SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 14:
Nang makarating sina Hanamichi at Ayako sa class section ni Kaiden, sa daan pa lang ay pinagtitinginan na sila. Ang ibang estudyante ay nagtataka kung ano ang ginagawa ng isang 2nd year at 3rd year student sa 1st year building.
Habang nililista ni Ayako ang mga pangalan ng estudyante sa Class 1 Section 11, si Hanamichi naman ay panay ang tingin sa upuan ni Kaiden.
"Umayyy, kung dyan nakaupo ang Honey ko? Aba naman! Kung sinuswerte ka nga naman, may nalaman na naman ako tungkol sa kanya!" Pumikit at yumukom ng kamao si Hanamichi para pigilan ang ngiti sa harapan ng mga junior students. Tiningnan niyang muli si Kaiden.
Nahuli naman ni Kaiden ang kanyang tingin at ginantihan niya 'to ng masamang tingin saka umirap. "Tingin ng tingin, dukutin ko yang mata mo ee." Bulong ng dalaga.
Mahinang natawa si Hanamichi. Lumabas muna siya at kunwaring nanalamin sa bintana. Inayos nito ang kanyang pulang buhok at ang kwelyo ng kanyang uniporme saka tumikhim para maayos ang kanyang boses.
Sinundot ni Mayo si Kaiden saka tinuro si Hanamichi. "Huyyy, Sazuno. Diba siya yung bad boy laloves mo? Nagpapakyut oh." Bulong nito.
Pero ayaw harapin ni Kaiden si Hanamichi, nakatalikod lamang 'to.
"Sazuno, harapin mo kaya? Palapit na siya dito sa bangko mo oh." Sabi pa ni Reiku na ikinanlaki ng mata ni Kaiden.
Pero bago pa man humarap si Kaiden ay naramdaman niya ang kamay ni Hanamichi na nakahawak sa kanyang upuan, tinignan niya ang kanyang mesa, nakapatong din ang isang kamay ni Hanamichi doon.
Biglang uminit ang mukha ni Kaiden dahil ramdam na ramdam niya ang presensya ni Hanamichi na nakayuko sa kanya.
"Pambihirang taong 'to. Nakalimutan niya bang nandito siya sa classroom ng mga first year? Hindi ba siya nahihiya kase ako, oo." Bulong ni Kaiden sa sarili niya.
"Uyyy si Honoka!" Biglang salita ni Hanamichi.
Agad umiba ang mood ni Kaiden nang marinig niya ang pangalan ng bruhildang 'yon. Lumingon siya 'dun at... "Anong ginagawa---" hindi natuloy ang sasabihin ni Kaiden nang magkalapit ang kanilang mukha ni Hanamichi.
"Biro lang." Nakangising sabi ni Hanamichi.
Nagtitigan silang dalawa.
"S-Sakuragi..." Utal niyang sambit.
*PAKKK!*
Isang malutong na sapok sa ulo ang sinapit ni Hanamichi nang hampasin siya ni Ayako ng nakarolyong papel sa ulo. "Hanamichi Sakuragi, pakitandaan lang na nandito tayo sa classroom ng Class 1--- mahiya ka naman!" Saway niya.
Agad namang napalayo si Hanamichi at hinipo ang ulo. "Ayako naman, ansakit nun ah?!"
"Behave!"
"Oo na, heto na!" Bumusangot ang mukha ni Hanamichi at tumayo na lang sa tabi ni Ayako.
Si Kaiden naman ay nakatingin parin sa kanyang gawi, tulala parin sa nangyari.
Kinindatan siya ulit ni Hanamichi.
Napaiwas agad ng tingin si Kaiden dahil sa hiya, namumula siya...
Tumitibok ng malakas ang puso niya.
Napahawak siya doon at yumuko.
"Walanghiya ka, Sakuragi... Anong ginawa mo?" Niyukom ni Kaiden ang kanyang kamao habang naiisip 'yon.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos ni Ayako ang pangongolekta ng pangalan sa kanilang magiging Team Members. "Maraming salamat sa time, first years. Next week na magsisimula ang ating High School Week, aasahan ko ang inyong participation." Nakangiting sabi sa kanila ni Ayako at nagpaalam.
"Maraming salamat din po, Ate." Sagot ng mga estudyante.
Kumaway muna si Hanamichi kay Kaiden saka sila naglakad paalis.
"Psssh. Ang harot." Bulong ni Kaiden.
Sumandal na lamang siya sa kanyang upuan at tinignan ang kisame ng classroom. Napaisip siya sa nangyari sa kanyang sarili kanina.
Ang ginawang pagkindat ni Hanamichi sa kanya ay pangalawang beses na at ang masama ay...
Tumitibok ang puso niya sa tuwing ginagawa 'yun ni Hanamichi.
"Bantog ka talagaaaaaaa!!!" Biglang sigaw ni Kaiden at sinabunutan ang sarili.
Pinagtitinginan naman siya ng mga kaklase niya habang ang dalawang kaibigan niya ay mahinang tumatawa.
"Wala na, Kaiden. May tama kana." Wika ni Reiku.
"Hindi mangyayari 'yon!" Kaiden
***
Nang matapos libutin ni Ayako ang lahat ng year level ay nagkaroon sila ng malaking tsansa na manalo sa lahat ng activities sa High School Week nang malaman nilang kasali sa Red Team ang Class Section ni Rukawa at Honoka. Si Miyagi naman ay awtomatikong kabilang sa Red Team dahil magkaklase lang sila ni Ayako.
Habang nasa gymnasium ay masamang nakatingin si Hanamichi kay Rukawa. "Bakit pa kase kasali sa Team namin ang mayabang na sorong 'to?"
"Gunggong talaga." Bulong ni Rukawa.
"Anong binulong-bulong mo dyan, Rukawa? Hilahin ko yang dila mo ee!" Sigaw niya.
"Wala ka bang ibang magawa kundi ang bantayan ako lagi?" Bara ni Rukawa.
"Pweeh! At sino ka naman sa akala mo para bantayan kita? Gold ka ba?"
"Hindi, ako kasi ang Ace Player."
Mas lalong nangugat ang ulo ni Hanamichi sa sinabi niya. "MAYABANG!"
"Gunggong."
Si Miyagi ay nakangiti sa kanilang gawi at...
"Tama na 'yan!" Sigaw niya at parehong binigyan ng flying kick ang dalawa.
"Tama 'yan, Ryota." Suporta ni Ayako saka tinignan ang listahan ng Red Team. "Aba naman talaga, mukhang magiging abala tayo sa consecutive days next week."
Dumating naman si Honoka tulak ang tray ng mga bola. "Tama ka dyan, Ayako. Balita ko dyan may track and field events, court at physical sports ang involve dyan hindi ba?" Tanong niya.
Tumango naman si Ayako. "Oo, tungkol sa track and field events at Court sports mukhang papabor na sa atin 'yan dahil sporty naman ang Basketball Club na'tin at hindi lang nakapukos sa isang sport. Si Hanamichi Sakuragi, Rukawa at Miyagi ay mabibilis tumakbo kaya panalo na tayo, hindi pa ako sigurado sa girls team. Pagdating naman sa physical activities--- taekwondo at judo lang ang included. Kaya na 'yan nina Sakuragi at Rukawa pero ewan ulit sa girls team." Hinawakan ni Ayako ang kanyang baba at napaisip. "Sino kaya ang pwede sa girls? Hindi kase ako pwede kase Organizer ako."
Napatingin si Hanamichi sa kanila.
Huminga ng malalim si Honoka at tinignan si Ayako. "May kilala ako para maging representative dyan."
"Sa Taekwondo, may kilala ako." Sabi rin ni Hanamichi.
"Huh? Sino?" Tanong ni Ayako.
"Si Kaiden!" Sabay sagot ni Hanamichi at Honoka.
KnightAncient | Henyong Si Sakuragi
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...