39 Antonette Demierre

359 7 4
                                    


Chapter39


Antonette*


Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang lalaking nagpakilala saakin nung nakaraan, pati narin ang mga kaibigan niya na kaibigan ko rin daw. To make it worse we're staying at their mansion! Gods, why? Wala naba kaming bahay? I mean, how the hell we ended up in here?! Nasa Philippines daw kami and not in London!

Nandito lang ako sa kwarto ko at hindi lumalabas simula pa kahapon. Ayokong makita yung Lalaki kasi hindi ako komportable kapag malapit siya saakin! Dito din daw ang kwarto ko noon pero wala akong ginalaw kahit isa. Hindi ko alam pero kasi natatakot ako na baka may malaman akong hindi ko magustuhan.

Nakadinig nanaman ako ng katok mula sa labas ng pintuan. Napabuntong hininga ako knowing na siya nanaman ang nagdala ng pagkain ko. Palagi niyang ginagawa yan tapos bigla siyang ngingiti saakin kaya hinid ko maiwasang mailang. Yung ngiti niya kasi parang sinasabing kilalang kilala niya ako. Feeling ko ang unfair ko sakanya kasi siya natatandaan ako samantalang heto ako at kinalimutan silang lahat.

"Antonette." Sambit niya pagka bukas ng pintuan. "Hindi ka parin daw lumalabas."

Napatungo ako dahil ramdam ko ang pagka dismaya niya. Bakit kasi pinipilit nila akong lumabas?! Napalabi ako at tumingin sakanya.

"Ayaw ko." Simpleng sabi ko at napakunot ang noo ko ng wala siyang dalang pagkain. "Who's going to bring my food here?" Tanong ko sakanya.

He sighed. Naiinis na ba siya? Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Nasa baba ang pagkain Antonette. Help yourself please. Hindi pwedeng magkulong ka nalang dito." Sabi niya.

"I don't want to go out!" Inis na sabi ko. "Tell mommy to bring it here if you're tired!"

Tumitig siya sa mata ko. Ang daming emosyon sa mata niya and its suffocating me! Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi kasi siya nagsasalita at kinagat niya rin ang ibabang labi niya. Galit siya malamang! Ako na nga nakikitira tapos aawayin ko pa siya. Am I being ungrateful?

"Are you mad?" Tanong ko. Although alam kong medyo may katangahan yung tanong ko ay itinanong ko parin sakanya.

Marahan siyang umiling at ngumiti. "I am not." Sagot niya.

Napasimangot ako. "Why are you like this? You should be mad."

He chuckled lightly. "There's no reason for me to be mad at you." Nakangiting sabi niya. "But maybe I will if you won't get out of this room and breathe some air outside."

Napalabi ako.

"Do you want me to get mad?" Tanong niya pa.

Do I want him to get mad?

Umiling ako. "I don't."

Tumayo na siya. "Then come with me." Sabi niya.

Napalabi ako. "But they keep on staring at me." Nakalabi kong sabi.

"Because until now we can't imagine you're awake." Sabi niya ng nakangiti saakin.

Nung kinuwento nila saakin na naabutan lang nila ako sa Hospital sa operating room ay hindi ko alam kung dapat bang maniwala ako. Wala din daw silang ideya kung paano ako napunta dun kaya naman hindi nila masagot ang tanong ko na bakit ako naandon. May tumawag lang daw sakanya at sinabing naroroon ako kaya nila nalamang naaksidente ako.

Unlike sa sinabi nila mommy na car accident ay hindi daw talaga ganun ang nangyari. They said it just to know what will be my reaction. The truth is that nakipagkarera daw ako. I'm not fond of driving kaya naman paano?

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon