Kitten'sNote**
Dedicated to you! Nainspire naman ako sa My Enchanted Tale! Sumagi tuloy sa isip ko kung itry kona rin ang Fantasy! Kaya lang naisip ko agad na sabaw pala ang utak ko pag dating sa pure romance! Hindi kinakaya ng katawang lupa ko! XDD
Third Person On Voice ****
Umalis ng bahay si Antonette .. dahil may malakas siyang kutob kaya kailangan niya siya. Alam niyang may inililihim ito sa kanya. Hindi siya makakapayag na hindi ito umamin sakanya. Kailangan niya ng tulong nito dahil pansamantalang lalayo siya. Oo, lalayo siya dahil may pinapaasikaso sakanya kaya nga biglang sumulpot ang batang Lee ay dahil kailangan ng pansamantalang mag babantay sa Silencers lalo na kung ang kalaban ay nasa mismong bahay na nila. Na ni hindi man lang napansin nila Calvin na napasok na pala sila. Hapon pa ang klase nila pero inagahan niyang umalis dahil alam niyang alam ng taong hinahanap niya ang pakay niya. Nag diretso siya sa bench kalapit ng school nila na pagtumingin ka sa itaas ay room nila Calvin ang tapat.. Nakarating nga siya doon at nakita niya nanaman ang babaeng may maamong mukha na nagtatago ..
"Nerd.." Tawag niya upang kuhanin ang pansin nito mula sa binabasang libro. Tinignan naman siya nito at ngumiti..
"Hi Angel!" Masayang bati nito sakanya. Gusto niyang tumawa. Paano siya nagawang lokohin nito? Ito ang unang taong kusa niyang nilapitan. Hindi siya makapaniwala.
"Nerd tama na. Nakakapagod mag panggap at mag sinungaling." Sabi niya habang nakaupo at nakatingala sa langit.. biglang naging seryoso ang anyo ng kanyang katabi.
"Bakit ikaw? Hindi ka napapagod?" Nerd.
"Nagsisimula palang ako. Ikaw, dapat patapos kana. Anong misyon mo dito?" Antonette.
"Wala akong misyon. Malaya akong namumuhay dahil iyon ang hiniling ko." Nakangiting sabi ng Nerd sakanya. Napangiti siya ng mapait.
"Napaka laking pagkakaiba natin Nerd. Buti nakalaya ka mula sakanya. Sa nag mamay ari sayo." Malungkot na wika ni Antonette .. tumango tango naman si Nerd.
"Oo nga, alam ko ang siya na tinutukoy mo ay ang pinaka mahigpit sa lahat kaya maswerte ako dahil hindi ako napunta sakanya pero maswerte ka rin dahil kina iinggitan ka ng marami."
"Kung ang ibig sabihin ng hinahangan at kina iinggitan ay gusto na akong burahin ay wag nalang. Atsaka Nerd didiretsahin na kita.."
"Ano iyon?"
"Lilipat ka kung saan ako nakatira. Kailangan ko ng tulong mo."
Nagulat si Nerd sa sinabi niya. Akala kasi nito simpleng tulong lang ang hihingi sakanya ng katabi niya. Yun pala ay hindi. Ngumiti nalang siya na ikinaluwag ng pakiramdam ni Antonette ..
"Kabayaran ko to sa pag sagip mo saakin." Nerd.
"Yes. Life for life Nerd." Antonette.
"Equivalent exchange it is.." Nerd.
Nag ngitian sila at tumayo na. Papunta sa parking lot. Huminto sila sa harapan ng sasakyan ni Antonette ..
"May sasakyan kaba?" Antonette
"Wala. Hinatid lang ako ng driver namin." Nerd.
"Sakay na." Antonette ..
******
Maagang nagising ang tao sa bahay dahil sa ingay ni Lee.
"Oh em! Where's my AD? She's not in her kwarto!" Nagpapapadyak na sabi nito.
"I'm gutom na! I want AD's luto! I won't kain your pagkain!" Naiinis na wika niya habang naka salampak sa sofa. Naiiling nalang sila. Iniisip kung nasaan si Antonette dahil ang aga nitong umalis. Hindi na nga ito natanong ni Calvin ng gusto niyang malaman.
