CHAPTER 36:

213 26 16
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 36:

Kinabukasan ay nagsimula na ang match ng Shohoku Team laban sa defending champion na kuponan ang Kainan.

Nagsimula na ang laban.

Ang kanilang paghaharap may maituturing na pambihira dahil hindi lang ang Shohoku Team ang lumakas sa paglipas ng isang taon kundi pati rin ang Kainan Team sa pamumuno ni Jin.

Pareho silang may improvement at parehong hindi nagpapatalo.

Maraming manonood na nakapagsabi na halos magkasinglakas ang dalawang kuponang nagkaharapan ngayon. Hindi nila mahulaan kung alin sa kanila ang maitanghal na panalo.

Ang Ace Player ng Shohoku na si Kaede Rukawa ay isinantabi ang personal niyang nararamdaman dahil para sa kanya mahalaga ang laban nilang 'to. Subalit si Hanamichi ay nagiging absent minded.

Pabalik-balik, paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang boses ni Kaiden lalo na sa kanilang napag-usapan kagabi. Hindi niya batid kung ano ang tinutukoy nito sa pagpapasalamat niya. Aalis ba siya? Magtatransfer na sa ibang school?

Nung gabing makita niya ang dalaga ay sumikip ang dibdib niya nang sandaling magtagpo ang kanilang tingin. Nakita niya ang pamumula ng mata ni Kaiden na halatang katatapos lang sa pag-iyak o magdamagang umiyak bago pumasok sa eskwelahan. Napansin niya rin na nangangayat ang dalaga at maputla. Malakas ang kutob niyang hindi 'to kumain.

Nagsisisi si Hanamichi sa mga salitang binitawan niya kagabi, hindi niya sinasadya. Nadala lamang siya sa bugso ng damdamin. Sa pagkakataong nakita niyang lumuluha si Kaiden sa mismong harapan niya at tila nawalan siya ng lakas. Gusto niyang punasan ang mga luhang 'yun dahil hindi siya sanay na makita ang babaeng mahal niya na umiiyak. Subalit pinipigilan niya lamang ang sarili dahil namumuo parin ang galit niya.

Kahit na nagagalit siya sa dalaga ay nais niya itong yakapin para tumahan dahil tila kinakain ang kanyang sistema sa sakit ng nararamdaman na makita itong umiiyak. Dahil sa sadyang gago siya ay hinayaan niya lamang itong masaktan lalo.

Hindi niya kinayang tignan sa mga mata si Kaiden dahil alam niyang magbabago lamang ang kanyang isip at bibigay agad kaya pinili niyang iwasan ito. Mas nangingibabaw ang pagmamahal niya kay Kaiden ngunit natatakpan dahil sa galit.

"Sakuragi!" Pasa ni Miyagi sa kanya sa bola pero naagaw 'yun ni Kiyota at mabilis na lumipat sa half court ng Kainan.

Nang masalo ni Jin ay isang maningning na 3 point shot ang ginawa.

*SHOOT!*

At nagtapos ang oras ng kanilang labanan.

Napatingin si Hanamichi sa scoring board at nanlumo nang malaman ang resulta.

Nanalo ang Kainan.

"Hindi maaari." Nanghihinang bulalas ni Hanamichi at napaluhod. Nanalo ang Kainan dahil sa isang puntong lamang. Yumukom siya ng kamao. "Hindi maari--- kasalanan ko'to! Bakit ako nagpabaya!" Sigaw niya saka malakas na inuntog ang ulo sa sahig.

Si Rukawa naman ay hingal na napapunas ng pawis. Alam niya kung bakit nagkakaganyan si Hanamichi. Aksidente niya kasing nakita ito kagabi kausap si Kaiden. "Karma mo 'yan, nagpaiyak ka ng babae." Bulong ni Rukawa. Batid niya rin na mas malakas talaga ang Kainan ngayon sa kanila. Ibang-iba talaga ang laban kapag wala ang dating Centro na si Akagi at ang pangtapat na 3 point shooter na si Mitsui.

"Ang tanga ko talaga!" Sisi parin ni Hanamichi sa sarili.

"Hanamichi, tama na 'yan. Luminya na tayo." Sabi ni Miyagi sa kanya. Sumunod na lang si Hanamichi pero ang dismaya at inis sa sarili ay hindi parin nawawala.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon