HELLO AGAIN! :D
Short continuation lang ng previous chapter!
Vote and comment, onegai? *pouts*
And yes, thank youuuuuu sa votes!
Sandra Chain...
Napatingin ako sa entrance ng MALL kung saan nakita ko ang taong mahal ko.
Si Calvin.
Hindi parin nagbabago ang itsura niya. Siya parin ang lalaking dati kong minamahal at patuloy na minamahal. Hindi ako nagsisisi sa pag kikipag hiwalay sakanya dahil kahit masakit dahil nakikita ko naman na maayos siya ngayon.
Muli akong napalingon kay Mylene Tan. Nakatingin na siya saakin at mga kasama niya. Mukhang gusto ng sumugod pero hindi nila magawa dahil napipigilan sila. Matatalim na tingin ang natatanggap ko na sinuklian ko lamang ng mapang uyam na ngiti.
Hindi nila ako makakagalaw. Dahil iyon ay isang kasunduan.
Isang kasunduang nabuo dahil sa laro ng buhay para sakanya.
Kagaya ng una naming pagkikita...
Nasaan na ba ako?! Bakit wala akong makitang ibang tao?
Patuloy sa pag takbo ang aking ginagawa kahit namamanhid na ang aking mga binti.
Sino nga bang tinatakbuhan ko?
Nakakita ako ng nag iisang sasakyan. Huminto ako sa pagtakbo.
"Help!" Sigaw ko.
Hindi ko alam kung naririnig niya ba ako o talagang nais niya lang huminto sa mismong harap ko at halos manigas ako dahil ilang espasyo nalang ay mababangga na ako nito.
Napa upo ako sa takot. Nakarinig ako ng halakhak na nakapag pakilabot saakin pero nagulat ako sa nakita ko.
Isang batang may napaka among mukha at lagpas bewang ang buhok na kulay violet. Walang buhay ang mga mata niyia habang nakatingin saakin. Hindi ko maiwasang hindi mapalunok kahit bata lamang ang aking kaharap.
"Help..." Namamag asang bigkas ko.
Umupo siya a harapan ng sasakyan niya at pinag krus ang mga binti. "What kind of help do you want?"
Nakipagtitigan ako sakanya. "I need to be out of here."
"And in exchange?" Tanong niya kaya nagulat ako. Ngumiti ito pero hindi ko gusto ang klase ng pagkakangiti niya. "I don't do favors for free."
"What do you want?" Tanong ko.
Pero hindi ko maiwasang kilabutan ng ngumiti ito at parang dumilim ang anyo. Ang mga mata nitong walang buhay ay napuno ng pananabik, sa hindi ko gustong malamang dahilan dahil ang mga susunod niyang salita ang gumimbal sa mundo ko.
