22. Bipolar
*alarm rings*
O fudge! Why do you have to ring?
*ignore*
*alarm continuously*
Asar na tinakpan ko ang ulo ko ng unan at dumapa habang nakabalot ng kumot ko. Inaantok pa ako! It’s a normal thing right? Being lazy in the first day? Well I mean Monday! It calls for Monday ceremony!
*door opens*
“Sweet! Gising na!” Sabi ni Adrian.
Narinig ko nalang na namatay na yung alarm clock ko dahil konti nalang ay nagbabalak na akong basagin yon anuman oras mula ngayon kaya dapat magpasalamat yung orasan sakanya! Aba!
“Let me sleep Sweet!” Protesta ko ng yugyugin niya ako.
“Get up and have some breakfast.” Sabi niya.
Asar na umupo ako. Asar din akong tumingin sakanya. “Can’t we just ditch? Cause you know Sweet? Just stay on my sight so I don’t need to attend school!” Nakasimangot na sabi ko.
Natawa naman siya. “Good morning.” Bati niya at hinalikan ang noo ko.
Friggin’ fuckin’ cheese cake!
Asar akong tumingin dahil namumula ang mukha ko. “Good morning!” Masungit na sabi ko at tumayo.
Arguing with him would be damn useless for sure.
“I’ll wait down stairs ok? I Love you.” Sabi niya at kumindat kaya binelatan ko siya bago pumasok ng kwarto.
O heavens! I feel so light today! I feel so high! Well hindi ko din alam kung bakit pero wala akong pakialam.
Tinapos ko na ang rituals ko at pagkatapos ay bumaba na. Simpleng v-neck lang ang suot ko at jeans with my sneakers. Pagka baba ko ay nakita ko siyang naghihintay nga sa may hagdan! Agad siyang napalingon ng maramdaman niya ang presensiya ko.
Ngumiti siya ng matamis kaya naman nangunot ang noo ko at napasimangot.
Ugh. Bakit pakiramdam ko kumikinang siya? Asar talaga.
Pagkababa ko ay diniretso niya ang nakakunot kong noo.
“Ano ba naman yan ang aga aga!” Sabi ni Drake.
Asar ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. “Why don’t you just eat, glutton.” Asar na sabi ko.
“Whaaa...” Gulat na reaksiyon nilang lahat.
“It seems someone is in the bad mood!” Sabi ni Axel.
