Kitten'sNote**
Dedicated to the awesome author of MRB Pati Book two! ^___^ Nag enjoy ako sa pagbabasa ko! :))
Calvin's POV ***
Sumasakit na talaga ang ulo ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Dagdag mo pa ang pagkikita namin ni Christian at Mam Aira .. nadagdagan nanaman ang iisipin ko. Dapat kasi hindi na binabanggit iyon. Nakakairita. Hindi ba nila alam iyon? Nandito nga pala ako ngayon sa music room.. hindi ko alam pero parang tinatawag ako ng musikang minsan ko ng pinagsilbihan. Piano ang hilig ko.. noon.. hindi ko alam kung makakatugtog pa ako pagkatapos ng mga nangyare. Sabi ko na nga ba.. alaala nalang talaga ang hindi nagbabago sa hindi permanenteng mundo na ito. Nakaharap lang ako sa piano. Nagdadalawang isip kasi ako. May nanonood kasi saakin kaya ayoko. Gusto ko ako lang. Ayokong maexpose ang talento ko at pagkaguluhan nanaman tulad noon na kabi kabila ang nagpapapirma na daig pa ang artista. =_= Nakakairita sila ng hindi nila alam. Umupo ako at masinsing hinaplos ang piano.
"Bakit hindi ka tumugtog?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Sephira pala. Nalimutan kong siya daw ang magbabantay saakin pansamantala dahil may ginagawa si Cess ngayon.
Ibinalik ko ang tingin ko sa piano at mapait na ngumiti.
"Hindi ko kaya.." Sinserong sabi ko. Totoo naman iyon dahil pakiramdam ko nanginginig ang daliri ko once na ilapat ko ito dito.
"Kilala kita noon pa Calvin.. dito na ako nag aral noon at nakakarinig ako ng balita tungkol sayo.. dahil ba sakanya?" Diretsong sabi niya habang nakaupo sa sofa.
Ang Music room na ito ay pinasadya ko noon para saamin kaya kaming magkakaibigan lang nakakapasok dito. Puno ito ng alaala.
"Hindi ko alam.." Paano ko ba sasabihin ang dahilan kung ako mismo ay walang alam sa nangyayari saakin?
"Palayain mo ang sarili mo.." Sabi nito at ibinalik ang tingin sa libro.
Palayain? Nakakulong ba ako? Nakakatawa talaga.
Ilang sandali ko pang tinitigan ang piano bago ko siya hinarap .. saktong kaka angat lamang niya ng kanyang paningin ..
"Kapag natapos ang pagbabantay mo.. saan ka?" Puno ng kuryosidad na tanong ko. Ngumiti siya ng malungkot..
"Kapag ng yari iyon wala na ako mali.. bago pa mangyari iyon.." Sabi nito.. naguluhan ako sa kanyang sagot..
"Anong ibig mong sabihin?" Gusto ko ng malinawan..
"Kumikilos na ang kalaban Calvin.. kaya wala si Cess ngayon ay nakikipag laban lamang siya.. na alala mo ba ang usapan nika Yja ng nakaraang araw?" Natauhan ako sa sinabi niya..
"Yung ikalawang araw.. huwag mong sabihing?" Kinakabahan kong tanong sakanya.
"Oo Calvin.. ngayong araw na to.. nag simula na ang pagbagsak ng mg Dragon.. nalalapit na ang pagsugod ng mga nakabangga mo.."
"Anong Dragon?"
"Mafia ng mga Dragon.. sila ang pumapangalawa sa buong Mafia na pinaka malakas. Marami na silang napatay."
"Paano si Antonette?"
"Yan din ang tinanong ko kay Cess ng panahong dumating ako sa mansion.. alam mo ba ang sinabi niya kung bakit naandon si AD? Makikipag patayan siya kay Kamatayan."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hanggang kailan nga ba ako hindi maniniwala? Ang katotohanan na mismo ang lumalapit saakin.
"Uubusin niya ang buong Angkan ng mga Dragon sa loob ng Mansion. Maswerte ang wala sa Mansion sa ngayon.." Naguluhan ako sa dulong sinabi niya..
