Kitten's Note**
Dedicated to Ate Antonette! Finally! eto na! Imissyou ate! sana magustuhan mo! :*
Antonette's POV
Nagulat ako ng may tumapik saakin. Naging alerto ako kaya bigla akong nagmulat. Napasigaw ako pero tinakpan niya ang bibig ko. Sobrang lapit naman niya ata? Atsaka siya yung katabi ko diba? Tinititigan niya ba ako? Parang ayoko naman masyadong mag isip. Mukha namang nainis siya dahil sa inasal ko. Wala naman akong ginawa hindi ba? Natural na sisigaw ako dahil nagulat ako.
"Bibitawan kita pero huwag kang magkakamaling sumigaw. Naiintindihan mo ba?" Marahan akong tumango. Napatingin ako sa paligid dahil wala ng masyadong tao. Nagsibabaan naba sila? Hindi manlang naramdaman. Tinignan ako ng Stewardess dahil sa lalaking katabi ko. Hindi ko napagmasdan ang itsura niya pero alam kong gwapo siya. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo siya at umalis. Wala narin naman akong gagawin kaya naman napagpasyahan ko nalang na bumaba na. Alangan naman na mag stay pa ako? Umalis na agad ako sa Airport dahil wala namang naghihintay saakin. Hindi naman ako narito dahil gusto kong magkaroon ng kaibigan. Hindi sila bagay sa komplikadong mundo ko. Kaya naisipan ko ring humiwalay kayla Mom dahil may urge na nagtutulak saakin na magbalik dito sa pilipinas. Hindi lang naman iyon.. nabigyan din ako ng assignment kaya naman nandito ako sa pilipinas. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa nangyari saakin o hindi. Pero ng dahil doon ay nagbago ako. Kaya lang kaylangan ko lang lumayo para protektahan ang pamilya ko. Kahit kanino hindi ako pwedeng magtiwala. Dahil sa isang pikit pwede ka nilang patayin. Dumiretso ako sa Mansion. Walang nakaka alam ng pagbabalik ko kaya naman pagka baba ko ng taxi ay nataranta sila. Pumila sila sa harapan ko at may malalawak na ngiting nakapaskil sa kanilang bibig. Dalawang taon din pala akong nawala. Parang saglit lang pala. Hindi ko man lang napansin. Marahil ay dahil sa pagiging busy ko. Nag hohome study ako ng dalawang taon pero sa ngayon ay hindi na dahil kailangan ko na raw makisalamuha sa ibang tao.
Wala namang masyadong nakakakilala sa akin. Bukod nalang sa dating ako na war freak bitch. Natatawa nalang ako. Napaka immature ko noon. Hindi ko manlang ginagamit ang utak ko kahit kakaunti. Ganun naman talaga ang nagagawa ng inggit. Nilamon din ako ng konsensiya. Pero nagka patawaran naman na. Ano kayang reaksiyon nila kapg nagkita kita kami? Parang nasasabik akong makita sila. Huwag lang siya. Sabihin na natin na natatakot ako sakanya. Kaya nga wala akong magawa. Isang araw nagulat nalang ako ng dalahin ako sakanya at sinabing hindi na ako maaaring lumabas. Nagulat ako ng makilala ko siya. Sasabihin ko sana ang pangalan niya noon kaya lang naglabas siya ng baril at itinutok saakin. Maswerte ako dahil ako ang napili niyang maging puppet. Maswerte pa ako sa lagay na ito dahil kung hindi baka patay na ako.
"Maligayng pagbabalik Mam Antonette .." Hindi nila alam kung magiging pormal sila. Naka poker faced lang ako. Pagod ako kaya naman tinanguan ko nalang sila. Wala akong gana magsalita. Maguumpisa narin ang klase ko sa susunod na araw kaya kailangan kong mamili ng gamit.
Nagtungo na ako sa kwarto ko at nahiga. Tinawagan ko ang numero ng abogado ko at ipinaayus ang lahat ng kakailanganin ko para sa bagong paaralan na papasukan ko. Tinignan ko ng maigi ang kwarto ko.. walang pagbabago. Gusto ko sanang gumala kaya lang naalala kong wala nga pala akong kaibigan. Hindi naman ipinagbabawal iyon basta kaya ko silang protektahan. Hindi naman ako gangster.. napagkakamalan lang ako dahil madalas ako sa lugar na iyon. Doon ako nag lilibang. Hindi naman ako nakikipag away dahil nanonood lang ako.
I'm not made to fight, I'm made to kill.
Kagaya ng sinabi ko isa akong puppet. Hindi ako matatalo ng gangsters kahit anong gawin nila. Dahil hindi normal na training ang ipinagawa saakin. Nakakatakot iyon na halos ikamatay ko. Muntik na ako noon kung hindi lang talaga siya naawa saakin. Buti nga nagawan ng sensiya ng paraan ang scars ko. Ikaw ba naman latiguhin? Torture. Yun lang ang masasabi ko. Ayoko ng bumalik doon kaya naman pumayag akong bumalik ng pilipinas. Takutin man ako o hindi susudin parin ako dahil hawak nila ako sa leeg. Malaki ang pakinabang nila saakin. Sa ngayon ako at ang batang Lee ang paburito niya. Nag tataka nga ako kung paano sila nagkakilala. Hindi ko alam kung maaawa ako o hindi dahil kapag may pinapatay siya.. may pagnanasa sakanyang mata. Pagnanasang pumatay kaya naman hinayaan ko nalang. Wala naman akong magawa. Napaka bata niya pa .. napaka palabiro ng tadhana. Simula ng tumapak kami roon ay hindi na namin hawak ang buhay namin. Even our soul. Para kaming nakipagtrade kay kamatayan. Dahil sa isang kumpas ng kamay pwede kanang mamatay. Ganun siya kabagsik. Wala siyang awa. Ang pinuno ay hindi pa nila nakikita pero ako. Kilala ko siya. Hindi niya ako binantaan noon dahil naglabas siya ng baril at itinutok saakin sabay sabing..