SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -CHAPTER 45
PAGSAPIT ng hapon ay maagang nagpaalam si Kaiden kay Hanamichi upang hindi na ito mag-abalang pumunta sa classroom nito.
"Mauna na ako sa'yo mamaya ah? Ingat kayo." Paalam ni Kaiden sa nobyo. Kasama niya si Freya mula sa third year curriculum. Ang nobyo ng kapatid ni Kaiden.
"Kayo rin, ingat kayo ni Ate Freya. Good luck kay One-eye mamaya, pakisabi galingan niya!" Nakaismid na wika ni Hanamichi.
Tumango si Freya sa kaniya. "Tara na, Kaiden."
Muling kumaway si Kaiden bago sila naglakad paalis.
Naiwan si Hanamichi'ng nakatayo sa pintuan ng gymnasium. May mga babae namang nagsidatingan at dinumog siya sa pinto.
"Rukawaaaaaaaa!
Ang guwapo mo!
I love youuuuuuu!" Tili ng mga babae sa pintuan.
Agad napaayos ng sarili si Hanamichi at binulyawan ang mga jologs. "Lumayas nga kayo rito! Ang iingay niyo! Istorbo lang kayo!" Bulyaw niya sabay lamba ng pinto ng gymnasium. "Mga jologs ni Rukawa na puro ang papangit!"
"Buksan mo ang pinto Sakuragi-Unggoy!" Sigawan ng mga babae sa labas.
"Heh! Manigas kayo diyan!" Iniwan ni Hanamichi ang pinto at naglakad palapit sa mga kasamahang players.
Samantala si Haruko sa gilid ay napatingin kay Rukawa na nakatuon lang ang atensiyon sa training. Dinribol nito ang bola nang humarang si Hanamichi sa kaniyang harapan.
"Tara one on one, Soro." Aya nito pero hindi siya pinansin nito.
"Tabi." Paglalagpas sa kaniya ni Rukawa.
Mabilis ang pagkakadribol nito sa bola hanggang sa makarating siya sa center area at tumalon para gawin ang lay-up shot.
*Pakk!*
Subalit pumalya ang kaniyang tira nang palpalin iyon ni Hanamichi. Sabay silang napababa sa sahig at agad nagtinginan. Napatingin din ang ibang players sa kanilang dalawa.
"Ang sabi ko one on one." Panghahamon muli ni Hanamichi.
"Huwag kang istorbo." Kinuha ni Rukawa ang bola at muli itong pinatalbog.
"Hoy, Hanamichi! One on one sa ba iyan sa basketball o one on one sa suntukan?" Natatawang sigaw ni Takamiya mula sa ikalawang palapag ng railings. "Welkam back sa amin!"
"Narito na ang mga ungas..." Bulong ni Hanamichi.
Naramdaman niya na lang ang pagsapo ng papel sa ulo ngunit mahina lang. "Tantanan mo nga si Rukawa. Nagtitraining ng matino iyong tao e." Saway sa kaniya ni Honoka.
"Mukha ba akong hindi matino, Honoka?"
"Slight lang."
Lumapit naman si Haruko sa kanilang gawi. "Uy tama na iyan. Sakuragi, ganito na lang— doon ka na lang sa kabilang court magsanay at ako na ang bahalang magmonitor sa mga reflexes mo. Hindi ba sabi mo kahapon may moves ka na namang ipapakita sa akin?" Nakangiting tanong niya.
Agad namang nagkislapan ang mga mata ni Hanamichi nang maalala iyon. "Oo nga pala! Nakalimutan ko iyon a HAHAHAHA! Sige, Haruko— tara na!" Masiglang sagot niya at agad kumuha ng isang bola at dinribol papunta sa kabilang court.
Magiliw na pinapakita ni Hanamichi ang kaniyang mga basketball move technique kay Haruko na siya namang kinatuwa ng dalaga. May iba sa galawan niya ang hindi inasahan ni Haruko dahil napaka-kakaiba.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️
FanfictionSi Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong damdamin sa isa't-isa at hindi mapigilang nararamdaman. SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT - is a Slam Du...