14. Sacrifice

722 26 6
                                    

NOTE**

PASENSIYA PO KUNG SOBRANG NATAGALAN! HEHE. NABURA LAHAT NG DRAFT KO KAYA NATAGALAN. SALAMAT SA NAGHIHINTAY! :))

HAPPY 1K+ READS! MARAMING SALAMAT PO SAINYO! :))

DEDICATED TO -HersheyMae- :))

Sweet! Ito na. ^^

Third Person**

PAGTALIKOD ni Adrian ay natigilan si Antonette at sinundan ng tingin ang papasok na si Adrian sa Mansion niya. Tinapik siya sa balikat ni Clyde. Tinignan niya ito.

"Siya ba yun?" Tanong ni Clyde kay Antonette na nakatingin sakanya.

"Oo." Sagot ni Antonette. Napabuntong hininga siya.

"Ang lalim niyan ah? Pinoproblema mo ba siya?" Tanong ni Clyde.

"Bakit ko naman siya poproblemahin?" Tanong ni Antonette.

'Hindi ko siya pinoproblema kasi inaalala ko siya. Malungkot ang itsurang tumalikod at alam kong may iniisip nanaman yun na ikalulungkot niya kaya nag aalala ako.' Isip ni Antonette.

"Talaga lang ha?" Pang aasar ni Clyde sakanya.

"Bakit nga pala kayo naparito?" Tanong niya sa dalawa. Tumingin si Van sakanya.

"Dinaanan ka lang namin kasi nalaman namin kay Lee na nandito ka pala." Paliwanag ni Van sakanya.

"Mm .. nasabi nga saakin ni Angelou. Kaya rin siya naandito dahil sa kagustuhan ni Lee dahil hindi siya pinayagan." Sabi ni Antonette. "Papasok ba kayo sa loob?" Tanong niya pa.

"Parang ayaw mo naman kaming papasukin sa Mansion mo!" Sabi ni Clyde sakanya at inakbayan siya. "Tara na sa loob." Yaya ni Clyde na nakangising naka akbay kay Antonette na nakasimangot na.

"Hindi mo naman ako kailangang akbayan Clyde." Suway niya kay Clyde at tinanggal ang pagkaka akbay nito sakanya. Pumasok na sila sa loob at sila Drake at Axel ang nadatnan nila kasama sila Sephira at si Angelou. Dumiretso sila sa kusina at pinaghanda niya ang dalawang bisita niya.

"Mm .. nag aalala siya dun sa Laphroaig!" Nakangising bulong ni Clyde kay Van.

"Halata naman sa itsura niya. Pero maayos narin pala ang dating natin. Ang mali lang naman ay tayo ang naging taga bato ng bomba. Paano kung ibang tao ang dumating? Edi patay!" Sabi ni Van. Ngumuso lang si Clyde.

"Ayos lang yan kasi nasalo mo naman! Magreklamo ka kapag ikaw na ang sinabugan!" Sabi naman ni Clyde.

"Paano ako mag rereklamo kung patay na ako!?" Singhal niya.

"Edi mag multo ka! HAHAHA!" Pang aasar niya kay Van na nagdidikit na ang dalawang kilay.

Lumapit si Antonette sakanila. Binigay ang pagkain sa dalawa. Pinanood niyang kumain ang mga ito. Napansin naman ng dalawa ang tingin ni Antonette kaya tinigil nila ang pagkain at tinignan din nila si Antonette.

"Bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ni Van.

"Anong tingin?" Nagtatakang tanong ni Antonette sakanila.

"Parang sinasabi ng tingin mo na 'Ang tagal namang kumain ng dalawang to? Hindi paba sila aalis?' Ganon e!" Reklamo ni Clyde na nagpangisi kay Antonette.

"Nakuha niyo agad?" Kunwaring manghang sabi niya at nagpoker faced din. "Dalian niyo nalang at tanungin niyo si Angelou sa kwarto. Siya na bahala sainyo dahil aakyat na ako." Sabi ni Antonette at umalis sa harapan nila na hindi na hinintay ang sagot nila kaya nagkatinginan sila.

"Napaka indenial talaga ng mga babae!" Sabi ni Clyde.

"Sinabi mo pa. Gusto na nga nila hindi pa nila alam!" Van.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon