Kitten'sNote**
Dedicated to you.. as a promised.. your name is already written .. :) Godbless! ^____^
Adrian Calvin POV ****
"Tol.. talagang Starbucks ang trip mo?" Nang iinis na wika ni Drake. Siya ang kasama ko ngayon at si Cess na nag aalburuto dahil gusto daw kumain sa Starbucks. Ang aga pa kaya. Dito na kami nag almusal na tatlo. Pare pareha lang kami ng kinakain.
"Drake wag ka nga! Your eating din naman e! Just enjoy your Ham & NY Cheddar Sandwich and your Caffè Latte wile me and my beloved Caffè Americano.." Maarteng sabi niya kay Drake. Oo tama kayo. Purong kape ang kanya. Sing tigas ng utak niya ang purong kape.
"Tss.. palibre ka lang naman." Mahinang sabi ni Drake.
Paano ko ba nakasama tong dalawang to? Hay.. gusto ko ngang mapag isa dahil didiretso ako kay Lolo e. Itatanong ko na kasi sakanya. Isang linggo na ang nakalipas. Si Cess ngayon ang bumubuntot saakin at si RP naman ang sa bahay. May inaasikaso daw. Palala ng palala ang ugali ng mga kasama ko. *face palm*
Mas pinili ko narin ang lumabas kaysa nasa bahay lang. Nakakaburo pala. Sila lamg lagi ang nakikita ko. Nahihirapan din ako kapag si Cess ang naka sunod saakin dahil hanggang maaari pinipigilan niya ako masagot ang mga katanungan sa isip ko. Ano bang problema niya? Para namam may mawawala sakanya.
"Don't make sita me! You also palibre to Calvy.." Cess.
Ang sakit sa tenga sa totoo lang. Paano siya natitiis ni Antonette? Pinagsamang English at Tagalog ang Language niya. Nakakairita sa pandinig .. buti nga at natitiis siya ni Drake at nakakapag usap sila. Dahil yung dalawang babae ay wala na sa bahay. Hindi ko alam pero biglaan ang pag tawag sakanila ng magulang nila. Pinabalik sila sa ibang bansa.
Ganun din ang mga ugok. Matitigas lang ang ulo nila. Pero yung mga babae kasi tinakot kaya ayan. Umalis. Mas ok na iyon kesa naandito sila. Bawas problema kapag dehado na. Hindi muna kami natanggap ng Gang fight sa ngayon.. mahirap lumaban sa dilim at tanging isang apoy lang ang iyong dala dala.
Nakampante nalang ako ng sinabi ni Cess na uuwi na si Antonette .. 1 week from now. Bakit nga ba ang tagal niya?
"Dalian niyo diyan. Papasok tayo." Sabi ko sakanila pagkatapos kong kumain. Hindi pa sila tapos dahil naghaharutan pa silang dalawa.
Kahit itanggi ni Drake ang nararamdaman niya. Alam kong nahihila siya ng paunti unti patungo kay Cess. Samantalang si Cess ay.. hinohold ang nararamdaman. Pwede pala ang ganun? Friendzone sila. Biglang nagbago si Cess kamakailan lang. Palagi siyanh nasa classroom at nakiki seat in dahil First year lang naman siya. Pero hindi siya nag aaral sa Laphroaig College. Ayaw niyang sabihin e. Iniisip ko tuloy minsan kung hinahanap ba siya sakanila.
"I'm done! Thanks for the libre!" Cess.
Sabay sabay kaming tumayo. Ngulat ako sa nakita ko. Kailan pa nakabalik ang dalawang to? Lumapit ako.
"Pinsaaaaan!~~" Masayang bati niya.
"Yoh Christian! Hi Mam Ara!" Bati ko. Dating Prof ng University si Mam Ara Chen. Kaya lang dahil sa gwapo kong pinsan na mana saakin ay nag quit sa Profession.
"Hi Calvin!" Nakangiting bati ni Mam Ara.
Nakapout lang ang pinsan ko. Nag papacute nanaman kay Mam. Hobby niya na yan para daw kanya lang si Mam. Akalain mo yun? Talagang tinamaan sila. Almost two yeara narin pala. Two years.. parang kahapon lang.
"Aray ko naman!" Binatukan ko siya. Kaartehan ng taong to.
"Tigilan mo yan. Mukha kang bakla. Move on Chris.. dika lalayasan ni Mam." Sabi ko.
