CHAPTER 40: FINAL BATTLE

253 25 6
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 40: FINAL BATTLE

Hingal nang makarating sina Hanamichi at Honoka sa gymnasium ng Yokohama. Pagkarating nila sa palapag kung saan nagtipon ang buong myembro ng Shohoku Team ay akmang hahampasin ni Ayako ng papel si Hanamichi nang makita niya ang tulo ng dugo mula sa ulo nito.

"Jusko, Hanamichi Sakuragi! Bakit dumudugo ang ulo mo?" Tiningnan niya agad si Honoka para magpaliwanag. "Honoka?"

"K-Kase, Ate Ayako--- naaksidente si Sakuragi habang nagmamadali siya patungo rito sakto namang padaan ako. Kaya isinabay ko na lang siya sa scooter na hiniram ko kay Mito. Mabuti na lang at nakaabot kami sa oras." Paliwanag niya.

Kahit nagdududa si Ayako ay tumango nalang 'to. "Oh siya, halika muna't gamutin muna na'tin 'yan." Pinaupo niya si Hanamichi.

Napatingin si Coach Anzai sa kanilang gawi, nakita niya ang kondisyon ni Hanamichi. "Sakuragi, hindi muna kita isasali bilang first five. Hayaan mong makondisyon ang katawan mo at ipapasok kita agad."

"Pero Tatang, kaya kong maglaro." Pagmamatigas ni Hanamichi.

"Irelax mo muna ang katawan mo, Sakuragi. Nandito naman kami nina Rukawa, Yasu at ng iba pa. Ipaparesbak ka na'min agad." Miyagi

Samantala sa kasulukuyang nagaganap na laban sa gilig ng riles ng tren. Maraming kalaban ang napatumba ni Mito at ng pangkat niya gamit lamang ang mga kamao. Si Freya naman ay ang abilidad niya sa Taekwondo at Jui Jutsu, habang si Kaiden ay ang nakamamatay nitong Taekwondo. Ang dalawa na sina Saiga at Yugo parehong malapit ang pwesto habang nakikipagbakbakan.

Pinagsusuntok, pinagsisipa at tinuhod ni Saiga ang mga kalaban niya. Habang si Yugo naman ay marahas na pinaghahampas ng bakal ang mga mukha ng kalaban. Nag-aalala si Saiga sa maaaring mangyari kung ganito karahas si Yugo.

"Hoy, Yugo Asamiya! Hindi kaya mamamatay sila sa ginagawa mong 'yan?" Pasigaw n'yang tanong saka sinuntok ang paparating na kalaban.

"Ee ano ngayon? Dapat lang sa kanila 'yan dahil sinaktan nila si Honoka." Malamig nitong sagot at sinaksak niya ng bakal ang palapit na kalaban.

Nanlaki ang mga mata ni Saiga sa kanyang sinagot. "Baliw kaba? Turuan mo sila ng leksyon, hindi patayin! Dilekwente ang pangkat ko at hindi kriminal!"

"Bakit ka nagagalit d'yang bulag ka? Hindi ko naman sinabi na papatayin ko talaga sila!"

"Pero ginagawa mo na polio ka!"

"Hoy! Sinong Polio? Sa kamay ang putol ko at hindi paa! Kasalanan mo'to bulag ka!"

"Baka nakakalimutan mong kasalanan mo rin na nabulag ako? Ano gusto mo ng laban ulit?!" Hamon ni Saiga.

"Hindi kita aatrasan---" hindi nakasagot ng tuluyan si Yugo nang pareho silang binatukan nina Freya at Kaiden.

"Ngayon pa kayo mag-aaway na nasa gitna tayo ng laban?!" Galit na turan ni Kaiden sa kanila.

"Mga isip bata! Akala ko ba okay na kayo?" Freya

Agad inakbayan ni Saiga at Yugo ang isa't-isa.

"Ano bang sinasabi niyo? Ganoon lang talaga kami ka friendly? Di'ba, Saiga bul--- pare?" Yugo

"Hahahaha--- hayop ka talaga." Kunwaring sang-ayon ni Saiga.

May lalakeng paparating sa gawi ni Kaiden at may hawak itong patalim. Ang lalakeng ito ay isa sa mga sumaksak kay Kaiden ng mga gabing 'yon. "Humanda ka, Kaiden Sazuno! Masasaksak ulit kita!" Sigaw nito.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon