11. Twin

912 23 1
                                    

Dedicated to one of my inspiration! :)) Hope you like it, if ever na mabasa mo. :))

Antonette's POV

"What are you doing here!?" Sigaw ko sakanya. Ayoko talaga siyang nakikita. Ayokong tignan siya. Ayoko ng presensiya niya. Ayoko ang lahat sakanya. Bakit at paano siya napunta dito? Paano? Alam kong iniwan ko siya.. alam kong nada malayo siya.. paano niya nalaman ang kinalulugaran ko? Paano siya nakapasok? Tanga ka talaga AD! Natural makakapasok yan!

Tumayo siya at nginitian ako kahit sinigawan ko na siya. Humahakbang siya papalapit habang ako paatras.. ayoko siyang makita..

"Bakit ayaw mong tignan ang mukha mo?" Nakangiting sabi niya.

"Ayokong tignan ka." Sabi ko.

"Paanong ayaw mo kung iisa lang tayo ng mukha Antonette?" Huminto siya ng lakad maski ako.

May kambal ako.. ang masama pa.. para kaming salamin.. kahit sino malilinlang. Kaya ayoko siyang tignan dahil naiirita ako sakanya. Bakit? Kasi malandi siya. Pakiramdam ko, ako siya. Kaya naman sinadya kong mapalayo sakanya. Pero kahit ganyan yan.. importante yan. Wala nga palang alam yan saakin dahil hanggat maaari ayokong maging sagabal siya. Paano na nga ba ngayon na nandito na siya?

"Umalis kana." Malumanay kong sabi sakanya.

Pero humalakhak lang siya na ikinainis ko. Siya lang ang taong nakakaubos ng pasensiya ko. Siya lang.

"Ayoko."

"Umalis kana Anna Marie." Sabi ko.

"Bakit mo ba ako pinapaalis? Wala naman akong ginagawa sayo! Kakarating ko palang!" Iritang sabi niya. Nakakainis talaga to. Hindi madala ng isang salitaan lang! Pumasok ako ng kwarto ko .. mamaya makita pa ng security camera na dalawa kami.

"Yun na nga! Kakarating mo lang! Ano ngayon? It doesn't change the fact na manggugulo ka nanaman!" Galit na sabi ko. Nakatayo siya sa harapan ko. Nakaupo naman ako .. parehas kaming naka cross arms. Gaya gaya talaga!

"So? Hindi ka paba nasanay? 2 years ka na ngang hindi nag pakita!" Sigaw niya.

Darn it. Natigilan ako. Nginisihan ko siya ng nakakaloko.

"Miss mo ako?"

Matagal akong hindi nagpakita sakanya. Kayla Mom at Dad lang ako nagpapakita dahil ayokong nag kukrus ang landas namin ng dahil narin sa nangyari saakin. Mamaya mapagkamalang ako siya! Edi nalintikan na! Wala pa naman alam gawin to! Tss tss.

"Asa!" Nakangiwing sabi niya.

"Lumayo ka sa lugar na to. Huwag kang magpapakita kahit kanino."

"What? Ang weird mo talaga!"

"Mas weird ka. Papansin kapa. Tell me.. anong kailangan mo at pinuntahan mo ako dito?" Naka ngising sabi ko. Yung mapang asar.

"Tss. Secret!" Sabi niya at ngumuso.

"Tss. Childish." Sabi ko at inirapan siya.

"Tsk. I'll tell Mom and Dad na nakikipag live in ka!" Banta niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Walang alam sila Mom and Dad. Knowing Mom.. gagawin nun ang lahat para lang makauwi agad dito.

Childish act. *faced palm*

"Ano ba talagang kailangan mo?" Naiinis kong tanong sakanya.

"Maibibigay mo ba?" Darn this girl. Manipulator to e. Lahat ng alas na alam niya.. ilalabas niya mapasunod ka lang kahit masama na.

"Name it!" Inis kong sabi sakanya.

"I want a car, condo and allowance every month.. allowance should be 100k per month!" Masayang pahayag niya.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon