CHAPTER 30:

174 17 1
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 30:

"Ms. Freya!" Gulat na sambit ni Hanamichi.

Hindi siya makapaniwala, ang babaeng Senior niya sa Shohoku High at Black Belt Martial Artist ay ngayon nakatayo sa kanyang harapan.

Nagalit ang ibang Gang Members ni Saiga, tinignan nila ng masama si Freya.

"Walanghiyang babaeng 'yan! Dapat na'tin siya turuan ng leksyon!" Maangas na sabi ng isa.

"Oo nga!" Sang-ayong sagot ng katabi niya. Akmang aatake sila nang iharang ni Nijiro ang kamay niya sa dalawa.

"Huwag kayong lumapit sa kanya." Pigil ni Nijiro.

"Pero bakit?!" Reklamo ng isa.

"Si Ms. Freya... Hindi niyo siya kakayanin." Sagot niya.

Nakatingin lang ng walang emosyon si Freya sa kanila. Sa likuran niya ay nakahandusay si Hanamichi, marahan itong tumayo at pinagmasdan ang babaeng Senior.

"Freya, ano't nandito ka? Umalis kana!" Wika ni Hanamichi pero parang wala itong narinig.

*CHING!*

Naramdaman na lang ni Hanamichi na lumuwag ang pagkagapos ng kadena sa kanya.

"Huh?" Napatingin siya nang tuluyang nahulog sa sahig ang kadena. Nakita niyang wasak na ang kandado na nakaugnay dito.

Hinipan ni Freya ang kamay niya na ginamit niya sa pagsira ng kandado.

Nagulat ang mga sangganong nakapalibot sa kanila.

"A-ano? N-nawasak niya ang kandado?

A-at... Gamit lang ang kamay?

Babae ba talaga 'yan?!" Takot nilang bulungan.

Tumayo si Saiga mula sa pagkakatama sa pader, tiningnan niya ang dalaga. Sakto namang nagtama ang paningin nila.

"Boss Leader... Si Freya." Gulat na bulong ni Nijiro.

"Oo, alam ko." Sagot niya. "Huwag kang makealam dito, Freya. Labas ka sa kaganapang ito!"

"Ipagpaumanhin mo subalit hindi ko gagawin 'yon." Simpleng sagot niya.

Kumunot ang noo ni Saiga sa sinagot niya. "Ano ba ang ginagawa mo dito? Hindi ka maaring makealam."

"Kung wala kang matibay na katibayan na may katotohanang ang lalakeng ito ang siyang may kagagawan ng iyong kapansanan ay wala kang karapatang dampian ang kanyang katawan ng karahasan." Makatwirang sagot niya.

"Masyado kang madaldal!" Sigaw ng alipores at inatake si Freya.

Pero mabilis siyang binalibag ni Freya sa kamay saka sinipa pabalik sa pwesto nito. Napagulong ito at napadaing sa sakit dahil nabali ang kamay.

May isa pang alipores ang umatake pero malakas na tinamaan ni Freya ang batok niya na agad nitong kinawalan ng malay at bumagsak sa sahig.

*BLAAAG!*

"Sige, sugod." Hamon niya pero niisa wala nang lumapit dahil sa takot.

Magsasalita na sana si Hanamichi nang...

*BLAAG!*

Bumagsak 'din ito sa sahig.

Tinamaan ni Freya ang vital point ng ugat niya na konektado sa kanyang ulo dahilan para nawalan agad ito ng malay.

Napanganga ang buong Gang ni Saiga sa ginawa ni Freya.

"Whaaaaaaahh! Pinatay niya si Sakuragi!" Sigaw ni Nijiro.

"Hindi... Tinamaan niya ang Vital Nerve ni Sakuragi para mawalan 'to ng malay." Koreksyon ni Saiga. "Bakit mo'to ginagawa, Freya? Bakit mo tinutulungan si Sakuragi? Hindi ko maintindihan!"

"Simple lang..." Direktang tiningnan ni Freya si Saiga sa mga mata. "Walang kinalaman ang taong ito sa lahat ng pinagbibintang mo." Dagdag niya.

"Ano?" Nijiro

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang turan ni Saiga.

