Update again for today! My mind is working smoothly! Yey!
@Ellena_Odde Hi! Gonna read RSinners! :D
——
3 days later**
Mula sa pinakamataas na palapag na hotel ay tanaw na tanaw ko ang liwanag ng mga ilaw na nagmumula sa ibaba at ang liwanag ng buwan. Habang hawak ang kopita ng alak ay napapangiti akong pagmasdan ang mga ito.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng hindi ako magpakita sakanila. Wala akong kinokontak kahit isa.
Sandra... isipin mo... isipin mong panalo kana...
Isipin mong panalo kana para sa huli ay makita kitang luhaan at humihingi ng tulong.
Napangiti ako at ininom ang alak na hawak ko.
*phone rings*
Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang cellphone kong pinipilit niyang kontakin.
Tama Adrian... ipakita mo kung gaano ako kahalaga.
Pagkatapos ng ikatlong tawag ay huminto iyon at akala ko hindi na tatawag pang muli pero nag ring ulit ang cellphone ko kaya naman napagpasyahan ko ng sagutin iyon.
"At last! You answered!"
"Miss me?" Napangiti akong muli at kumuha ng alak.
"Of course I would! And there you are, hiding from me, making me lonely."
"Do you want to come where am I?"
"Absolutely! So where in earth are you?"
"Kingston Hotel. See you... sweet."
And I turned off my phone.
Umiinom lang ako. I still don't have the guts to confess my sins. I still don't.
Naglalakad kami papunta sa gitna ng mansion kung saan kadalasan kami tinitipon ng manika naming boss. Tss. Ano nanaman bang kailangan niya ngayon?
Hanggang sa makarating kami doon at makita namin siyang prenteng nakaupo kaharap ang isang chess board.
"My, my, the number is multiplying."
Ngumiti siya saamin na ikinasimangot ko dahil hindi maganda sa paningin ko ang ngiting iyon. Making me remember the day I first saw her.
"Shall I dispose all of you?"
Katulad ng inaasahan niya at ikinakatuwa ay ang pag singhap sa takot ng nasasakupan niya. Baliw na talaga siya. Pero binigyan ko lang siya ng malamig na tingin katulad ng ginagawa niya saamin.