyang sinabi. "Sinasabi ko na nga ba, mula din ako sa Kitagawa Daichi Junior High. Mas malapit ang Ryonan doon, bakit dito ka sa Shohoku nag-aral?"
"Malapit ee." Sagot ni Honoka.
Napaubo naman ng peke si Rukawa dahil parang naulit lang yung sinagot niya dati kay Coach Taoka.
"Tama na, Sendoh! Pasimple ka ring nangrerecruit ee!" Bara ni Hanamichi.
"H-hindi naman sa ganun." Napakamot na lang si Sendoh.
Pumagitna naman si Miyagi sa kanila. "Tama na yan, pag-usapan na na'tin ang dapat na'ting pag-usapan. Ito ang ating agenda..." Nilagay ni Miyagi ang bracket list ng Division Tournament sa kanilang harapan at sinimulan na nila ang usapan.
Samantala, sa bahay ni Kaiden. Kaharap niya ngayon ang kanyang kapatid na si Saiga at sinabi nito ang tungkol sa ginawang pag-amin nito.
"Kung nagtapat ng pag-ibig si Sakuragi sa'yo, ibig sabihin ay nahulog na ang loob niya sa'yo." Wika ng kapatid.
"Oo, Kuya. Anong gagawin ko--- ee naiinis ako sa lalakeng 'yon. Hindi nawawala ang galit ko sa kanya sa tuwing nakikita ko siya lalo na yang bulag mong mata na siya ang sanhi." Iritang sabi ni Kaiden.
"Kumalma ka, Kaiden. Isipin mo ang nangyayari ngayon, hindi ba't sakto lang sa mga pinaplano na'tin?" Natigilan si Kaiden sa sinabi niya.
"Seryoso kang itutuloy ko 'yon, Kuya?"
"Oo, pumayag kang manligaw ang Sakuragi'ng 'yon sa'yo at hayaan mo siyang umasa. Paasahin mo siya at saktan mo ang puso niya." Sagot ni Saiga.
Napaisip si Kaiden doon. "Paano kung hindi uubra?"
"Uubra 'yan, Kaiden. Dahil lahat ng matitigas na bagay sa mundo o kahit bullet proof pa yan. Matutunaw at matutunaw din 'yan sa init." Sumandal si Saiga sa kanyang upuan at muling hinawakan ang bulag niyang isang mata.
"Kahit gaano pa katikas ang katawan ni Sakuragi, lalambot at lalambot din 'yan sa pag-ibig." Dagdag pa niya habang nakangisi.
KnightAncient | Henyong Si Sakuragi
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanficSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...