Note! BASAHIN!
Dahil gusto niyong iupdate ko to. Ito na! But one part only! Ibig sabihin may part two and so on! I did my best para makagawa na ako just to satisfy all of you. :)) Thank you for waiting! Here it is! @_carlaelgin_ the next will be yours okay? :)
Dedicated to 123la54s :)
Calvin's POV
*RINNNGGG!*
*BLAAAGGGG!*
Naibato ko ang alarm clock ko. Inis na tumayo ako. May pasok pa ako ngayon kaya kailangan kong gumising ng maaga.
Agad akong nagpunta ng banyo at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.
Shit! Naiiyak nanaman ako. Napaka bakla kong tao.
"Nasaan kana ba? Sabi mo babalikan mo ako .. kalahating taon na .. nasan kana .. " Napufrustrate na sabi ko.
Kalahating taon na simula ng iwan niya ako at sumabak sa laban na yon. Nung una at dalawang bwan ay halos mabaliw ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napaka hirap maghintay lalo na at hindi ko alam kung may hinihintay nga ba ako.
Palagi kong iniisip na balang araw babalikan niya rin ako. Yun nalang ang nagiging sandigan ko sa pagbangon sa bawat umaga na dumarating at wala siya sa tabi ko.
May nag pull out na sakanila sa School kaya wala akong makuhang balita mula sakanila. Hininto na ni Lolo ang Mafia niya. Payapang namumuhay nalang na walang gulo.
Pero dahil Gangster ako ..
"Bro may laban tayo." Sabi ni Drake ng pumasok sa kwarto ko.
Hindi na maalis sa buhay ko ang gulo. Nasa dugo na namin ito kaya alam kong mahirap iwasan at pigilan. Dahil kapag pinigilan ko ay batid kong lalo itong kakawala saakin.
Pakiramdam ko ay bagong tao ako dahil isang araw nagising ako sa katotohanan na malabong mangyaring balikan niya ako pero umaasa ako. Hindi ako nakikipag date sa iba dahil ayokong mabalita at may malink sa pangalan ko.
"Sa GD ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo. Intayin ka namin sa baba." Sabi niya.
Nag ayos lang ako at bumaba narin. Sumalubong saakin sila Drake, Blake, Akira at Axel.
Tinanggal ko ang dalawang babae saamin dahil gusto ko silang ilayo sa gulong kinasasangkutan namin.
Nag punta kami ng Gangster Den o mas kilalang GD kung saan nagaganap ang mga madudugong laban.
Hinawakan ko ang kwintas ko. Yung binigay saakin ni Antonette .. ito ang lakas ko. Ito ang alala alang may minsan isang Antonette Demierre akong inibig at nakilala.
"Tara." Yaya ko sa kanila.
Si Axel ay naging wasted tulad ko. Hindi na siya nakikipag usap at parang wala siyang kilala kung tumingin sa mata ng isang tao. Naging blangko ang itsura niya upang mag mukha siyang malakas kahit sa loob niya ay durog na durog din siya tulad ko.
Tulad ko .. nahihirapan din siyang iadjust ang sarili niya sa mga bagay na minsan ay nag hatid ng saya saamin.
Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga.
Kanya kanya kami ng kotseng minamaneho at nakasunod lang silang apat saakin.
Hanggang sa nakarating na kami sa Gangster Den.
Agad kaming sinalubong ng naglalaking bouncer na akala mo naman ay may binatbat sa bala ng baril kapag sunod sunod na pinatamaan sila.
Nakarinig ako ng ingay ngunit hindi ko pinagtutuunan ng pansin iyon.