"Hindi si Sakuragi ang dahilan ng iyong pagkabulag." Freya

"Ano! Anong pinagsasabi mo?! Wala kang alam sa mga nangyari noon kaya anong sinasabi mo?" Hindi parin maiwasan ni Saiga ang maguluhan.

"Hindi si Sakuragi ang bumulag sa mata mo, Saiga." Panglilinaw ni Freya.

"H-Hindi ko--- maintindihan! P-Paano mo nasasabi ang mga 'to?" Saiga

"Dahil alam ko kung sino ang tunay na may kagagawan niyan, ang malinaw dito ay hindi si Sakuragi." Sagot ni Freya saka marahan na pinatayo ang walang malay na si Hanamichi.

Parang mababaliw na sa kuryusidad si Saiga. Hindi niya naintindihan. "Sagutin mo'ko, Freya. Sino ang totoong may kagagawan nito sa'kin? Ang tunay na dapat kong pagbintangan? Sumagot ka!"

Sandali natahimik si Freya at napatingin sa kawalan. "Mas mainam na kayo ang makadiskubre. Ayokong ipahamak ang sarili kong kadugo." Tanging sagot niya saka nagsimulang naglakad paalis.

Mas lalong naguluhan si Saiga. "Kadugo mo? Kung ganun---" hindi siya natapos sa sasabihin nang nawala na sa kanyang harapan si Freya.

Habang inaakay ni Freya si Hanamichi ay naaawa siya sa hitsura ng binata. Puno ito ng pasa, sugat at dugo sa buong katawan at mukha. Halos hindi na makikilala.

"Kailangan kitang dalhin sa ospital." Freya

***

Kinabukasan...

Sa locker room ay inaabangan ni Kaiden ang taong may kasalanan at dahilan ng hinanakit ng kapatid niya.

"Ikaw lang pala ang suspek ng lahat ng ito, hayop ka." Galit na bulong ni Kaiden.

"Ikaw na naman?" Natigilan si Kaiden nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran.

Agad niya itong sinipa.

*BLAAAAG!*

Napigilan ni Yugo ang sipa niya gamit ang braso.

Sumunod pa ng atake si Kaiden, ginamit niya ang isa pa niyang paa para tamaan ang mukha ni Yugo nang mabilis itong nakaiwas at malakas na itinulak si Kaiden.

Pero nagbackflip ito para mabalanse ang pagkatulak at hindi muling maub-ob.

Ngayon ay magkaharap na silang dalawa.

"Ang lakas ata ng loob mo ngayon?" Nakangising tanong ni Yugo sa kanya habang hinilot-hilot pa ang mga kamay. "Dapat maturuan ka ng leksyon."

"Ikaw ang dapat maturuan ng leksyon, hayop ka. Ngayon alam ko na ang lahat. Alam ko na ang lahat kung bakit ganyan ka kung tumuring sa'kin!" Singhal ni Kaiden. Mabuti na lang at walang estudyanteng nakapaligid sa locker room dahil may mga klase pa.

Nang marealize ni Yugo ang ibig niyang sabihin ay muli itong napangisi at humalakhak.

"HAHAHAHAHA!" tawa niya. "Akala ko matagal pa ako magtitiis sa pagiging tanga niyo." Aminadong sagot nito.

Mas lalong nagalit si Kaiden sa kanya, niyukom niya ang kamao niya. "So totoo nga na ikaw ang may kagagawan nun. Kaya pala kilala mo si Kuya dahil ikaw pala mismo ang bumulag sa isa niyang mata!" Galit niyang turan.

Muling napahalakhak si Yugo. "Ee ano ngayon? Dapat lang sa kanya 'yun dahil mayabang, arogante at mapagmataas ang walanghiyang Saiga na 'yun!" Nang sabihin ni Yugo 'yun ay tinignan niya ng masama ni Kaiden. "At ikaw..." Turo niya. "Imbes na sabihin mo ang katotohanan na ang walang modo mong kapatid ang may kasalanan ay mas pinili mo pa siyang ipagtanggol kaysa sa'kin na lampang-kawawa ng mga panahong 'yon." Nagkaroon ng galit sa mga mata ni Yugo saka mabilis na nilapitan si Kaiden at sinakal.

Tsaka malakas na sinandal sa pader.

Napadaing si Kaiden dahil doon.

KnightAncient | Henyong Si Sakuragi

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon