CHAPTER 55

77 7 3
                                    

SLAM DUNK: LOVE AT SECOND FIGHT
- A love story of Hanamichi Sakuragi -

CHAPTER 55

"UMALIS na tayo." Agad pumasok sa kanilang mga kotse ang mga Yakuza at pinaharurot ito paalis.

Tumakbo palapit si Hanamichi sa kanilang gawi, inabangan naman siya ni Kaiden para isumbong ang mga nangyari nang dinaanan lang siya nito.

Dumiretso si Hanamichi sa nakahandusay na si Haruko.

"H-Haruko? Haruko! Haruko anong nangyari?!"

Agad nilipat ni Hanamichi ang ulo ni Haruko sa kaniyang mga bisig at pilit itong ginigising.

Natatatanta si Hanamichi sa kalagayan ng dalaga at halos mababaliw siya nang makita niyang duguan ang ulo nito na halos kalahati sa mukha nito ang sinakop.

"H-Haruko! Gising!"

Naiwang tulala si Kaiden habang nakatingin sa kawalan.

Unang nilapitan ni Hanamichi ang walang malay na si Haruko kaysa sa kaniya na kasintahan.

Kahit ang apat na ungas ay nagulat sa nakikita sa paligid. Kanina ay may mga kalalakihang nakapalibot pero agad itong umalis at nakita na lang nila si Kaiden na tulala habang si Haruko ay duguan at walang malay sa sahig.

"S-Sakuragi—"

"ANONG NANGYARI RITO, KAIDEN?!" Pasigaw na tanong agad ni Hanamichi sa kaniya habang nakahiga sa mga bisig niya si Haruko.

Hindi makasagot si Kaiden sa lakas ng sigaw niya, halos mabingi siya.

"Tinatanong kita! Anong nangyari rito?! Anong ginawa mo kay Haruko, ha?!"

Bakas sa boses ni Hanamichi ang galit sa tono ng kaniyang katanungan. Parang maiiyak si Kaiden sa inaasta niya ngayon.

"S-Sakuragi... H-Hindi ako ang may gawa niyan—" agad napapikit si Kaiden nang muli siyang sigawan ni Hanamichi.

"Anong hindi mo kagagawan?! Kitang-kita ng dalawang mata ko kanina kung paano nagbigay galang sa'yo iyong mga grupo ng kalalakihan kanina! Mga alipores mo ba iyon para saktan si Haruko, ha?!"

"H-Hindi ko sila kilala—"

"Nagmamaang-maangan kapa kahit halata na. Bumabalik ka na naman sa dati mong ugali, Kaiden! Iyong sinungaling at mapagpanggap!"

Hindi napigilan ni Kaiden ang mapaluhod sa sahig at umiyak na lang. Sa oras na ito, nakikita niya ulit kung paano magalit si Sakuragi. Ang pinagkaibahan, ay mas malala ang galit nito ngayon.

"Hanamichi, kumalma ka lang. Hindi na'tin alam ang buong istorya." Awat sa kaniya ni Mito.

"Anong hindi na'tin alam? Malinaw iyong ibinalita sa atin kanina na sinaktan niya si Haruko!" Niyukom niya ang kaniyang kamao at marahan na nilapag si Haruko.

Napatingala si Kaiden nang huminto sa harapan niya si Hanamichi at mahigpit siya nitong hinawakan sa braso.

"Kaiden Sazuno, mahal na mahal kita alam mo iyan. Pero ang ginawa mong pananakit kay Haruko at sa malalang kalagayan niyang ito— hindi ko ito matatanggap." Mas lalo pang hinigpitan ni Hanamichi ang pagkakahawak niya sa dalaga.

Hindi na nakapagtimpi sa sobrang galit.

"A-aray, Sakuragi! N-Nasasaktan ako..." Piglas ni Kaiden sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya.

"Hanamichi, tama na!" Agad pumagitna si Mito sa kanila.

Agad niyang inilayo si Kaiden mula kay Hanamichi.

SLAM DUNK: LOVE AT FIRST FIGHT✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon