16.2 Waiting ..

468 19 2
                                    

Dedicated sayo Sweet. :))

*****

Axel's POV ***

"Dude, maging liver lover ka nalang!" Sabi ni Calvin. Gusto ko tuloy matawa! Hahaha! Yan na. XD

"Bro, isang bote lang! Hindi naman gallon ang iinumin ko!" Segunda ko. Ngumuso siya at tumabi kay Drake na nagbabasa at naghahanap ng bagong maluluto.

"Drake, gusto ko ng cake!" Kulit ni Calvin sakanya.

Natatawa nalang kami dahil nagbalik na siya. Old self again! Pero malala nga lang ngayon. Kahit ganyan ang ipinapakita niya. We know he's hiding it again. Hiding the pain. Ayaw niyang mag alala kami.

"Aish! Move! I'm busy!" Iritang sabi ni Drake. Ganyan naman yan kapag may hawak na recipe book! Nang aaway! Hahahaha!!

"Mapang api! Gusto ko lang ng Cake!" Nakangusong sabi ni Calvin. Shet! Nakakatawa ang itsura nila. Hahahaha. Parang nanliligaw na hindi maintindihan yung itsura ni Calvs! Hahahaha!

"Tss. Marunong ka namang gumawa!" Singhal ni Drake.

"Pero tinatamad ako. Gusto ko ng cake!" Pangungulit ni Calvin kaya nag give up narin si Drake at naglakad papuntang Villa at binuntutan siya ni Calvin na nakanguso.

Napapailing nalang ako. Hanggang kailan? Gusto kong magtanong kung hanggang kailan ba o kaya naman gaano katagal? Gaano niya ipapakitang malakas siya? Wala naman saamin kung hanggang ngayon ay hindi pa siya okay e. Kasi naiintindihan namin yung hirap ng pinagdaraanan niya. Kung paano siya nito dinudurog ng paunti unti. Kung paano siya nilalamon ng kalungkutan niya.

Minsan naisip ko .. bat ba ang tagal magising nun? Hindi niya ba alam na hirap na hirap na si Calvin? Pero naisip ko rin. Kung nahihirapan si Calvin, nahihirapan din naman siya. Pareha nilang mahal ang isat isa at maraming tao ang handang hadlangan sila. Si Antonette ay gumawa ng paraan upang makasama si Calvin pero parang mas pinadali nito ang pagkakahiwalay nila.

Napaka hirap ng sitwasyon nila. Nakakabobo .. nakakatanga .. isang pagpipilian lamang ang meron .. ang mag hintay.

Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano niya nalalagpasan ang lahat ng to. Kung ako? Nabaliw na ako. Pero siya hindi. Nagpapaka tatag siya.

"Kamusta si Sephira?" Napalingon ako sa biglang nagtanong.

Si Akira pala.

"Nasa Japan si Sephira ngayon. Kailangan niyang makabawi. Ayoko man siyang payagang umalis ay hindi ko magawang tumutol dahil kailangan niyang hanapin ang sarili niya." Sabi ko.

"Pwede naman niyang hanapin ang sarili niya kahit magkasama kayo."

Napabuntong hininga ako. Kung ganoon nga sana ay matutuwa ako.

"Na trauma siya. Hindi siya gagaling dito. May sarili siyang rason kaya nauunawan ko ang bagay na yon." Sabi ko.

Nung nakaraan lang ay napag pasyahan ni Sephira na lumayo muna at mag isip. Kahit talagang nalulungkot ako ay kailangan ko siyang intindihin. Ilang bwan siyang nawala at umalis nanaman. Iniintindi ko yon. Kung si Calvin ay kinakaya niya ay kakayanin ko rin ang mag hintay.

Basta mahal ko worth it ang paghihintay ko.

"Axel! Akira! Luto na yung Cake! Kain na sabi ni Calvs!" Tawag saamin ni Blake na sumunod pala sa loob kayla Drake. Paniguradong nangulit lang din to e.

Agad kaming pumasok sa loob at puro kalat ang dinatnan namin at nakabusangot na Drake ang nabungaran naming naglilinis! Pinaglaruan nanaman ang ingredients niya Hahaha!

"Lumayas kayo sa Kusina ko!" Sighan ni Drake kaya nakangusong lumabas ai Calvin bitbit ang malaking Cake at ganun din Blake na may sarili ring bitbit na Cake! Gusto atang msgkasakit ng dalawang to!

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon