Kitten'sNote **
Dedicated to you. :>
Nabasa kona ang halos lahat ng stories mo and it became my inspiration lalo na sa drama! haha! Pwede bang akin nalang si Baby A? Hihi. Jk lang. :> LoveLots! ^___^
*****
Hindi ko alam na darating na pala agad ang pagkakataon na makikipaglaro ulit ako. Hindi narin naman ako pwedeng manahimik kaya naman kikilos nalang ako dahil sooner or later malalaman din naman nila kung ano ako e. Ayoko naman sanang makialam kaya lang babae ako .. kung saakin ginawa ang ganyan baka hindi ko kayanin.
Hahakbang na ako ng pigilan ako.. niya..
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"You owe me." Naguguluhan ako sa sinabi niya. Nalaman ko nalang ng maglakad siya mag isa .. papunta kay nerd.
"Tigilan niyo na yan." Mariing wika ni Calvin. Napatigil ang kabila. Ngumisi sila. Nakita ako ni nerd at umiiling siya. Gusto niya akong paalisin. Nginitian ko lang siya.
"Wow. Nandito ang Silencers! Naghahamon ba kayo ha?" Nangiinis na wika ng kalbo. Tatlo silang pangit. Kakapal ng mukha manghalay e.
"Bitiwan niyo siya." Parang hero ang peg ni Calvin. *smiles*
"Bakit? Makikihati kaba?" Nanguuyam na wika nung katabi ng kalbo. Napa straight face ako.
"Makinis pa naman to Cal! Inuumpisahan palang namin!" Nangiinis na wika nung pangatlo.
Nakakainis. Hahakbang na ako ng pigilan ako ni Francis.. siya yung hindi ko kilala nung sa Arena.
"You can't do anything." Simpleng sabi nito na ikinainis ko! Kaya ko naman yan e! Nakakainis!
"I can do anything!" Galit na sabi ko.
Napatingin ako kay Calvin. Tapos na agad? Nalingat lang ako ah!
"Kita muna?" Nakakalokong sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nilapitan si Nerd.
"Nerd!" Lumapit ako sakanya. Hinubad ko yung jacket ko. Kasama to sa uniform e.
"What the? Ano yan!?" Axel. Nagulat ako sa tinitingnan nila. What the hell? Bakit naging careless ata ako? Patay na talaga.
Sa katawan ko ay may nakapaikot na maliliit na punyal kaya kita agad ng tanggalin ko yung jacket ko. Bobo talaga. Hindi ko sila pinansin at hinubad nalang yung lalagyan ng punyal ko. Baka maraming makakita e. Mahirap na!
"Nerd makakatayo ka?" Nag aalalang tanong ko sakanya. Tinanguan naman niya ako kaya inakay kona siya.
"Ako na." Calvin
Hindi kona tinutulan. Nagmama gandang loob siya hindi ba? Kaya hayaan na natin. Mehehe. Puno ng koryosidad at pagtatanong ang mababasa mo sakanila. Gusto kong matawa. Kutsilyo palang ang nakikita nila hindi ba? Paano pa ang Seal ko?
Dumiretso kami sa tambayan nila dahil parang mini house daw iyon. Sa likod lang naman ng school yun kaya ok lang.
Ibinaba niya si Nerd sa kwarto. Guest room siguro.
"Nerd pahinga ka muna ha?" Naka ngiting tanong ko kaya naman tumango din siya ng nakangiti. Ang cute cute niya. Gusto ko siya maging kapatid. :>
Lumabas muna ako ng kwarto. Inaantok ako. *yawn.* Minsan talaga hindi maiiwasang hindi pumalpak e. Kaya naman eto.. para nila akong pipigain .. anong idadahilan ko? Isa lang talaga ang naiisip ko. Ayoko naman talaga kaya lang yun nalang talaga e.
"Ngayon sabihin mo. Spy kaba?" Seryosong tanong ni Calvin. Natawa naman ako kahit seryoso sila.
"Seriously? Wala nabang mas matino diyan?" Ganda ganda ng tittle ko papapangitin nila? Guardian devil nga lang ang peg ko! Whaha.
