21. Here comes the problem!

315 14 0
                                    

Para po sa classmate kong maganda! Haha. :> totoo na to be! :D enjoy!

----

Preview:

“Why are you looking at me like that?” Tanong ko. Hindi maiitago ang kaba at takot na nararamdaman ko. Dahil hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

“Will you be my everything?” Biglang sabi niya at ngumiti. Napatungo ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. Kinabahan ako e! Akala ko.. Darn it. I’m overthinking again!

--------

Chapter21 Here comes the problem!

Antonette’s POV

Masaya ako. Pero, hindi ko magawang magdiwang! Hindi ko magawang sumagot dahil ayoko siyang saktan sa maaaring masabi ko at sa maaaring lumabas sa aking labi.

Nakatali pa ako. My life is still half buried sixth feet underground! Wala parin akong kawala. Kahit sabihin kong Malaya ako at nakakasama ko si Adrian ay hindi ko tuluyan magawang magdiwang dahil ang saying pwede kong iparanas sakanya ay hindi naman kumpleto. Hindi magiging buo ang kasiyahan niya kung sa huli ay kakailanganin ko rin naman siyang iwan!

Nakangiti siya habang hinihintay ang kasagutan ko. I throw myself at him and buried my face on his neck.

“You can’t?” Nasa himig niya ang pagiging malungkot.

Hindi lang naman ikaw Adrian ang nalulungkot,--pati ako.

“Alam mo ang sitwasyon ko, Adrian.. gusto ko. Gustong gusto ko nga e. But what could it do? I can’t do anything Adrian. Wala akong magawa!!” I cried hard.

Hinimas niya ang ulo ko na tila nais niyang pagaanin ang sakit at lungkot na nararamdaman ko sa mga oras na ito. “Tahan na. Huwag ka nang umiyak pa.” Sabi niya at inilayo niya ako sakanya at hinarap ako upang punasan ang mga luhang nagsipatakan sa pisngi ko.

“Ayoko nang nakikita kang umiiyak ok?” Sabi niya kaya tumungo tungo naman ako.

“Opo.” Sabi ko.

*BOOOOM*

Agad akong napalingon kung saan ko banda narinig ang pagsabog na iyon. Nang matukoy na sa amin ang bandang lugar na iyon ay agad akong napatakbo. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kailangan pang mag alala dahil naroon naman ang batang Lee, pero  hindi ko maiwasan lalo na’t ngayon pa ngang alam kong may handang trumaydor saamin.

Ang hindi ko lang naman matanggap ay bakit kailangan  niya pang gawin lahat ng to. Kaibigan niya sila Adrian pero handa siyang magtraydor. Ang tanong ay para saan nga ba? Para saan ba ang pagtatraydor niyang ito? Bakit kailangang humangtong sa puntong kailangan may masaktan pa?

“Antonette!” Sigaw ni Adrian mula sa likuran ko kaya naman napahinto ako at hinintay siyang makarating sa kinatatayuan ko.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon