SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 43
WALANG kahit anong bakas maliban sa normal na ekspresiyon sa mukha ni Rukawa nang makita niya ang manager na papalit kay Ayako.
"R-Rukawa..." Mahinang wika ni Haruko habang nakatingin sa binata nang magtagpo ang kanilang mga tingin.
Naglakad si Miyagi at pinakilala si Haruko sa isa pang manager ng Shohoku na si Honoka Senji. "Honoka, ito pala si Haruko. Dati siyang manager ng Team at ngayon ay siya na ang papalit kay Ayako. Abala na kasi Aya ngayon kaya pahirapan sa schedule."
Ngumiti si Honoka at masayang nakipagkamayan kay Haruko. "Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Haruko."
"H-Hello." Naiilang nitong sagot.
Gumuhit ang masayang mukha sa mga players ng Shohoku Team sa muling pababalik ni Haruko.
"Mabuti naman at napag-isipan mong bumalik rito sa Shohoku, Haruko. Namiss ka talaga na'min!" Masayang wika ni Yasuda.
"Oo nga, ikinagagalak na'min na narito ka ulit." Wika rin ni Kakuta.
Ngumiti si Haruko sa kanila dahil sa mainit nitong pagtanggap. "Maraming salamat sa inyo."
***
NANG MATAPOS ang buong klase ay agad dumiretso si Hanamichi sa gymnasium para makipagpartisipa sa training. Malakas na kalabog nang buksan niya ang pinto pagkarating. Napatingin sa kaniya ang ibang players na kasalukuyang nag-eensayo.
"Sira-ulo ka, Hanamichi. Para kang hinabol ng demonyo a?" Nababanas na tanong ni Miyagi dahil nagulat siya sa kalabog na iyon.
Sa halip ay ngumisi lang si Hanamichi at tumawa. "Hehehe, excited lang magtraining, Kulotskie!" Sagot niya saka naglakad papasok sa loob.
Sa kaliwang court ay nagtitraining ang nga first year players habang ang kanilang mga galaw at puntos ay minomonitor ni Honoka. Habang sa kanang court naman ay si Haruko.
"Sa wakas at nariyan ka na rin, Sakuragi. Kumpleto na tayo." Wika ni Yasuda.
"Hehehe pasensya na kung natagalan."
"Aysos, siguradong si Kaiden na naman iyan."
"Hehehe." Namula si Hanamichi.
"Mabuti at narito kana, pwede na tayong nagpatuloy sa training, Sakuragi." Napatingin si Hanamichi nang marinig niya ang boses ni Haruko.
Nag-victory sign si Hanamichi sa kaniya. "Aba naman, siyempre! At maghintay ka diyan, Haruko. May bagong moves akong ipapakita sa'yo!"
"Wow talaga?"
"Oo naman! Isang move na tanging ang Henyong-poging si Hanamichi lang ang makakagawa!"
"Wow! Excited na akong makita iyan, Sakuragi!" Tila naging bituin ang mga mata ni Haruko sa kaniyang sinabi.
Napabuga nalang ng hangin si Rukawa. "Gunggong."
"May sinasabi ka diyan, Rukawa?" Tiningnan siya ni Hanamichi ng masama. Kumibit-balikat lang ito.
Nilapat ni Haruko ang suot niyang pito at hinipan. "Simulan na!"
Nagkaroon ng three on three sa pagitan ng second years, pangkat ni Hanamichi laban sa pangkat ni Rukawa. Nakamonitor sa kanila si Haruko habang naglalaban sila.
"Pigilan niyo siya!" Sabi ni Rukawa sa mga kasamahan. Kinorner siya ng dalawang miyembro ni Hanamichi kaya sinolo nito ang dalawa pang miyembro ni Rukawa na nakabantay defense area.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...