Sabi niya mag update na daw ako. Ayan na po! Harhar. :D
@DweirdestNDcraziest Dedicated sayo. :) Yung alyansa naten? i-message mo lang ako. Susuportahan kita! Ikaw sa unahan tapos ako tutulak sayo. XD Dejoke lang po. Hahahahaha. :D
——-
"Antonette?"
"Antonette?"
"Antonette?"
"Antonette!!"
BLAG!
"What the f*ck?" Asar na tanong ko ng mahulog ako sa inuupuan ko.
Natatawang tumingin saakin si Adrian dahil sa sigaw ni Lee sa gilid ko na nag pipigil din ng tawa niya.
"Tulala ka kasi Sweet." Natatawang sabi ni Adrian kaya ngumuso lang ako.
Asar! Ang totoo niyan ay nangingitngit parin ako pag naaalala kong hinalikan siya ni Sandra! Oo yun parin ang ikina iinis ko! Paano ba naman kagabi dapat, ugh! Ayoko na talagang maalalang umiwas siya saakin kagabi!
"Anong problema mo bata?" Tanong ko kahit nakasimangot akong bumalik ng upuan.
Tumawa na po siya. "Pft."
"Itawa niyo na yan. Nakakahiya sainyong dalawa." Nakasimangot na sabi ko.
"Hahahahaha." Sabay pa talaga silang tumawa! Matinde!
"Nasan na ba yung pagkain Lee? Nagugutom na kaya ako." Reklamo ko.
Nakangisi lang si Lee tapos si Adrian biglang nagtaka yung itsura niya. "Eh? Ang sabi ni Lee ikaw na daw magluluto." Inosenteng sabi ni Adrian.
Nangunot nag noo ko. "Fine." Asar na sabi ko at dumiretso sa kusina.
Pagkatapak ko sa kusina ay may nagdoorbell at narinig ko yung sigaw ni Lee. "The food is here! Gosh! I'm starving na! Adrian you make kuha na here!" Dinig kong sigaw niya.
"She's trying to play with me." Natatawang sabi ko pero ang totoo ay asar na asar ang mukha ko.
Naglakad ako palabas ng kusina at nakita ko ang malaking ngiti ni Lee ng makita niya ako habang si Adrian naman ay naging alanganin ang ngiti niya.
"Hehe..." Ngumiti ako sakanila, pagkatapos naman non ay mabilis kong hinugot ang baril ko at kinasa iyon.
