23. Tale of the Chain

275 11 3
                                    

So here it is! So sorry for the long long wait! Got problems in mind and with the charger of lappy just recently! Hope this will aid to those who waits, really. For the new readers, thank you.

Thank you for the appreciation to my work. :D

"Good morning." Walang ganang bati ko pagkababa ng hagdan. Agad akong dumiretso sa kusina ng walang pinapansin. Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng makita nila ang ako na may sayad. Letse. Nakakasama ng loob talaga.

"Good morning Sweet." Napalingon ako ng sumunod si Adrian at ang iba. Tinignan ko lang siya kaya naman ngumuso lang siya bilang ganti.

Kumuha ako ng toasted bread sa lamesa at pinalamanan ito ng keso. Kakagat na sana ako ng hawakan ni Adrian ang kamay ko kaya naman nagtaka ako. "Bakit?" Takhang tanong ko.

"Umupo ka kung kakain ka." Sabi niya.

"Ah. Ge." Sabi ko.

Pinaghila niya ako ng upuan kaya naman umupo na ako. Nakasimangot ako dahil pinagmamasdan nila ako. Ano nanaman bang ginawa ko ngayon at bakit ganyan sila kung makatingin saakin?

"Anong problema niyo?" Tanong ko.

Iniwasan ako ng tingin ng mga lalaki samantalang si Ayumi ay inirapan ako at si Hina naman ay sinamaan ako ng tingin. Isang sandali ay nginisihan ko silang dalawa. Bakit hindi ko napapansin ang dalawang to noon? Ang paplastik ng mga letche. Kairita.

"Oo nga pala A! gusto mong magshopping?" Tanong ni Ayumi.

Pwede bang dukutin ang mga mata nila?

Napatingin saakin si Adrian. Syempre, iniintay niya ang isasagot ko sa nakangiting kaibigan niya. Tumaas ang kilay ko. "Why not?" Nakangising tanong ko.

"Really?" Tanong ni Hina.

Si Adrian naman ay hinawakan ang kamay ko. Nakangiti siya pero kahit ayokong tanggalin ang ngiting iyon ay hindi ko ata magagawa. "Good for you then." Nakangiting sabi niya.

"Sasama kami." Sabi ni Akira.

"Ako rin." Si Blake. "Gusto ko bumili ng cake." Dagdag niya.

"Ikaw Sweet anong bibilhin mo?" Tanong ni Adrian.

Ngumisi ako sakanya sabay tingin sa mata niya. "I'm planning to buy a gun and try it afterwards since I found a nice target... shooting." Mabagal ang pagkakasabi ko sa dulo at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Adrian.

"Maliligo." Bored na sagot ko pero agad din naging pilya ang ngiti ko. "Sasama ka?"

Ngumisi lang si Adrian kaya binelatan ko siya at umakyat na pataas ng kwarto ko. Napatingin ako sa bintana ng hindi sinasadya. Namutla at nagbutil ang pawis sa noo ko.

Kadena...

Kadena ang nakita kong nakalagay sa bukas kong kurtina na dapat ay sarado lang. lumapit ako doon at hinawakan ang kadenang iyon. Malamig ito at may dugo ang dulo.

"Sandra... chain..." Banggit ko sa pangalan niya at itinapon pababa ang kadena.

"Let me see... Let me see how big your grudge on me." Natutuwang sambit ko.

Third person POV

Pagkaalis ni Antonette ng kusina upang maligo ay nagkatinginan silang lahat. May iba silang nararamdaman para sa araw na ito.

"Weird. Ako lang ba... o pati kayo?" Tanong ni Adrian sa kanilang lahat.

"Hindi ko na nga siya maintindihan e." Sabi ni Axel.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon