Kitten'sNote!
Para kay Idol! :> nyehehe.
*****
Antonette's POV
Hinahanap sila ng mata ko. Andaming nakatingin saakin. Marami nga palang nakakakilala saakin sa ganito. Hindi naman kasi ako nag mamask. Simula ng mapasok ako dito hindi na pribado ang buhay ko kaya sige! Go with the flow nalang ang drama ko .. hayaan na. Hindi ko sila makita siguro nandon sila malapit sa ring. Napangisi naman ako. Nandito yung mga kalaro ko sa London at Canada! Bat hindi ko alam na naandito pala sila? Kaya pala sila biglang nawala! Nagtatago pala sila. Alam kong napansin nila ako kaya sumenyas ako na sundan niya ako. Mahirap ng malaman nila Calvin kung ano ako.
"Act as if you don't know me." Simpleng sabi ko bago bumalik sa loob at hanapin ang dapat hanapin. Hanggang ngayon naglalaro parin sa isip nila kung saang grupo ako nabibilang. Minsan nga gusto kong sabihin na..
Sa grupo ni Kamatayan!
Totoo naman hindi ba? Takot kasi sakanya lahat. Kaloka diba? Nakita ko naman sila Ayumi at kinawayan ako. Walo nga pala sila. Anim na lalaki at dalawang babae. Lumapit naman ako sakanila. Tinignan ako ng malamig ni Calvin. Kinilabutan ako dun.
"Why are you here?" Gusto kong mapayuko. Nahiya naman daw ako. Pero taas noong sumagot ako sakanya. Dapat pala hindi nalang ako nag pakita.
"Nanonood?" Inosenteng tanong ko. Tapos nag puppy look ako. Nag iwas siya ng tingin. Hmp. Napa aww ako ng kurutin nila Ayumi ang pisngi ko. Kainis.
"Umuwi kana nga!" Sabi nanaman niya.
"Ayoko!" Nagpout lang ako at umupo. Manunuod ako. Hindi pwedeng may lalaban sakanilang hindi ganito ang laban. Kung nandito sila hindi na patas ang laban.
"Aish! Wag kang lalayo!" Sabi nito at hinigit ako papatabi sakanya. Namumula ako. Napayuko ako. Babae parin ako kaya natural lang maramdaman ko to. Kahit ipinagbabawal. Bawal sagabal e.
"Uyyyy! Ang bilis mo talaga!" Drake
"Sabi kona e! May gusto ka sakanya!" Blake
"Kinikilig ako! Hihihi." Chorus na sabi ng dalawang babae. Namula lang ako.
Seryoso lang si Calvin kaya naman nanood nalang ako. Hayy. Hindi naman ako natutuwa sa napapanood ko. Bored ang itsura ko kahit sinong makakakita saakin ngayon. Sanay na ako diyan e! Wala nabang bago? Pero joke lang. Wag muna.
"Umuwi ka nalang." Tumaas ang balahibo ko ng bulungan niya ako sa tenga.
"Lumayo ka nga! Ayaw ko.. nanonood ako e." Dahilan ko at pilit siyang inilalayo.
Natapos na ang laban at tinawag ang Silencers. Sino ba iyon? Ang alam ko lang sikat sila. Sino ba iyon? Hindi naman kasi dumadayo yon sa ibang lugar. Ang alam ko kasi sila yung dinadayo. Oh diba? Abg gara nila. Kaya hindi na ako magtataka kung isang araw nautusan akong sila naman ang bantayan ko. *poker face*
Nagulat ako ng tumayo sila Axel.. pati tong katabi ko. Nagtatanong ang mata kong tumingin sakanila.
"Pasaan kayo?" Inosenteng tanong ko.
"Sa gitna Destiny." Huh? Minsan talaga masama ang pagiging slow. Kairita.
"Huh?"
"Slow poke. Sa ring. Lalaban!" Iritang sagot ni Sungit. Ambadbad niya talaga! Binelatan ko lang siya. Kainis kasi. Inirapan niya ako. Bakla ba siya?
"Intayin mo kami ha?" Hina
Nag nod naman ako at pinanuod sila.
Una ay si Ayumi ang tinignan ko. Mabilis at malinis ang kilos niya. Nang akmang tatamaan siya ng suntok sa sikmura ay nag tumbling siya. Nakakahanga. Hindi mo maiisip na ganito siya.
