A/N: MARAMING SALAMAT SA NAGHIHINTAY! HERE'S THE UPDATE! :)) DEDICATED TO YOU :*
THIRD PERSON**
NAKATAYO silang tatlo sa magkakaibang lugar ng Mansion at iniintay ang mga pasugod na sakanila. Tumayo na si Angelou mula sa kinauupuan niya. Si Antonette naman ay kinasa na ang mga Baril niya. Si Sephira naman ay inayos ang hawak sa dalawang Katana. Nakangisi silang tatlo. Ngising hinding hindi mo magugustuhang makita pa. Ngising alam mong wala na silang sasantuhin at kikilalanin.
"Damn it!" Sigaw ni Sephira ng patamaan siya ng mga palaso.
Agad siyang nagtatakbo upang iwasan ang lahat ng iyon. Isinabit niya ang isang Katana sa likuran niya at kumuha ng explosive bombs sa bulsa. Ang karaniwang ginagamit ng isang Ninja. Itinapon niya iyon at nakarinig siya ng mga ungol dahil sa sakit at lakas ng nagawa niya.
Napangisi siya ng lumabas na ang kalaban niya. Hinawakan niya na ang Katana na dalawa at patakbong sinalubong ang mga susugod sakanya. Lahat ng madadaanan niya ay nahahati sa kahit anong parte. Napaka tulis ng kanyang Katana na kahit anong bagay ay pwede mo nang putulin. Brutal na pagpatay ang nagaganap. Naka spread sa mag kabilaan ang kanyang Katana upang derederetso ang takbo niya.
May isang lumabas na may Katana rin at nagsimula na silang maglaban. Iwinasiwas niya ang Katana upang patamaan ito. Ngunit nasalag nito iyon ngunit napa atras dahil sa lakas ng impact ng pagkakahampas niya at yun ang kinuha niyang pagkakataon upang mahati ang katawan nito.
"Come on! You just can't kill me." Nakangising sabi niya at sumugod muli.
Mabilis at pulido ang kanyang pagkakagalaw na animo isang hangin na may patalim ang dumadaan. Wala kang ibang maririnig kung hindi ingay. Ingay ng mga taong namamatay na.
Habang si Angelou naman ay parang naglalaro lang. "Come on! Where's your Mafia Reaper!? I'm a Mafia Reaper and you think you can kill me!? Fools!" Nakangising sabi niya at binato sa lahat ng diteksiyon ang mga kunai niya.
"Hahahahaha! This is fun!" Sabi niya at tumalon ng mataas at nagpaulan ng mga karayom na may lason. May mga naglitawan na mga nakaitim.
"Ninja!? Pathetics!" Pang iinsulto niya.
Sinugod siya sabay sabay kaya naman naglaban sila na parang hangin sa bilis. Shuriken sa Shuriken ang laban nila. Naglabas siya ng Kunai at tinarak sa dibdib ng isa.
"Oh beybe beybe!" Kanta niya. Kinuha niya ang baril niya at nagpaputok na. Pinaulanan niya ng bala lahat ng makikita niya.
"One, two, three .." Bilang niya sa mga pinapatay niya.
Sinugod siya at maramihan iyon kaya kumuha siya ng lason at pinaghahagis sa mga lumalapit sakanya. May biglanh lumabas sa harapan niya na hindi niya inaasahan kaya napaatras siya at napangisi.
"I've been waiting for you!" Nakangising sabi niya sa isang lalaki na kakarating lang. Nakangisi ito sakanya.
"What a gorgeous Mafia Reaper!" Natutuwang sabi niya at sinugod ang lalaki.
"Sayang ang kagandahang lalaki mo kung papatayin lang kita!" Nakangising sabi niya.
"Then try me." Mayabang na sabi ng lalaki.
"I will." Nakasmirk na sabi niya at hinanda ang isang maliit na punyal.
Inatake niya ito ng mabilis ngunit nasasabayan nito ang galaw niya kaya naman nakaisip siya ng plano. Napa smirk siya. Inilapit niya ang sarili niya na hindi nito inaasahan.
"Woah. Cool." Tuwang tuwa na sabi niya ng maramdaman niyang magstiff eto.
"I like you already!" Sabi ni Angelou ng nakangisi. Mabilis siyang kumilos at tinalian ito.